[Letlet] Nanlaki ang mata niya ng makita na nasa lapag ang matanda at nakahandusay, at dahil nag aalala siya ay agad na lumapit siya rito para alalayan 'tong iupo ng maayos sa higaan kung nasaan ang kasama nito. Pero maagap na lumapit si Lucian para tulungan ito. "Kamusta po ang pakiramdam mo, manong?" Ipinakita niya ang limang daliri. "Ilan po 'to?" Binawasan niya ang daliri ng dalawa. "Eh, ito? Ilan 'to?" "Letlet!" Malakas na boses na tawag ni Birang, kasama ang mga kababaihan sa kanila. Mukhang na-tsismis agad ng kaibigan niya na mayro'ng imported na napadpad na naman sa kanilang isla. Kaya heto ang mga kadalagahan sa kanila, nag uunahan sa pagpasok sa kwarto ng kanyang Lola. Umubo ang matandang lalaki matapos makahiga sa papag. "S-Salamat." Malat ang boses nito at halata ang pan

