CHAPTER 13

2002 Words
"Stop staring!" Angil niya sa aso. Nasa sala siya at ito naman ay nasa carpet nakaupo na nasa paanan niya at nakatingala sa kanya. Ngunit tumahol lang ito. Mabilis niyang tinawagan ang amo nito. Kakaalis lang nito at talagang tinotoo nitong iwan silang dalawa ni Bandit na magkasama. "Addy, what's wrong?" Sagot kaagad nito sa kabilang linya. "Your dog!" Tungayaw niya. "What happened to him?" "He's frickin' staring at me! Just go home now, please...." "Addy, he's just watching you. You're just overreacting." "I'm not overreacting! He even howl at me when I scold him!" "Then don't scold him, then he will not growl at you! Bye, be good to him." Inis siyang napatili nang p*****n siya nito ng tawag. "This is your fault!" Baling niya sa inosenteng aso. Umungot lang ito at ikiniwal ang buntot. Mas lalo siyang nataranta nang bumaba siya sa couch ay gumalaw din ito at sundan siya. "Stay! Stay where you are!" Katulad nang ginagawa nito ay tatahol ito at uungot. Natatakot siyang baka sa paghakbang niya ay kakagatin nito ang kabila niyang binti. Sa kakalingon niya, hindi niya napansin na hindi niya naitukod nang maayos ang kanyang saklay kaya bumagsak siya sa sahig. "Awww, why I am so unlucky?" Napatingin siya kay Bandit na tahol ng tahol. "Stop howling and find my phone. Why on earth you have to follow me?" Daing niya. Hinilot niya ang pigi dahil napalakas ang bagsak niyon sa sahig. Napatigil siya sa ginagawa nang makitang nasa harap na niya ulit ang aso at kagat kagat nito ang kanyang cellphone. Naintindihan nito ang kanyang sinabi! Wait, maybe he can understand tagalog too. Masubukan nga. "Naintindihan mo ako?" Tumahol ito. Maybe that was a yes? "Kunin mo yung tsinelas ko",sabay turo sa sapin niya sa paa na natapon sanhi nang pagkakabagsak niya. Mabilis naman nitong sinunod ang sinabi niya. "You're a smart dog!" Nagawa niyang sambitin. "Now, are you sorry that you followed me?" Hindi ito tumahol at tumingin lang sa kanan na para bang hindi nakaamoy ng hindi maganda. "No?" Tumahol ito ulit. "And it's my fault?" Tahol ulit. "Okay, kasalanan ko na. Now, bring my crutch." Ayaw man niyang isipin ngunit hindi niya maiwasang matuwa sa aso. She never have a pet in her whole life. Her siblings have pero siya? No way. She only have her dolls and toys before. But pets, there's no way. Hindi naman sa allergy siya sa mga hayop but she just found it annoying. Tamad kasi siyang mag alaga nang kahit ano. Ang plano niya sanang pagtawag kanina kay Drake ay hindi natuloy. Nawili siya sa pakikipag usap at pag uutos kay Bandit. Hindi niya alam kung may sarili bang trainor ang aso o ang mismong binata mismo ang trainor nito. Maybe she can ask Drake about it. Sinubukan niyang tanungin si Bandit ngunit hindi niya alam kung ano ang sagot nito. Nahuhulaan agad niya ang nais nito kung ang tanong niya ay yes or no ang sagot. If it's a no, he will not answer you and snob you, literally. And if its a yes, he will woof at you. Katulad nang sinabi ng binata, tanghalian ay umuwi na ito. Sinalubong ito ni Bandit. Napatingin siya sa mga bitbit nitong paper bags. Iyon marahil ang tanghalian nila. Inilapag nito ang mga iyon at tinanggal ang doctor coat nito. "She've been good to you?" Napatingin siya sa dalawa. At ang walang hiyang aso tumingin pa sa gawi niya. May balak pa yatang ilaglag siya. Tumahol ito nang dalawang beses at tumingin pagkatapos sa kanan katulad nang ginagawa nito kanina habang naglalaro sila ng question and answer. "Yes and no?" At nagsumbong nga! "Oy Bandit, umayos ka!" Hindi niya mapigilang saway sa aso. Napatingin sa gawi niya ang lalaki. Bahagyang nakaguhit ang ngiti sa labi nito. Naa amuse marahil sa reaksyon niya. "Ang tsismoso naman ng aso mo", nakasimangot na saad niya. Napailing lang ang lalaki. "Have lunch with us?" "You mean, with your dog? No way!" Agad na reklamo niya . "Hushh!" Saway niya sa asong tinahulan siya. "C'mon Addy. Bandit has his own plate and he will not literally eat with us in the table." Lihim siyang napakagat ng labi. Tinapunan niya ng tingin ang aso. Matalino ito at alam niyang naiintindihan nito ang sinasabi niya. "Ahm,can we eat here in the living room?" Lihim niyang naipanalangin na wag naman sanang pati pagkakabagsak niya ay malalaman ng lalaki. Simula nang bumagsak siya kanina ay nahihirapan na siyang iangat ang pigi. Ma pride pa naman ang aso nito at hindi tumatanggap nang pagkakamali. Saglit itong natigilan ngunit sumang ayon din. Nang mailagay nito lahat ng pagkain ay saglit itong nagpaalam para kumuha ng tubig sa kusina. "Come Bandit, come with me." Of course the loyal dog go with him. Narinig pa niya ang tahol nito sa kusina. Pagbalik nang dalawa ay matiim ang titig ng lalaki sa kanya na ikinabahala niya. Napabaling siya kay Bandit. Alam niyang may kinalaman ito. "Come here buddy", tawag nito sa aso. "Kumain na lang kaya muna tayo bago kayo magtsismisan dalawa?" Lihim niyang pinandilatan ng mata ang aso. "Did she fall on her knees?" Tanong nito sa aso na ikinatuwid niya ng upo. "Do you expect him to answer you?" Hindi mapigilang sabat niya. Ang walang hiyang aso hindi man lang marunong magsinungaling. Tumahol tahol ito at tinungo pa ang kanyang saklay at kinagat iyon papunta kung saan siya kanina bumagsak. "See that?" "It was his fault. Sunod siya ng sunod sa akin. Alam naman niyang takot ako sa kanya! Ikaw, you promise not to tell him!" Umungot lang ito at dinilaan siya sa binti na ikinagitla niya. Tawang tawa naman ang lalaki sa reaksyon niya. "He's sorry." "Stop him Drake!" "C'mon buddy, eat your food." "How did you trained him?" Nagawa niyang itanong. "How did you even sensed that I was fall on my knees." "Well, I just treat him like normal person. I talk to him everyday. And about what happened to you, I just sensed that something was wrong because you don't want to move. I thought something happened. And the thought that Bandit answered my question. C'mon finish your food. So you can take your medicine." "Ahm, thank you",nagawa niyang sambitin. It's sounds weird but in her lifetime hindi niya naalalang naging ganoon siya kaganadong kumain. _____ Natapos na lang lahat-lahat nang gawain nang lalaki sa loob ng unit ngunit hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan. Ewan ba niya, nakahiyaan na niyang sabihin na nahihirapan siyang iangat ang pigi. Ngayon pa siya nahiya na ang lakas nga ng loob niyang akitin ito kagabi. Scratch that! "Hey,you're still here?" Napakislot siya. Nanggaling ito sa guest room. "I like it here",palusot niya. Patay malisyang nagkunwari siyang nagsoscroll sa cellphone niya. Siguro mamaya ay pipilitin niyang iangat ang katawan kapag papasok ito ulit sa loob. "I didn't even saw you move", giit nito. "Because I like it here",giit niya. "Malakas ba ang pagkakabagsak mo?" "Huh?" Huli na para itago niya ang reaksyon. "Damn Addy, you should tell me if something wrong in your body!" Hindi agad siya nakahuma nang lapitan siya nito at walang inaksayang oras na binuhat siya. Hindi sinasadyang napadaplis ang dulo nang kanyang bibig sa pisngi nito. God, he smell so good. Hindi na niya napigilan ang sarili at inilapit pa lalo ang ilong sa leeg nito to smell him more. "Stop it, Addy",paos ang boses na saway nito sa kanya. "Why do you care for me too much?" Sa halip na tanong niya. "I can have anyone here ,not just you." Kitang-kita niya ang paggalaw nang Adams apple nito. And she find it sexy. "Why, Drake?" "I'll answer that when you can able to walk." Mas lalo niyang sininghot ang leeg nito na ikinatigil ng lalaki sa paglalakad. Nagtatakang sinilip niya ang mukha nito para lang magulat nang abutin nito ang kanyang labi. Awtomatikong napanganga siya nang galugadin nito ang kanyang bibig. The kiss is hot and aggressive. Mas lalong napahigpit ang kapit niya sa leeg nito nang palalimin pa nito lalo ang halik. Naramdaman na lang niyang lumapat ang kanyang pang upo sa malambot na kama ngunit hindi pa rin nito pinipigilan ang pag angkin sa kanyang labi. Akmang titigil ang lalaki ngunit lalo niya itong hinapit palapit at inabot ang dila sa loob ng bibig nito na sabay nilang ikinaungol. Bumaba ang kamay nito sa kanyang dibdib na ikinaigtad niya. Napatigil na rin ito nang maramdaman ang naging reaksyon niya. "We need to stop....." Tila nahihirapang anas nito. "Before I forgot that you are injured." "Why you always kiss me?" Mahinang naitanong niya. Gahibla na lang ang layo nang labi niya rito at amoy na amoy nila ang hininga ng bawat isa. "Because you kept on tempting me." "Should I stop?" Umiling ito nang marahan. Bahagya itong dumistansya sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin. "Why you don't want me to stop?" "Because..... Hindi na nito tinapos ang sabihin ay hinuli ulit ang kanyang mga labi. Ipinikit na lang niya ang mga mata at nagpaubaya. Kung hindi ba naman siya isandaang porsyentong malantod. May pasumpa-sumpa pa siya noon ngunit isang halik lang nito ay bumigay na siya. Hindi man lang siya nadala sa mga masasakit na salita nito. Sukat sa naisip ay mabilis niya itong naitulak. "No. No way. Not again. Stay away from me." "What the---" hindi makapaniwalang nakatitig ito sa kanya. "Are you bipolar?" Hindi niya ito pinansin at tinakpan ng unan ang mukha. Oh God, bakit ang rupok ko? Ngunit naramdaman na lang niyang lumubog ang kama. Naramdaman niyang umupo ang lalaki sa tabi niya. "So you talked to Bandit today?" Naipaikot niya ang mga mata. Anong trip nito? Gustong makipagkwentuhan? Hindi. Hindi niya ito pagbibigyan. Natutuliro siya kapag malapit lang ito at hindi niya mapigilan ang sariling ilapit ang sarili dito. "C'mon, I know you are starting to like him." Mas gusto kita,hay*p ka! "I don't want to talk. Mas bet kung hilutin ngayon ang pigi ko dahil sigurado akong nalamog to'. Will you please excuse me?" "I can do it for you." "What?" Tuluyan na niyang tinanggal ang pagkakatakip sa mukha. Anong pinagsasabi ng lalaking ito. "I can massage your butt." "And end up kissing me?" Hindi na niya napigilan ang kanyang bibig. "Don't sound like you don't enjoy every bit of it",nakangising wika nito na lalong ikinalukot ng kanyang mukha. Ang walang-hiya! "Well I don't!" "Says who?" "Isinumpa na kita noon, bakit buhay ka pa ngayon?" Hindi niya maiwasang sabihin dahil napipikon na siya sa paraan nang pagngisi nito. "Because I've found the antidote?" "Ewww, ang tanda mo na para sa ganyan. Get out of here, wala kang kwentang kausap", nanggigigil na wika niya. "You know why you hated me?" Napataas ang kanyang kilay. "Why?" "Because you still have feelings for me",may pagmamayabang ang boses nito. Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. Ang kapal! Kung hindi lang siya pilay kanina pa ito nakatikim nang sipa sa kanya. "Of course, I do! I do have feelings for you! I have this feeling that I really want to kick your balls. Get out! Or better go back to your place and bring your frickin' dog with you!" Ang lakas nang asar! "Okay,but let me do this- At walang seremonyang inangkin ang kanyang mga labi. She was caught off guard. Ni hindi niya nagawang huminga dahil saglit nitong pinalalim iyon at muntik na naman sana siyang tumugon kung hindi ito tumigil. "See you later!" Sabay kindat sa  kanya at lumabas. Saglit siyang napatanga sa inakto nito. "Bakit ang tanga ko?" On the next two days, Serenity was there to check her. Nakakatayo na siya ng maayos ngunit pilay pa rin at nakasaklay. Drake was not dare, at nasa clinic nito. As usual iniwan na naman siyang kasama ang aso nitong ubod nang tsismoso. Hindi naman ito nagtatagal sa clinic ang lalaki at uuwi din kapag oras nang tanghalian. "Where are we really going Ate?" Naiirita niyang tanong. Pareho silang nasa likod habang ang driver nito ay tahimik lang na nagmamaneho. "You need a Physical therapist. Hindi ko na alam ang irarason ko kay mom at dad. Mamaya lalabas pa itong anak ko na sinungaling." Sabay haplos sa tiyan nito. "Seriously Addy, kailangan mo nang makalakad nang walang saklay bago ang baby shower! Kung hindi ka pa sisipot, hindi ko na talaga alam!" "Okay,okay! Calm down. Papunta na nga tayo diba? Anyway, do you know the therapist? Can he or she be trusted?" "Of course! It was the same clinic I attended before. But maybe another therapist. Not my therapist." "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD