"So, who's Clark?"
Nabitin sa ere ang akma niya sanang pagsubo nang kanin. Dinala siya nang lalaki sa malapit lang na restaurant ilang metro ang layo mula sa clinic nito.
"How did you know that name?" Puno ng pagtatakang sambit niya. Wala siyang naalalang nabanggit kahit sa pamilya niya ang tungkol sa bagong boyfriend niyang si Clark. Bago dahil noong nakaraang linggo lang naging sila. She had her past boy friends na hindi niya alam kung matatawag ba niyang relasyon dahil hindi iyon umaabot nang isang buwan.
"I heard it from you", kaswal na sagot nito. Tuluyan na niyang ibinaba nag kubyertos at lumikha iyon ng tunog dahil napabigla ang pagbitaw niya.
"Hindi pa naman siguro ako ulyanin,ano? I didn't remember myself talking to you about my boyfriend. Neither in the future, it won't happen."
"Your boyfriend. Yeah, right. Maybe your new boyfriend?" Naging sakrastiko ang dating ng boses nito. Bakit parang alam ito tungkol sa mga past relationships niya? Pinunasan nito ang bibig at hinarap siya.
"Actually we heard you mentioning his name while you're sleeping. So pang ilan siya?"
Tuluyan na siyang nawalan ng gana. Imbes na gutom na gutom siya ay nawala iyon at napalitan nang pagkairita. Para kasing iniinsulto siya ng lalaki.
"Is this the purpose of this lunch? Q and A interview? Listen, my life in abroad wasn't concerned you. Please don't pretend that you are interested in my story."
"I'm just asking. Don't feel bad about it. I'm just curious."
"Curiosity was the other way of knowing someone's secret",patutsada niya. " At wala akong balak magpaliwanag. I didn't even ask you about Tiffany."
Nakagat niya ang dila dahil sa huling sinabi. She shouldn't have said that. Matagal na iyon but she can still remember the photo of him together with that woman.
"How did you know about her?" Amuse na tanong nito. Napayuko na lang siya para itago ang pamumula ng mukha. "That was a long time ago."
Tama ito. Matagal na iyon. Pero hindi niya iyon makalimutan because that was the day that she cried a lot like she's dying. Thinking that he was the first man who invaded her sacred body.
Naka tag sa i********: ng lalaki ang naturang picture na kung saan nakakandong ang babae dito at nakapulupot ang kamay sa leeg.
"And after that, you blocked me", akusa nito. Napatitig siya dito. How did he knew that?
"I didn't blocked you", mabilis niyang tanggi.
"You didn't?" Taas kilay na tanong nito. Tumango siya. "I know you're lying.."
Tuluyan na siyang nawalan ng sasabihin. Ang tanging paraan lang para makaiwas dito ay ang umalis doon.
"I really need to go", nagawa niyang sambitin. Na hahotseat siya sa lalaki. Paano kung tatanungin nito kung bakit hanggang ngayon nakablocked pa rin ito sa kanyang account? Tumayo na siya at sinambit ang shoulder bag.
"Does your family knew that you're being deported from California?"
Napatigil siya sa paggalaw. Namumutlang tiningnan niya ito.
"Where did you learned that?"
Nagkibit lang ito nang balikat na lalong ikinabahala niya. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.
"Are you going to tell them?" Kinakabahang tanong niya.
"Do you want me to?"
Umiling siya, sunod-sunod.
"Then I won't."
She sighed for relief. Mabuti naman at hindi ito tsismoso.
"Thank you then",saka kiming ngumiti. Ibubuka sana niya ang bibig para magpaalam dito ngunit naunahan siya ng lalaki.
"You can continue taking residency in the hospital. I am one of the director by the way."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Anong alam ng lalaking ito sa buhay niya? Even her parents didn't know that she's taking her residency in Roseville. Ang alam ng mga ito nag aaral pa rin siya.
"No, thank you",saka mabilis ang mga hakbang na umalis doon.
Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang nasa sasakyan na siya.
"What he's up to?" Nagawa niyang itanong sa sarili. Wala sa sariling nagmaneho siya. Naiwan ang kanyang utak sa mesa kung saan sila kumakain kanina. Saka lang siya natauhan nang makarinig nang sunod-sunod na busina mula sa unahan. Nanlaki ang kanyang mata nang mapagtantong sinasalubong niya ang malaking ten wheeler truck. Mabilis niyang naikabig ang mabibela pakaliwa. Ngunit hindi niya naiwasan ang posteng naroon. Malakas ang impact nang kanyang pagkakabunggo. Mabuti na lang at naka seatbelt siya kundi kanina pa siya sana tumilapon. Sinilip niya ang kasalubong na malaking sasakyan. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala itong nabangga. Ngunit napalitan din kaagad iyon ng kaba nang bumaba ang driver niyon at tinutungo ang direksyon na kinaroroonan niya.
Gusto niya sanang umalis na kaagad roon ngunit saka niya napagtanto na hindi niya maiangat ang kabilang paa.
God matutulad ba ako kay ate Serene?
Nakahingang siya nang maluwag nang subukan niyang igalaw iyon at hindi naman siya nabigo. Marahil may buto lang na misplaced pero hindi naman malala alam niya.
Kaya lang sobrang sakit.
Napatigil lang siya sa pagngiwi nang may kumatok sa bintana ng sasakyan.
Wala sana siyang balak pagbuksan ang lalaki dahil hindi niya ito kilala. Ngunit wala naman sa mukha nito ang pagiging masama dahil nag aalala ang mukha nito habang nakatunghay sa sasakyan.
Ibinaba niya ang salamin at hinarap ito.
"Okay ka lang miss?" Agad na tanong nang may edad ng mama sa kanya.
Umiling siya at bahagyang ngumiwi.
"Pasensya na po kayo manong. Nanlalabo po kasi ang mata ko dahil napuwing, kaya hindi ko kaagad kayo nakita",lihim niyang nakagat ang dila dahil sa pagsisinungaling. "Hindi ko po maigalaw nang maayos ang kanang binti ko."
"Walang promblema yun miss, hindi naman ako napano. Ikaw nga itong inaalala ko e. Kung gusto mo totondahin ko ang sasakyan mo hanggang sa hospital?"
Napatingin siya sa sasakyan nito. Kung papayag siya sa gusto nito,babalik na naman siya sa pinanggalingan. Malaking hospital ang kinaroroonan ng clinic ni Drake. Maaaring doon siya ihihinto ng lalaki.
Or should I call my family?
Mabilis din niyang sinaway ang sarili. Nasa hospital ang lolo niya. May problemang kinakaharap ang pamilya niya at ayaw na niyang dumagdag. Wala siyang choice kundi sumang ayon sa nais ng lalaki.
"Sige po manong, kung hindi po ako nakakaabala."
"Hindi naman hija. Lumipat ka muna at imaneho ko yang sasakyan mo papunta sa likod ng truck ko."
Hirap man ay sinunod niya ang nais nito. Napapangiwi na lang siya tuwing namamali siya nang galaw dahil kumikirot ang kanyang binti.
Hindi niya alam kung paano pasalamatan ang kabutihan nito. Kung ibang tao iyon ay iiwan na siya doon at hahayaang mamatay kung sakali dahil takot mapagbintangan.
Tama nga siya nang sapantaha. Iyon ang unang hospital na madadaanan nila. Gusto niyang sigawan si Manong na wag nitong ihinto ang truck sa first gate. Mayroong dalawang gate ang hospital na iyon.
Bago pa man niya mabuksan ang bintana ay huminto na ito. Napatingin siya sa pintuan nang gusali para lang manlaki ang kanyang mga mata.
"Manong! Manong! Doon niyo po ihinto sa ikalawang gate!" Tarantang sigaw niya sa matandang pababa na. Napatingin siya ulit sa pinto. Lalo siyang nataranta nang tinutungo na ng lalaki ang kanilang kinaroroonan. Natatandaan siguro nito ang ginamit niyang sasakyan.
"Ha? Bakit? Diba dito naman malapit ang emergency room?"
Tuluyan na siyang napakamot ng ulo nang makalapit ang lalaki sa kinaroroonan nila. Mabilis niyang itinaas ang salamin para hindi siya makita ng nito.
Naabutan nitong tinatanggal ni Manong ang pagkakatonda sa kanyang sasakyan. Hindi niya maiwasang mapatitig dito nang matagal habang nakikipag usap ito sa matanda. Kumunot pa ang noo nito at tumingin sa direksyon niya. Napaiwas pa siya nang tingin saka niya naalalang tinted pala ang salamin niyon. Hindi siya nito nakikita mula sa loob.
Ilang minuto pa ang uusap nang dalawa. Nagtaka siya nang abutan ni Drake ng pera ang lalaki. Todo tanggi pa ang huli ngunit napilit din ito ng binata. Hindi niya kasi naririnig ang usapan ng dalawa.
Lumapit sa gawi niya ang si Manong kaya wala siyang choice kundi ibaba ang salamin.
"Pano miss, tutuloy na ako. Nandiyan naman pala ang boyfriend ninyo."
"Salamat po Manong. Saka hindi ko po siya boyfriend. Pasensya na po kayo kung wala akong maiabot, wala po kasi akong pera e", napakagat labi na lang siya nang maaalala na wala pala siya ni piso. Tapos may balak pa siyang sa unahan magpapababa, ni wala nga pala siyang pera. Hindi rin niya dala ang ATM niya.
"Naku miss, nakakahiya nga po e. Pero mapilit ang nobyo ninyo."
Tuluyan na siyang napasimangot. "Hindi ko nga po siya nobyo!"
"Aba'y sabi mo e. Sige mauna na ako."
Tinambol nang kaba ang kanyang dibdib nang seryosong nakatingin lang sa kanya si Drake. Saka lang ito lumapit sa kanya nang tuluyan nang makaalis ang truck na nasa unahan niya.
Napakislot siya nang padaskol nitong binuksan ang pinto. Lihim siyang napangiwi. Base sa reaksyon nito ay hindi nito nagugustuhan ang nangyayari.
"I think I need a wheelchair", suhestyon niya. Ngunit nanatiling walang imik ang lalaki. Ano kaya ang iniisip nito. Ito na ang nagtanggal nang pagkakaseatbelt niya saka yumuko. Pigil ang kanyang hininga dahil amoy na amoy niya ang hininga nito sanhi nang pagkakalapit nilang dalawa.
"Awww!" Bigla niyang daing. Nagalaw kasi ang kanang binti niya nang akmang bubuhatin siya nito.
Nag aalalang tiningnan nito ang kanyang mukha. "I'm sorry, are you okay?"
God his voice is so soothing.
Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Saka niya pinalalaahanan ang sarili na hindi na siya ang disiotsong Addy na baliw na baliw dito.
Tumango lang siya.
"You better bring a wheelchair",ulit niya. "Hindi ako makakalakad."
"No need."
Napahiyaw siya ulit nang akmang bubuhatin siya nito. Ang sakit talaga nang kanyang binti. Kapag nagalaw ang kanyang pigi ay deretso ang sakit pababa. Ngunit hindi na nito pinakinggan pa ang daing niya at tuloy-tuloy siya nitong binuhat. Nang may ilang staff nang ospital ang lumapit sa kanila ay inutusan na lang nitong iayos ang pagkakaparada nang Mustang na dala niya. Saka ito tuloy-tuloy sa emergency room.
_____
Drake
Hindi niya alam kung ilang mura na ang pinakawalan niya sa isip. Habang nasa loob ang dalaga ay binalikan niya ang gamit nito. Kanina pa nag iingay ang cellphone nito ngunit hindi niya alam kung sasagutin o hindi.
She have no idea kung anong kaba ang naramdaman niya kanina. It reminds him the story of Serene. Paano kung malala ang pagkakabangga nito? Good thing that the old man has a good heart to bring her in the nearest hospital.
Akala niya kanina kapareho lang ng sasakyan nito ang Mustang na tinotonda ng malaking truck. But he follow his instinct. Ang kakaibang kaba niya. Kaya hindi siya nagkakamali, ang dalaga nga ang nasa loob niyon.
Mabuti na lang papauwi na rin siya nang mangyari iyon dahil kung hindi, walang makakasama ang dalaga. Ang masaklap hindi pa ito makakalakad sigurado siya.
Napatayo siya kaagad nang bumukas ang pinto nang emergency room.
"Doc", tawag sa kanya ni Doctor Andres. " Pwede na siyang ilipat sa ward. If she finish her IV fluid she can go home."
"Oh, not that really bad, I guessed?" Nagawa niyang sambitin. Ibig sabihin hindi malala ang nangyari sa binti nito dahil makakalabas na rin ito kaagad.
"Just a little fracture. Not that serious, but she can't walk for couple of days or maybe weeks. Her leg was casted by the way. And mind you, she fall asleep when I gave her a pain reliever."
Tumango-tango siya. "Thanks doc."
"Welcome. So, I should get going."
Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
_____
Maigi niyang pinagmasdan ang mukha nang dalagang mahimbing sa pagkakatulog. Hindi siya nagsasawang tingnan ang mukha nito.
Beautiful. Yet, stubborn. Always stubborn.
Hindi siya minsan makapaniwala sa sarili na isang kisapmata lang ay nagbago ang tingin niya dito. O marahil matagal na niya itong napapansin noon pa, pilit lang niyang pinipigilan ang sarili dahil sobrang bata pa nito. Careless and aggressive.
He never regret what he did. He knew, it was for her. For her own good. Ayaw niyang makulong ang mundo nito sa kanya. She have a lot of things to explore. Paano kung pinatulan niya ang kalokohan nito noon then later on marerealized nitong marami pa itong gustong gawin sa buhay? He don't want that to happen. That scares him off.
He look at her lips, her sinful lips. Eight years had passed but the taste of it was still in his mind. Her smell, her addicting smell.
Ipinilig niya ang ulo dahil kung saan-saan na napupunta ang tinatakbo nang kanyang isip.
Natigilan siya nang umungol ito.
"Addy..." Masuyong sambit niya sa pangalan nito. He didn't remember himself sound like this before. Kundi puru panenermon at simangot ang lagi niyang ibinabato sa dalaga. Bahagya itong nagdedeliriyo. Nang hawakan niya ito sa kamay ay napapiksi siya. She's hot. Literally.
She has a fever. Posibleng lalagnatin nga ito dahil may fracture ito sa binti.
"Water....." Daing nito.