“May tao ba diyan? Magsalita ka kung sino ka man! Magpakita ka sa akin!” pasigaw na pagkakasambit ko. Mariin akong nakahawak sa gunting na dala ko habang nanginginig ang kamay sa takot.
Binuksan ko ang banyo. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang tao.
“Guni- guni ko lang siguro ’yon,” sambit ko sa sarili. Inilagay ko ang gunting sa ilalim ng aking unan at muling nahiga upang matulog.
Ngunit napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesang katabi ng kama ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, pagtingin ko ay unregistered number lang. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
“H-Hello? S-Sino po ito?” nauutal kong tanong, bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya kaya tiningnan ko ang cellphone kung pinat*y na ba niya ang tawag.
“Hindi pa naman nakapat*y,” nakakunot-noo na sambit ko at muling idinikit sa tainga ang cellphone.
“Hello! Magsalita ka po kung sino ka man! Ano po ang pakay n’yo sa akin?”
Hindi pa din siya nagsalita kaya pinat*y ko na lang ang tawag. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ay saktong ala una na ng madaling araw.
“Ano kaya ang trip niya? Ala una na ng madaling araw pero hindi pa natulog para lang mang-istorbo.”
Muli kong ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng lamesang. Nagtalukbong ako ng kumot at natulog ulit.
Sa mga sumunod na araw ay hindi na gaanong masakit ang aking pagkabab*e sa tuwing magigising ako. Pero may mga napansin naman akong pula-pula sa may hita. Minsan naman ay pasa.
Naroroon pa rin ang pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin pero hinayaan ko na lang. Inisip ko na sa bintana lang naman siya nagmamasid habang natutulog ako. Lagi namang naka-lock ang pinto ng kwarto ko kaya kampante akong matulog.
“Hindi kita pinalaking bastos, Kate!” Nasa gate pa lang ako ay dinig ko na ang sigaw ni papa.
Tinambol ng kaba ang dibdib ko at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Kate na nagmamadaling pumasok sa kwarto naming dalawa. Si papa naman ay tila nanghihinang napaupo habang hinihilot ang sintido.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakangising mukha ni Helen habang sinusundan ng tingin si Kate. Naikuyom ko ang kamao.
“Ano ho ang nangyayari dito, papa?” kalmadong tanong ko kay papa pero kay Helen naman nakatuon ang tingin ko. Agad na nabura ang ngisi na nakapaskil sa kaniyang mga labi. Ang mukha niya ay halos magkulay papel sa kaputlaan.
Hindi ko nagustuhan ang eksenang nadatnan ko pero mas pinili kong maging kalmado upang huwag nang lumala pa ang gulo.
Lumapit ako kay papa. “Mano po, Papa.” Yumuko ako at inilahad ang palad upang magmano kay papa.
“Nandiyan ka na pala, Angeli. ’Yang kapatid mo, nagiging suwail na at palasagot,” napapailing na sambit ni papa.
“Angeli, napakamaldita na ngayon ng kapatid mo. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya? Lagi na lang siyang sumasagot sa akin. Kung ako ang masusunod, tatanggalan ko ’yan ng allowance,” saad ni Helen sabay haplos sa balikat ni papa.
“Kakausapin ko po si Angeli. Huwag na po kayong mag- suggest ng isang bagay na pwedeng magdulot ng mas malalang gulo sa pamilya namin. Hayaan po ninyong ayusin namin ang aming pamilya na hindi kayo nanghihimasok.” Tinalikuran ko siya upang pinuntahan si Kate sa silid namin.
Inilapag ko ang mga pinamili kong pasalubong para kina Kate at papa. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang door knob. Ngunit hindi ko ’yon mabuksan dahil naka-lock.
“Kate, si Ate ’to. Pakibuksan ang pinto,” utos ko sa kaniya at muling kumatok.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto. Napasinghap ako nang mapagmasdan ang mukha ni Kate. Namumula at dumud*go ang gilid ng kaniyang labi. Maging ang mga mata niya ay namumula din palatandaan na umiyak siya.
“Kate . . .” Hinaplos ko ang pisngi niya.
“A-Ate,” sambit niya. Humagulgol siya at niyakap ako nang mahigpit.
“Iiyak mo lang ’yan, nandito na si ate.” Hinaplos ko ang kaniyang likod. Pumasok kami sa loob ng kwarto nang kumalma na siya.
“Ano ang nangyari? Bakit ka sinaktan ni Papa?” nag-aalalang tanong ko.
“Ang hilig kasing gumawa ng kwento ng kabit ni papa. Hindi kasi ako kaagad bumangon kanina kasi masama ang pakiramdam ko. Ang dami kong nilabahang damit kahapon, mga damit nila ni Papa kaya masakit ang katawan ko kanina. Inuutusan niya akong bumili ng lulutuing ulam para mamayang tanghali pero hindi ko naman kayang bumangon, eh. Tapos dumating si Papa kasi naiwan pala ang lisensiya niya. Ayun, bigla na lang nagkunwaring natumba si Helen. Ang sumbong niya kay Papa itinulak ko daw siya.”
“Nag- explain ka na ba kay Papa?” malumanay kong tanong sa kaniya.
“Oo, pero mas naniwala siya sa babaeng ’yon kaysa sa ’kin. Nagtalo kami kaya nasampal niya ako.” Muling pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi.
“Pasensiya ka na kung wala ako dito para matulungan ka sa ibang gawaing bahay.” Hinging paumanhin ko sa kaniya.
“Ate, pwede bang huwag ka nang umalis? Dito ka na lang, please? Okay lang kahit hindi mo na ako bilihan ng cellphone. Basta kasama lang kita parati,” samo niya. Ginagap niya ang palad ko habang patuloy pa din siyang umiiyak.
“Hindi kasi pwede, Kate. Ganito na lang, makikiusap ako na gawin na lang sabado ang day off ko para matulungan kita.” pangungumbinsi ko sa kaniya.
Hindi siya kumibo. Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod sa akin. Nadudurog ang puso ko dahil sa mga nangyari sa kaniya. Ang sakit para sa akin na makita siyang umiiyak habang nakikiusap sa akin.
“Sige, kung ’yan po ang desisyon mo. Hindi na kita pilitin para makapag-ipon ka para sa pag-aaral mo sa college next year,” sambit niya ngunit hindi siya lumingon sa akin.
“Salamat sa pag-unawa, bunso.” Niyakap ko siya mula sa likod.
“May mga dala pala akong pasalubong para sa inyo ni Papa.” Kinuha ko ang mga pinamili ko at inilapag sa higaan namin.
“Sumweldo ka na po, Ate?” tanong niya nang humarap siya sa akin.