Chapter 7.2 Friends

2123 Words
"Is it okay?" siya na ang nagsalita. Tinatanya ang reaksyon ko bahang nakatingin sa akin. I blinked and looked at Maeve. Binalik ko din naman agad ang tingin sa kaniya. Kung tatanong ko kung wala ba siyang gagawin, that will sound that I don't like him to come. Pero hindi ko rin naman siya gusting sumama diba? Ugh! Lumambot ang mata niya sa akin and it looks like he knows what I'm thinking. Agad akong naguilty. Nang makitang magsasalita na siya ay inunuhan ko na. "It's fine. You should come." Nagpalipat lipat na naman ang tingin niya sa mata ko na parang sinusuri iyon. "We'll just change. You should rest a bit. Kadadating mo lang diba?" sunod sunod kong sabi. Narinig ko ang pagubo ni Maeve na hindi ko nalang pinansin. Damian's side lips rose and he blinked softly. Halos sundan ko nang tingin ang talukap ng mata niya. He nodded at me. "Okay," he softly said and I almost sighed. I can feel my heart pumping loudly! "Perfect!" sigaw ni Maeve. "Magkita nalang tayo after an hour? Let's go!" sabi niya pa sabay hila sa akin. Oh, this is the moment I don't want to come! Nang makapasok sa kwarto ay agad niya akong nilingon. Umiwas ako ng tingin at papasok na dapat sa bathroom pero hinarang niya ako ng may ngiting nakakaloko at nanliliit ang mata. "So mayroon talagang gwapo huh?" marahan niyang tanong. Napa face palm ako, "Oh please," I groaned and she laughed at me. "That's what keeping you busy!" akusa niya. "Of course not! I am not busy!" balik ko. Nang tiningnan ko siya ay tatango tango lang siya. Napasabunot na ako sa buhok at naloloka na sa kaniya. "Now I wonder if you're with Manang Tess' apo or you're with him all those times." Mabagal niyang sabi na parang inaasar pa ako. I pursed myself to stop myself from saying anything. Kapag pinatulan ko ito ay lalo lang siyang matutuwa. "Omg Aisa! What's the deal? You're friends? Paano kayo naging friends?" masigla niyang tanong sa akin. Tiningnan ko naman siya at nagpipigil nadin ng ngiti. Hindi ko talaga alam paano kami naging friends. Umirap nalang ako para itago ang totoong nararamdaman. "Syempre magkapit bahay kami Maeve. Kailangan close mo iyong kapitbahay." Walang malisya kong sagot. Her eyes narrowed, "Parang may iba e! Noong tinanong ko kung may gwapo dito sabi mo wala!" "Wala nga! Hindi naman gwapo iyon?" inosente ko paring sagot. Pinanggigilan niya ako at hinampas. "So, friends lang kayo?" napilitan akong tumango at dumiretso sa closet para sa damit. "Sa akin nalang kung ganoon." Halos mabali naman ang leeg ko pagkatingin ko sa kaniya. Pagkaharap ko ay malaki ang ngisi niya sa akin. Inirapan ko na dahil talo lang ako sa usapang ito. "I knew it! Sige Aisa hindi na kita pipilitin diyan sa friend mo. Diyan naman din nagsisimula ang lahat." I groaned at her statement at agad na pumasok sa banyo. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa. Pagkatapos kong maligo ay sumunod na agad siya at baka daw mahuli kami at maghintay iyong friend ko. Sinoot ko naman iyong napili kong dress na kulay sky blue. It is a mini dress with puff sleeves and a sweetheart neckline. After that, I dried my hair while waiting for Maeve. Hindi naman siya nagtagal at talagang nagmamadali. Her outfit is a color white spaghetti strap cropped top and a pastel pink front button miniskirt. She looks so good in it with her brown hair down. Nang matapos kami ay sympre naghihintay na sa living room si Leonel. Pinakita na naman niya ang bagot na mukha na ikinainis na naman ni Maeve. "Hala sige dapat nauna ka na kung gutom ka na!" wika niya. Lumapit naman sa kaniya si Leonel at pinalupot sa leeg niya iyong braso. "Iyong bibig mo ang sakit sa tenga! Kaya ayaw sa'yo noong-aray!" Maeve bites his hand and he immediately withdrew. "Huwag nga sabing babanggitin iyon! May sayad ka ba?" I can't help but laughed. I pulled Maeve towards me, "Hindi na namin babanggitin iyong friend mo Maeve, okay lang yan." Now her angry eyes directed on me. Hindi ko talaga siya maseryoso sa naiinis niyang mukha. She groans and walked past us. Natawa nalang kami ni Leonel at sumunod na sa kaniya. Hinintay niya rin naman kami sa labas ng bahay. "Sunduin mo na iyong friend mo Aisa and mauuna na kami ni Leonel sa sasakyan." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Sa kaniya ako sasabay?" I asked slowly. "Duh. That's your friend, right? Ang rude naman kung hindi mo sasamahan." Nangiinis na sabi niya. I made face and rolled my eyes. Well, may point naman siya. "Hindi naman kailangan iyon Maeve." Singit ni Leonel. "He can just follow us there." "Hindi nga natin alam ito e. Follow ka diyan! Tara na. Hayaan mo na iyan si Aisa." Maeve winked at me and pulled Leonel. Wala nang nagawa iyong huli. I sighed and walked in the direction if his house. Hindi pa ako nakakalapit ay natanaw na niya ako mula sa labas. Hindi na niya ako hinintay at lumakad na palapit sa akin. Napanguso ako. He's wearing dark blue jeans with a pair of dark brown boots. Naka simpleng black shirt lang naman din siya. His disheveled hair is dancing with the wind. Kaliligo lang din ata. Gusto kong kurutin ang sarili para matigil sa kakapuri sa kaniya! "Where are your friends?" tanong niya sa akin ng makalapit. "Nasa labas na," sagot ko ng hindi nakatingin sa kaniya, "Sasabay ako sa'yo... ayos lang ba?" I looked up and saw him looking amused. Kinunot ko naman ang noo ko. Ano na naman kaya ang iniisip nito. Tiningnan ko siya at pinakitang nagaabang ako ng sagot. "Let's go." He just said. Hindi na ako nag salita at naglakad na. Mas lalo naman akong bumabagal ng lakad dahil sa buhangin kaya nahuhuli na naman ako. Napansin naman niya iyon kaya bumagal ang lakad niya. I looked at him and when I saw him watching me ay agad akong umiwas ng tingin. Pinanatili ko iyon sa baba. My lips twitch as I saw how big his feet are compared to mine. Naka boots pa siya kaya parang baby iyong paa ko. Nang nakalabas kami ay nakita ko doon ang kotse niya pati narin ang kay Leonel. Sumilip si Maeve sa bintana at ngumiti sa amin. "Susundan namin kayo. Bahala na kayo kung saan ha!" sabi niya habang may nakakalong ngiti. I sarcastically smile at her and didn't say anything. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Damian at hindi na naman nakatakas sa akin ang pangtutuya ni Maeve. Inasahan ko na talaga ito! Damian watched me as I wear the seatbelts before he closed the door and walked around to the driver's seat. Napabuntong hininga ako. "I don't know much here, you should decide where to dine. Ayos lang kahit saan." Mahina kong sabi sa kaniya. Saglit naman siyang tumingin sa akin at hindi nagsalita. I turned to him while he's driving. Mabagal na kumukurap ang mata niya kaya napanguso ako. I looked away and tilted my head, not saying anything. Tumingin ulit ako sa kaniya. This time, he looked at me while trying to hide his smile. "What?" he asked. "Are you tired?" hindi ko na napigilang tanong. Kanina ko pa napansin iyon noong dumating siya kanina. Now, his eyes are soft and almost sleepy. Pati ang hawak niya sa manibela ay malambot at walang lakas. Hindi naman niya tinago ang amusement sa mukha niya kaya mas lalo akong nagkunot noo. "I'm fine," sagot niya sa akin at pinanatili ang tingin sa harap. "You look tired. Dapat sinabi mo. Hindi na sana kita pinasama." Nadidismaya kong sabi. He sighed, still, looking in front. "You don't want me to come?" mahinahon niyang tanong. I tucked my hair behind my ears before answering. Nagpakita ako ng inis sa kaniya. "Hindi iyon." Mahinahon kong sabi, "Mukha ka nga kasing pagod... baka..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil hindi ko naman alam ang idudugtong. I heard his chuckles and I immediately shut my mouth. Concern lang ako pero bahala na nga siya. "I'm fine. Eating dinner won't exhaust me. I'm fine, okay? No need to worry." "I'm not worried!" depensa ko. Tumango tango naman siya at tinago ang ngiti. Sumandal nalang ako sa upuan at hindi na nagsalita. Pinili niyang pumunta sa mall dahil hindi naman din daw maalam dito at okay lang naman talaga kung saan kaya tumango lang ako. Pagkapark ay agad akong bumaba. The drive lasts for almost have an hour kaya medyo matagal din. Maeve didn't say anything when she saw us. Nakangiti nalang at nanunuya. Si Maeve naman ang namili ng kakainan at hindi na kami nag disagree. Agad kaming inassist nang makapasok kaya dumiretso na kami. I picked the chair beside the glass window kaya iyon ang hinila ko. Nakita ko naman ang sabay na paghila ni Dame at Leonel sa katabi kong upuan. Gulat akong napatingin sa kanila at nagtinginan lang din naman silang dalawa. Bago pa ako makapagsalita ay sumingit na si Maeve. "Tabi kami ni Aisa! I missed my best friend so much!" exaggerated na sabi ni Maeve. Natawa nalang ako. Umupo sa harapan ko si Damian at sa harap naman ni Maeve si Leonel. Nang kinuha ang order namin ay kaniya kaniya na kaming pumili. The food came quickly after. Buti nalang. "May girlfriend ka na Damian?" biglang tanong ni Maeve na halos mabuga ko iyong pagkain sa bibig ko. Tiningnan ko siya ng masama. She shrugged at me and looked at Damian with a smile on her face. Saglit kong nilingon si Damian at umiling ito habang nakatingin sa akin, "Wala," sagot niya. narinig ko na iyan. Tumango tango si Maeve habang nakangiti. "Wala talaga sa tipo mo ang nag g'girlfriend. Nahalata ko na e." dugtong pa ni Maeve na parang sobrang casual lang ng pinaguusapan. Umubo ako at sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Lumingon naman siya sa akin, "What Aisa, I'm just asking." Inosente niyang sabi kaya napairap ako. "Ikaw Maeve, may boyfriend ka?" singit ni Leonel kaya lumingon ako. Ngumit siya ng nakakaloko sa akin kaya napangiti rin ako at agad na tinago iyon ng maramdaman ang pagkaasar na naman ng kaibigan ko. "Alam mo Leonel? Panira ka!" nanggigigil na sabi niya. Sabay naman kaming natawa ni Leonel sa kaniya. I catch a glimps of Damian and saw him staring at me. Nagtaas ako ng kilay na parang nagtatanong pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Nagbabangayan na naman iyong dalawa kaya hindi ko na pinansin at nanatili ang tingin sa kaharap ko. His face hardened as he looked down at his plate. Hindi ko siya naintindihan kaya pinagpatuloy ko nalang din iyong kain ko. Hindi naman kami nagtagal doon dahil pagod narin si Maeve, sabi niya dahil sa pagligo sa dagat. Hindi naman ako nagreklamo dahil gusto ko naring umuwi dahil mukha pagod na nga kanina pa itong serious friend ko. Nang makababa kami ng sasakyan ng makabalik na ay agad nauna sila Maeve. "Thank you, Damian! Goodnight!" sigaw ni Maeve at nauna nang maglakad. Lumingon naman ako kay Damian at nakatingin lang siya sa akin gamit ang malambot na mata. Pagod na talaga siya! Hindi ako nagsalita at naglakad na. "I'll walk you to your door," with his husky voice, he uttered. Hindi na ako tumanggi dahil wala namang magagawa iyon. Tahimik lang kami habang naglalakad. The wind seems stronger at night. Bahagya noong nagulo ang buhok ko. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay hinarap ko na siya. He was still looking at me like he's examining me or what. "Goodnight," my words came out like a whisper. The wind blows making me stops a bit. I saw him smiled like he finds something funny. "Goodnight." I blinked as I watched him standing in front of me. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya para bumaling ulit sa akin. He advances a step and I nervously gulped. Inilagay nya ang takas na buhok sa aking tenga. He tilted his head a bit making my heart pump hurting my rib cage. Naramdaman ko ang paghabol ko sa hininga ko sa simpleng galaw niya. I clench my first tightly wanting to withdraw all my thoughts and remind myself to be rational. Umurong siya ng kaunti sa akin at para akong kinapos ng hininga. I bit my lip and looked up. "Sleep... well," halos napapaos kong sabi. He nodded at me. He looks so satisfied while staring and I can't help but feel my aching heart that almost jumps out of my chest. I can't help but sing in my head. Oh, my heart felt so good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD