MABILIS na lumipas ang oras. Sumapit ang 9PM, ang oras na inaantay ko. Inihanda ko ang maliit na bag at siniguradong naroroon ang mga gamit na kakailanganin ko sa plano ko. Inihanda ko rin ang sarili. My revenge will start tonight. Tignan na lang natin kung hindi sila magkakagulo sa plano kong ito. Naiisip ko pa lang ang kalalabasan ng mga kalokohan ko ay gusto ko ng matawa. I can't wait to create chaos. Palihim akong pumuslit papalabas ng kuwarto. Madilim na ang paligid at mga night light lamp na lang ang ilaw na nagkalat na gumagana sa buong penthouse kaya medyo madilim. Dahan dahan lang akong naglakad para hindi magising ang mga kasama ko. Alam kong ganitong oras nagpapalit ng magbabantay ang mga tauhan ni William. Sakto dahil ng makalabas ako ay walang nagbabantay sa labas. Medyo

