[Lance] Hindi niya akalain na sa pinakadulo ng gubat ay mayro'ng ganitong lugar. Marami pa talaga siyang hindi alam tungkol sa isla. Bakit ba kasi hindi nabanggit nina Letlet at Lola Asun ang tungkol sa batas? Eh, di sana ay wala siya dito ngayon kasama ang lalaking 'to. Sumama ang mukha niya ng mapatingin kay Gian na katulad niya ay hindi rin maganda ang tingin sa kanya. Sabay silang napatingin sa mga babaeng nakapalibot sa kulungan nila. Halo-halo ang mga narito, mga bata at matanda. Sunod-sunod silang napalunok. Paano ay nakangiti ang mga 'to sa kanila ng nakakatakot—para bang leon na handa silang lapain anumang oras. Kung kanina ay nasa magkabilang dulo sila ni Gian, ngayon ay hindi na—mabilis silang dalawa na umusod sa gitna ng may isang may edad na babae ang lumapit sa kani

