[Letlet] Malakas siyang natawa. Halos sumakit ang tiyan niya dahil sa mga pinagsasabi ni Gian. Silang dalawa nalang ang naiwan dito sa kusina dahil nagbibihis pa si Mang Garry. Dinala na kasi ni Menggay ang mga lumang damit na binigay ng mga taga-isla para may magamit ang mag ama. Si Gian naman ay tapos ng magbihis, ito na nga at nagkukwentuhan sila. Kinuwento kasi ni Gian ang hitsura ni Birang ng makita daw sila nito sa tabi ng pangpang. "Ilang beses pang nadapa si Birang habang palayo sa amin ni Dad, habang sumisigaw ng nagsasalita ang bangkay. Tsk, may bangkay ba na nagsasalita?" Napapailing na ani ni Gian, kaya tawa siya ng tawa. "Naku, gano'n talaga si Birang kapag inatake ng nerbyos. Hindi nakakapag isip ng tama." Pagdadahilan niya. Ayos naman pala itong si Gian. Mabait naman pa

