Mabigat ang talukap ng mga matang pinilit niya iyong imulat.
"I'm thirsty",anas niya. Napatingin siya sa lalaking agad na tumayo at kumuha ng bote ng tubig.
Binuksan nito iyon at agad na iniumang sa kanyang bibig. Para siyang tumakbo nang ilang metro dahil parang hapo siyang uminom ng tubig. Natural na lalagnatin siya dahil sa fracture na natamo.
"How do you feel?" Nag aalalang tanong ng binata. Nagdedeliriyo na nga siya dahil nagiging masuyo ang boses ng lalaki na alam niyang hindi mangyayari. Halusinasyon lang niya iyon dahil nilalagnat siya. Sanhi lang iyon ng pagtaas ng temperatura ng kanyang katawan.
"I feel hot...",anas niya.
"Do you want something to eat?" Hindi pa rin nagbabago ang suyo nang boses nito. Gusto niyang samantalahin iyon.
"Yes, please. Something that can take away my hallucinations."
"Hallucinations?"
"Yeah, I must be hallucinating. Your voice was kind of real. So sweet and tender.... So warmm....."
"You're just hungry."
"Yeah, maybe..."
"I have a hot soup here, you want?"
Gaano ba siya katagal nakatulog at nagawa na nitong bumili ng pagkain? Tango lang ang tanging naitugon niya dahil natutukso na siyang ipikit ulit ang mga mata at matulog.
Ito na ang nagpakain sa kanya. Gusto man niyang kiligin sa oras na iyon ay hindi niya magawa dahil nanghihina siya. Ilang subo lang at agad siyang umiling. Hindi na kaya ng sikmura niya, kapag pinilit niya iyon ay sigurado siyang isusuka lang niya iyon.
Sakà walang pakialam na bumalik sa pagkakahiga pagkatapos niyang uminom ng tubig. Nakakapanghina kasi ang lagnat niya.
______
Nagising siya nang makaramdam nang panubig. Saka lang pumasok sa isip niya ang nakabendang paa. Kanina hindi niya napansin iyon dahil sa lagnat niya. Nawala na marahil ang bisa ng pain reliever dahil kumikirot na naman iyon.
Napatingin siya sa malaking orasan sa loob. Alas otso na nang gabi. Marahil hinahanap na siya sa kanila.
Oh my God! How could I forget to call them?
Dahil abot lang ng kabilang kamay niya ang ulo ni Drake ay tinapik niya iyon. She need to call her family kundi talagang malilintikan na naman siya.
"Drake wake up!"
"Hmmm...."
" I need to pee,c'mon!"
Bukod sa kagustuhang matawagan ang mga magulang, atat na rin siyang makapunta ng banyo dahil parang puputok na ang pantog niya.
"What?" Naalimpungatang wika nito.
"Naiihi ako", nakangiwing sagot niya.
"What do you want me to do?" Bahagya pang nagkasalubong ang mga kilay nito.
"Subukan mong buksan bunganga mo, diyan ako iihi", napipikong wika niya. Ihing-ihi na talaga siya.
Tuluyan na itong nagising dahil sa tono ng boses niya. "I can't believe this...."
Napasapo na siya sa puson.
"Come, I'll carry you to the lavatory."
"How?" Kagat labing tanong niya. Parehong natuon ang tingin nila sa naka cast niyang kanang paa.
"Put your hands around my neck", suhestyon nito. Ano kayang pagkarga ang gusto nitong gawin? Walang choice na sinunod niya ang nais nito. Para lang mapapikit dahil nasamyo niya ang amoy ng leeg nito. Nakaramdam siya nang hiya dahil hindi pa siya nakapagpalit ng damit mula pa sa hospital kung saan ang kanyang Lolo.
"Here we go. Hawakan mo ang dextrose mo."
Saka siya nito binuhat. Bahagya siyang nakiliti nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang tagiliran.
Nang nasa loob na siya nang banyo hindi niya alam kung paano gagalaw. How she will remove her underwear? Kailangan pa niya nang maipapalit sa pantalon niya dahil pinunit nang mga nurse ang parteng may bali.
"Can you call for me a female nurse please?" Nagawa niyang ipakiusap sa lalaki nang akma na siya nitong ibababa.
"Why? Akala ko ba ihing-ihi ka na?"
"Uhm... I.... I--I need. I can't. I mean how am I going to take off my...."
"It's not a problem."
"Huh? No way....!" Mariing tanggi niya. Ito ang magtatanggal nang underwear niya? It's embarrassing for goodness sake!
"Yes, way... C'mon. It's not like I didn't see it before",ngisi nito. Wala sa loob na hinataw niya ito. Bakit kailangan pa nitong ipaalala ang nakakahiyang bagay na iyon?
Ngunit hindi siya nanalo sa lalaki. Kahit makipagbuno pa siya dito ay hindi siya mananalo dahil pilay siya. Hindi siya malayang nakakagalaw.
Pinaupo siya nito sa basin at saglit na lumabas. Pagbalik nito ay may bitbit na itong gunting.
"Where did you get that?" Takang tanong niya.
"I asked my assistant to buy this together with your stuff. C'mon, I'll cut it now so that you can pee."
Pati yata talampakan niya namula nang umpisahan nitong gupitin ang kanyang jeans. Itiningala na lang ang ulo at ipinikit ang mga mata para itago ang pagkapahiyang nararamdaman.
Kung may magagawa lang sana ako,haysss!
"Open your eyes",utos nito. Napamulat naman siya kaaagad ng mata. "Gawin mo na ang gusto mong gawin. I'll just take your stuff outside."
Nang makalabas ito ay tuluyan na niyang binitawan ang kanina pa pinipigilang ihi. Lumikha iyon ng malakas na tunog sa loob.
Heaven...
"Are you done, there?"
"Wait!" Tarantang sigaw niya at iniabot ang tissue. Saka ikinipot ang mga binti kahit kumikirot ang nasa kanang bahagi. "You can come in now!"
Patay malisya siyang umiwas nang tingin nang pumasok ito ulit. May bitbit na itong dalawang paper bag. Napatanga lang siya nang ilabas nito ang mga laman niyon. Bumuka ang bibig niya ngunit agad din niyang itinikom. Paano niya isusuot ang mga panloob? Una, ang dextrose niya sagabal. Hindi siya makakapagdamit nang mag isa. Pangalawa, ang panti niya. Mas lalong hindi niya iyon maisusuot dahil sa malaking benda na nasa kanyang binti.
"Wait,wait. What are you doing?" Nanlalaki ang mata niya nang hawakan nito ang laylayan nang damit niya.
"You can change by your own?" Taas kilay na tanong nito. Binigyan siya nang tingin na 'wag ka nang mag inarte.'
"I told you to call a nurse!" Hindi mapigilang singhal niya.
"Hmm,hmm",sabay iling nito.
Kung siya siguro ang Addy na patay na patay dito noon ay maglulupasay siya sa tuwa kung ganito siya nito pagsilbihan.
Ngayon ba hindi na?
Gusto niyang kutusan ang bahaging iyon ng isip niya. Ang rupok!
"Open your legs", mando nito.
"What?!
"Unless you don't want anything to wear under?"
"Just...." Napalunok siya. "Just don't look at it."
_____
Drake
This is a great torture!
Naisip niya. Sana pala pinakinggan niya ang sabi nang dalaga na tatawag na lang siya ng nurse. Ngayon, sarili lang niya ang pinahirapan niya. While putting her panties on hindi niya maiwasang hindi mapalunok at pagpawisan nang malapot. He knew, it isn't a right thing. But thinking that other people can see her private, part of him felt anger. Even if it is a woman. Damn those slit.
Lickable slit. Moron! You're not a maniac!
Huminga siya nang malalim saka mabilis na pinasuot sa dalaga ang pang ibaba nito kasunod ang cottonshort. Alam niyang kaya niyang pigilan ang sarili, nagawa nga niya noon na halos ito na ang makiusap.
But now is different. She's no longer a kid. She's now a woman. A grown up beautiful woman.
Para siyang nakikipag unahan sa kung sino dahil sa pagmamadali niyang isuot ang t-shirt dito. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang matapos na niya itong bihisan at binuha palabas,pabalik sa higaan nito.
"You don't have a fever anymore, makakauwi ka na bukas",basag niya sa katahimikan.
"Can I ask you something?" Sa halip na tanong nito.
"Sure... What is it?"
"Did you feed me after I get back to sleep? I mean, don't get me wrong. I wasn't aware what I've been doing because of my fever."
"Yeah I did. So you're not aware?"
Tumango ito. "I thought I was just dreaming."
"Really? In your dream you told me that my voice was warm, sweet and tender. And you said, you're hallucinating."
"I said that?" Hindi makapaniwalang sambit nito. Napailing iling pa ito na parang hindi natanggap ang ginawa.
"Yes, you did",hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. "And one more thing, do you even have a plan to call your family,hmm?"
Sukat sa sinabi niya ay namutla ito. Nakalimutan nitong nakabenda pala ang paa nito at pwersang iniangat iyon. Hindi niya napaghandaan ang galaw nito.
"Hey, be careful!"
"Awww! Walang-hiya ka, bakit hindi mo sinabi na nakabenda pala ang paa ko?!"
"At kasalanan ko pa. You can ask me to hand your phone, you know."
______
Addy
Katakot takot na sermon ang inabot niya sa mga magulang. Buong araw palang tumatawag ang mga ito. Kahit papano ay nagawa niyang pagtakpan ang nangyari. Hindi niya pwedeng sabihin sa mga ito na napilay siya dahil sa aksidente dahil tiyak na magwawala ang magulang niya. Nadala na ang mga ito sa nangyari sa kanyang kapatid noon.
Naniwala naman ang mga ito na na- out-balanced siya sa labas ng clinic ni Drake kaya natapilok. Tumigil lang sa kadadakdak ang kanyang ina ng sabihin niyang kasama niya ang lalaki.
"I'm sorry for not answering their calls. Me neither, don't know how explain this things. Nasa hospital ang lolo mo, tapos madadagdagan mo pa ang kinakaharap ng pamilya mo ngayon",basag ng lalaki sa mahabang minutong pananahimik niya pagkatapos makausap ang ina. Malakas na buntung-hininga lang ang kanyang binitawan.
"Ang problema ko ngayon, how could I hide this entire thing?" Sabay turo sa kanyang paa. "Sigurado ako, hindi sila maniniwala na ordinaryong tapilok lang to."
Nababahala siya sa totoo lang. Ano na lang ang sasabihin nang mga kapatid niya kung sakali? Isa pa, ang sasakyan pa ng kapatid isa ding problema niya.
"Should I stay in other place until I get better?" Nagawa niyang itanong. Hindi niya alam kung sa sarili ba niya o sa kaharap. "God, I'm a mess. First, I was being deported. And now....."
Napasabunot na lang siya sa buhok. Nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa kanya. " I don't even have my own money!" Parang gusto niyang magwala.
"Aren't you paid in your work there?" Kunot-noong tanong nito.
Bumuga siya ng hangin. "I paid a penalty, so that I can't get into prison!" Hinutok niya. Tuwing naaalala niya ang nangyari bago siya unuwi ay gusto niyang mapaiyak na lang.
"And now, I can't even walk!"
Tuluyan na siyang napaluha. Nabigla siya nang tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya.
"Hey, I'm sorry."
"What? Why are you sorry?" Takang tingala niya dito.
"Ahm, I'm sorry for what you f-feel right now?"
Nailayo niya ang sarili dito at mataman itong tinitigan. "You're weird. This is not so you."
"Oh, like what you've said before. People change."
"Is that so? That's why you're being a good samaritan now?"
"Silly", natatawang sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo.
"Or maybe, people change when they're getting old."
"What? I'm not old!" Napatuwid ito nang upo at salubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"Oh, should I remind you again what is your age right now?" Nakangising saad niya.
"Hey, I'm just thirty five!"
Tumango-tango siya. "Just thirty five, and five more years you'll be fourthy and still single. Seriously, when do you plan of getting married?"
"Maybe, when you're ready?"
"Excuse me?!" Para siyang nabingi sa narinig. O namali lang talaga siya nang dinig?
"Forget what I've said. So what is your plan now?" Tanong nito.
"I need to talk to Ate Serene. I can't show up to my parents like this!"
"You can stay in my place for awhile. I mean, I don't usually stay there. And at your state, you can't be alone. Your sister is pregnant, she can't help you with your moves." Mahabang paliwanag nito.
Sabagay, may punto naman ito. "I need to talk to her."