HABANG busy ang dalawa sa pagbabardagulan ginamit ko ang pagkakataon upang pasimpleng lumabas ng cabinet at nagmamadaling tumakbo papalabas ng hotel room. Kahit nasa labas na ako ay rinig na rinig ko pa rin ang pagtatalo ng dalawa. Natatatuwa man silang panoorin ay hindi na ako pwedeng magstay roon dahil baka mahuli ako at madamay. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 11Pm na. Kailangan ko ng makabalik habang maaga pa total ay tapos ko naman na ang plano ko para sa araw na ito. Nang makalabas ako ng hotel ay agad kong tinungo ang sakayan ng taxi. Hindi ako nakapagpabook ng taxi pauwi dahil naging busy ako sa nangyayareng ayaw kanina. Mukhang maling ideya na hindi ako nagdala ng extrang panty. Ngayon ay kailangan kong umuwi ng walang kahit anong salawal. Nakapalda naman ako ng mahaba kaya

