Chapter 8 Phobia

4900 Words
Chapter 8 Phobia Kinabukasan ay tanghali na kami nagising ni Maeve. She slept in the room I'm staying in and that's super fine. Sabay kaming lumabas ng kwarto para pumuntang kusina. Nakita na namin si Leonel doon na abala sa paghahain. "Goodmorning!" I greeted. Agad itong lumingon sa amin at ngumiti. I heard Maeve yawn and I just smiled. "Goodmorning," Leonel said, "Nakapagluto na ako." Tumango naman ako at agad lumapit sa dining. Si Maeve ay parang wala pa sa sariling naupo. Hindi ko iwasang mahikab din ng nakita ko siya. Tamad akong kumuha ng pagkain doon. "What are we gonna do today?" Leonel asked eyeing me. I shrugged, "Maeve booked a resort nearby last night. Buti nga mayroon pa. Para makapag water activities tayo." "Right!" Maeve said na parang ginanahan. "I'm excited!" Napailing nalang ako. "How was your sleep?" I asked Leonel. Ngumunguya naman siyang tumango, "Fine. Napagod din siguro ako kaya mabilis lang akong nakatulog. Ang haba din ng byahe." I smiled at him and didn't say anything. Inaantok pa ako. "How's work?" tanong ko pa. "About that," pauna niya. Sabay naman kami ni Maeve na tumingin, "I need to go home tomorrow. Kailangan na ako sa trabaho." Napakunot ang noo ko doon. That's fast! Lumingon ako kay Maeve at naiinis na naman ang mukha niya. "Panira ka talaga! Iiwan mo ako ganoon?" sabi niya kahit may laman pa ang bibig. "E'di sumama ka pabalik?" casual na sabi ni Leonel. Maeve groaned. "Or mag commute ka nalang kung ayaw mo pa." Lalo nang na frustrate ang kaibigan ko. Hindi ko maiwasang matawa kahit nalulungkot ako na kailangan na nilang bumalik bukas. "Hindi ko talaga alam kung bakit kita sinama at kung bakit hindi ako nagdala ng sasakyan." Bubulong bulong ni Maeve. "Tamad ka rin kasi kaya sinama mo ako. Ayaw mong mag drive." Sagot naman ng huli. I saw Maeve making those funny faces like what a child does when they can't say anything more. "It's fine Maeve. Mahirap mag commute kaya sumama ka na pabalik. Magkikita pa naman tayo..." sabi ko nalang. Although, I will miss them terribly, naiintindihan ko naman na may trabaho sila. After our breakfast ay agad kaming naghanda para pumunta nang resort. We will stay there overnight kaya dinagdagan ko ang damit. Hindi matagal ang byahe dahil malapit lang talaga iyon. It's a resort and casino sa may poro point. Nang makarating kami sa parking ay kanya kanya kaming dala ng bag at nagtungo sa reception. Si Maeve naman ang nakipagusap. Isang villa ang kinuha ni Maeve na may dalawang bedroom. Ang isa sa mga bedroom ay dalawa ang kama kaya doon kami ni Maeve. The villa is actually good. Living room ang bumungad sa amin kaya naupo ako doon. Si Maeve naman ay pumasok sa kwarto at sinabing magbibihis na siya. Ang excited. "Are you okay here?" Leonel asked and sat beside me. "Yeah, it's good." Sagot ko habang nililibot pa ang tingin. "No, I mean..." hindi niya agad tinuloy kaya nilingon ko siya. He's looking at me like he's pondering if he should ask me anything. I sighed and smiled wearily. "You mean me, running away from home?" mabagal kong tanong. Napabuntong hininga naman siya at walang sinabi. "I don't know what happened and I don't like to ask but I just want to know if you're doing good..." he eyebrows furrowed. "Hindi ko man lang alam na nag ka problema ka at nandito." I bit my lip not knowing what to answer. Hindi ko na talaga siya naisipan na sabihan dahil nga delikado itong ginawa ko. Ayaw ko rin na makaistorbo sa iba. "I'm sorry... I just don't want to cause more trouble," "You know I don't ask you any of your problems if you don't want to talk about it but, you can always count on me. I'm your friend so consider me one." "I consider you one!" agad kong sagot at nakasimangot na tumingin sa kaniya. He chuckled a bit. "Then you'll never be a trouble. I am so bothered that you're living here alone. Really." Seryoso niyang sabi kaya napanguso ako. "I'm fine. The people here are good..." Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Yeah? You found friend easily now, huh?" may pangtutuya niyang sabi. "Took me a lot of effort to do that." I rolled my eyes. Naalala ko iyong highschool days namin. Makulit talaga siya noon at pilit sumasama sa amin ni Maeve. I don't know how we really got so close pero ganoon naman ata iyon. Kapag lagi mo nang nakakasama, nagiging komportable ka na. "Huwag ka nang mag selos mas love kita." Sabi ko nalang. "So, love mo siya pero mas matimbang lang ako?" parang nasasaktan niyang sabi. "You easily love someone now huh? That took me a lot of years too." Hindi ko talaga alam kung nag bibiro siya o ano. Hinampas ko siya sa braso at tumawa naman siya. Kahit kailan talaga. "You will be my only true guy friend. Ever. Okay na?" Hindi naman siya tumigil sa pagtawa at tumayo lang noong lumabas na si Maeve sa kwarto. Hindi ko narin pinansin at nagayos nalang ako. I wore a mustard yellow bikini at nag soot ng maong shorts. Hindi dapat talaga ako mag gaganito pero mapilit si Maeve. Lumabas naman kami sa villa after. Bumaba kami at naglibot libot muna. There's a big pool sa baba noong open bar. Maraming sun loungers at medyo marami din ang tao. The resort is a combination of white and blue color kaya ang aliwalas at malamig sa mata. Lumapit naman ako sa may railing at natanaw sa baba pa ang isang restaurant sa may seaside. May roon ding pool doon pero hindi kasing laki nito. "Let's go snorkeling!" masayang sabi ni Maeve. Hindi ko ginagawa iyon pero sumama ako. I'll stay on the boat, though. Habang nasa bangka ay nilingon ako ni Leonel. "Ayos ka lang ba dito?" he worriedly asks. I am not fan of boats but it's better than to be floating on the vast sea. Marahan akong tumango. "I told you Aisa, magaral ka nang lumangoy." Singit sa amin ni Maeve. "Nakakatakot nga." "Mas nakakatakot malunod nakakaloka ka." Sagot niya sa akin. Nang makarating na doon ay excited na excited si Maeve. Ayaw pa nga siyang samahan ni Leonel at ako nalang daw ang sasamahan sa bangka. Para namang mawawala ako kaya napilit ko rin na bumaba na. Kinuha ko nalang iyong phone ko at nagpicture. Pababa na ang araw kaya hindi na masyadong masakit sa balat. I tied my hair when the wind blows harshly. Lumakas din ang alon kaya napaupo ako. My heart pumps but it immediately calmed when the wind becomes softer. "Nakainis ka talaga ano! Bakit ka ba hila ng hila sa akin!" narinig kong sabi ni Maeve. Nagsisimula na naman silang dalawa. Narinig ko naman ang tawa ni Leonel. Hindi ko talaga alam paano pa sila nagkakasundo sa lagay na iyan. Hindi rin naman kami nagtagal doon. Mas nagtagal kami sa paliligo sa pool. Pagkatapos ay kumain kami sa seaside at gustong gusto ko talaga iyong view. "Anong oras tayo babalik ng Manila bukas?" tanong ni Maeve. "As soon as you wake up." Maeve frustratedly sighed. "Does Giovanni know you're here?" tanong ni Leonel kaya napaangat ako ng tingin. "May naglalayas bang sinasbi kung saan pupunta?" sarkastikong sabi ni Maeve. Hindi naman siya pinansin nang lalaking 'to, "He might be so worried." Sabi niya. I sighed. I know he's worried. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin sa kaniya. Kung alam lang ni Leonel kung sino talaga ang magulang ko, ano ang business namin at ang madilim na parte noon, maiintindihan niya. But I can't have the guts to tell him. Kahit na pinagkakatiwalaan ko siya. Ayaw ko nalang talaga na masama pa siya dito. I know one day he'll know, or I'll tell him. He'll be very upset and I'll ready myself for that pero hindi muna sa ngayon. Hindi na niya kailangan isipin pa ang problema ko. "I'll contact him soon..." sagot ko nalang. Kahit alam kong gustong gusto niyang magtanong sa akin ay hindi niya ginawa. And I'm very relieved by that. Hindi ko talaga alam ang sasabihin kung magtatanong siyang talaga. "Sasamahan kita kung pupunta ka ulit doon." Sabi sa akin ni Maeve nang nasa kwarto na kami pagkatapos ng lahat ng ginawa. "Hindi naman kailangan. I just need to get inside-" "That's dangerous!" na f'frustrate niyang sabi. Ngayon lang kami nagkaroon ng oras para pagusapan ito. Kung paano ako nagdududa sa property sa Bacolor. I am not sure but atleast give it a try. "Hindi nga natin alam kung paano tayo makakakuha ng evidence doon kung iyon nga iyon. How can we say na sa Daddy mo iyon kung sa ibang property ginagawa? Babagsak si Mr. Ramirez and we're not even sure kung ikakanta niya ang Daddy mo." Makahulugang sabi ni Maeve at napatango nalang ako. Totoo iyon. Hindi ko talaga alam paano. "Can't we just tell it to the police?" marahan niyang sabi. Napapikit ako at iling. I want that too but... "Giovanni will be compromised. The company too. Ayokong madamay sila. Kay Daddy ito nagsimula dapat sa kaniya din matapos." "Pero hanggat Daddy mo ang namumuno ng kompanya damay iyon dito. It will surely affect the company Aisa..." I know that too. Kaya wala sa plano ko ang magsumbong sa pulis kahit na iyon ang pinakamadaling paraan. I chose to gather evidences and ask Giovanni for help later. Mas madali iyon. Mas makakagawa siya ng paraan kung paano hindi babagsak ang kumpanya kasama ang Daddy namin pero... Hindi rin ako sigurado kung gugustuhin niya iyong gawin sa magulang niya. "I'll do this one step at a time. Tsaka ko na iisipin ang susunod Maeve. You don't need to come with me..." "Sasama ako!" napaupo na siya sa kama samantalang ako nakahiga padin. "Sasamahan kita." "It's dangerous." "Kaya nga sasama ako! Bahala na si batman sa atin!" Ganoon natapos ang usapan naming doon. Nang kinabukasan ay makabalik kami sa bahay agad silang nagligpit ng dala nila. Bago ko pa nga nakalimutan ay nagpaturo ako kay Maeve na gamitin yon washing machine. Halos lumuwa ang mata niya sa gulat na hindi ko parin alam gamitin iyon at hindi pa ako naglalaba. Napakamot nalang ako sa noo. Madali lang naman pala, well, kung titingnan. "Magkita na tayo doon. Itext mo nalang ako kung kailan at saan." Bulong niya sa akin habang naglalakad sila palabas. Tumango naman ako. Doon nalang kami magkikita sa Pampanga para sa gagawin namin. Sinabi kong doon nalang para hindi na siya malayo at babalik na naman. "Magiingat ka dito." Makahulugang sabi ni Leonel. Dahan dahan akong tumango habang pinagmamasdan siya. Ang swerte din ng magiging girlfriend nito. Napaka under... standing. "Opo." I joked. Sinamaan naman niya akong tingin. "I will Leonel. I also gave you my new number kaya feel free na tumawag nang mawala iyang pangamba mo." Tumango naman siya sa akin at sinara ang pinto sa likod pagkaayos niya ng bag nila. "I will miss you Aisa! Next time hindi ko na isasama si Leonel para mas matagal ako." Naiinis na sabi niya. Hindi naman siya pinansin nung isa pa naming kaibigan kaya niyakap nalang niya ako. Hindi narin sila nagtagal at umalis na. Napabuntong hininga ako nang maglakad pabalik ng bahay. Kinabukasan ay nilabhan ko agad iyong mga damit na nagamit ko. Wala naman pala akong kailangang gawin kundi ilagay iyon sa machine at maghintay. Tuyo na rin iyon kapag nilabas kapag ginamit pa iyong isang machine. Gumagaan na talaga ang buhay ngayon. Ang problema ko nalang ay ang pagplantsa. Meron noon dito kaya pinagpraktisan ko rin kung paano gawin. Hindi naman mahirap at hindi naman din ako nakasunog ng damit ko. Another week passed and I do nothing. Minsan ay dumadayo ako kila Lisa at minsan sila ang nagpupunta sa akin. Sa buong linggong iyon ay hindi ko nakita si Damian. Baka may trabaho or ewan ko. Hindi rin muna ako bumalik sa Pampanga dahil iniisip ko pa talaga kung paano makakalusot at makakapasok doon. I have a hard time thinking what would I do next after this. Kung makakakuha baa ko ang ebidensya anong gagawin ko? Giovanni is not sure why I run away, also my Daddy is not sure about it dahil wala talaga akong sinabi. Hindi ko rin pinahalata ang kahit anong alam ko. I told Giovanni once but that's it. Kung hindi naman ako makakakuha ng ebidensya, anong gagawin ko? Should I just stay hidden and live like this for the rest of my life? Hindi parin freedom iyon. Naisip ko rin na kung hindi ba naging malupit sa akin si Daddy ay tatangkain kong labanan siya sa mga ginagawa niyang mali ngayon? Kung hindi niya pinagkait sa akin ang mga gusto ko at hindi siya ang gumagawa ng desisyon ko sa buhay, gagawin ko kaya ito? Oo ang sagot ko pero hindi padin ako sigurado. But I wish, if ever that was the circumstance, I'd still fight for what is right. Palubog na ang araw nang mapagdesisyunan kong lumabas. Mahinahon ang dampi ng hangin at ang hampas ng alon. Nangingibabawa ang kulay kahel sa paligid habang nagpapaalam ang tingkad ng sinag ng araw. Walang ganoong tao sa labas dahil ang alam ko ay busy sila para sa fiesta bukas. Pinaalalahanan na ako ni Jennie tungkol doon. Sabay daw kaming pumunta sa event sa gabi at kailangan ay maganda iyong soot ko. Maraming ganap bukas maghapon sa CCS pero sa gabi iyong event na pupuntahan ko. Puro palaro lang naman daw iyong sa umaga saka booths and raffle. May contest ata sa gabi kaya doon nalang ako pupunta. I decided to sit on the shore. Hinangin ang buhok ko at agad ko iyong sinakop at nilagay sa kaliwa. I inhaled softly and close my eyes. Kung pwede lang talagang dito nalang ako. Kung pwede lang na malaya ako sa lahat ng gagawin. "What are you doing here?" that baritone voice made me open my eyes. Agad ko siyang nilingon. Nakatingala ako habang siya ay nakatayo sa tabi ko at nakatingin sa dagat. My heart pound for an unknown reason. I blinked several times to wash those anonymous tingles but it didn't work. Tumingin siya sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang tumitig pabalik. I can't even smile. Nagugulat lang ako na nandito ulit siya. Napanguso siya at unti unting umupo sa tabi ko. Noon lang ako natauhan at iniwas ang tingin. Pinanatili ko ang mata sa harap at lumunok. "Bakit magisa ka dito?" tanong niya ulit. I sighed softly, "Magisa lang naman ako dito." Sagot na pinapalabas na wala akong kasama sa bahay at natural lang na magisa ako. Nilingon niya ako sandali bago binalik sa dagat ang tingin. "When did your friends leave?" sa mababang tono niyang tanong. "They spent the whole day after that night and leave the next day..." marahan ko namang sagot. Pagkatapos noong gabing hinatid niya ako pagkatapos namin na mag dinner noon ay hindi ko na siya nakita. Napaharap naman siya sa akin na parang nagulat. "I thought they'll be here for at least a week." Sabi niya. I smiled sadly, "Dapat ganoon. Kaso kailangan sa trabaho," sabi ko nalang. Niyakap ko ang tuhod ko nang wala nang magsalita sa aming dalawa. I bit my lip and think of a conversation. Hindi nga pala siya pala converse na tao lalo na noong una kaming nagkakilala. Pero infairness, lumelevel up siya ngayon dahil ang dami na niyang tanong. "Galing kang trabaho?" tanong ko. Saglit ko siyang nilingon at tumango naman siya. "Yeah," "Bakit ka nandito ulit? Hindi ba mahirap na pabalik balik ka dito?" nakakunot ang noo kong tanong. Kung ako iyon at may trabaho sa Maynila, kahit maganda dito ay hindi ko kaya ang ginagawa niya. Ipapahinga ko nalang iyong byahe. "Mahirap." He answered. I looked at him waiting for more answers. Huwag mong sabihing balik kami sa one word at a time? I saw his side lips rose. "Hindi ko din alam kung bakit ako balik ng balik dito." My lips twitched. Hindi ko alam kung bakit imbis na kwestyunin siya sa ginagawa ay parang natuwa ako. It means he'll keep coming here, right? That doesn't sound so bad. "Ang layo kasi ng pinag gawan mo ng bahay dito mo pa napili." Bulong ko. I heard his faint chuckles, "Nagustuhan ko dito..." aniya. "Buti nalang." Pinanliitan ko naman siya ng mata. Pinipigilan ang kung ano man ang nararamdaman ko. Konting tawa niya lang kung anu anon ang epekto sa akin. Never pa nangyari sa akin ito kaya naloloka ako. Nanatili ang tingin ko sa kaniya kahit pa nakadiretso ang tingin niya sa dagat. He's wearing an army green shirt and his grey sweatpants. Ang buhok niya ay nakababa at parang inayos lang ng kamay. He looks so good and clean and I almost pinch myself for checking him out again. Lumingon siya sa akin kaya agad akong nagiwas ng tingin na halatang halata naman. Tumayo siya at agad akong napasunod dahil sa paghila niya sa palapulsuhan ko. I tried to view this with really no malice but my heart is betraying me so much. "Anong gagawin natin?" tanong ko nang nabasa na ng tubig dagat ang paa ko. Agad kong iniwan ang tsinelas doon at walang lakas na sumunod sa kaniya. "Let's swim." He said. Hawak parin ang kamay ko at nakatingin sa akin. Napakurap ako at hindi nakapagsalita. Hindi naman na niya ako hinintay at agad akong hinatak. I am wearing a dress so it immediately floats when the water reaches my lower butt. Buti nalang naka cycling shorts ako! Umabot ang tubig sa ilalim ng dibdib ko bago niya ako hinarap. Napanguso ako nang mapansin na halos bewang niya palang iyong tubig. "Anong height mo?" hindi ko napigilang itanong. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin at umiling. Hindi ako sinagot. Binawi ko naman ang kamay ko sa kaniya para ayusin ang buhok ko. Way ko na rin para pakalmahin ang sarili ko. "Ilang taon ka nalang?" tanong ko ulit. Napansin ko kasing wala pa akong alam sa kaniya. Sa twing naguusap kami, puro walang kwentang bagay ata. Pero natutuwa parin ako doon. I'm really helpless. "Bakit mo tinatanong?" sabi niya. Naningkit ang mata ko. "Bakit hindi mo sinasagot?" balik ko. "I'm older than you," he said and I groaned. Ayaw niya akong sagutin! "How old?" nawawalan ng pasensya kong sabi. Pero syempre, arte lang. He shrugged at me and I rolled my eyes. Sinaboy ko ang tubig sa mukha niya pero halos hindi iyon umabot. Nakita ko naman ang pagkamangha niya at ngiti niya. Hindi naman siya gumanti sa akin. Kuya Giovan is two years older than me. Damian looks older than him. So... twenty-seven? Or twenty-six? Hindi ko alam! "What's your work then?" tanong ko ulit. Hindi ko alam bakit ako tanong ng tanong ngayon. Noon kasi, ayoko dahil baka tanungin niya ako pabalik. Ngayon... I sighed. I really shouldn't have questions. Napagtanto kong hindi ko alam ang isasagot kung siya ang magtatanong. At hindi ko kayang magsinungaling. "Never mind." Sabi ko ulit at naglakad sa mas malalim na parte na abot ng paa ko. Napansin ko naman ang pagsunod niya. Pinanatili niya ang tingin sa akin kahit hindi ako nakaharap sa kaniya. "I'm an owner of a security company." Sabi niya nang makalapit sa akin. Nagulat akong tumingin sa kaniya. That's big! "I'm three years older than you." Dugtong niya pa. Twenty-six then! Bakit niya sinasagot ngayon? "I am not sure about my height but I am way taller than you." Sabi niya pa at oo nga, halata naman. "I have work in Manila but I can't help coming here because I'm worried about you." Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng mata sa sinabi niya. Halos umawang ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. "And I want to see you." He continued while looking in my eyes. I gulped and bit my tongue to get a hold of myself. He kept his stare like it was a normal thing to do. Nagiwas ako ng tingin at sinaboy ulit ang tubig sa mukha niya. Nagtagumpay naman ako doon. "Sinasabi mo." Bulong ko. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang tawa niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. My heart is beating like crazy and if I still stand here in front of him, I might faint. Hindi ako nagsalita at pinanatili ang tingin sa harap at pinagmasdan ang araw na kalahati na ang lumulubog. Napansin ko ang pagharap ng buong katawan niya sa akin. "Seems like you're done asking? May gusto ka pa bang malaman?" nanunuya niyang tanong. "Wala na!" "Do want to know my favorite food? Color?" I groaned and cover my ears. Parang pinapamukha niya sa aking curious ako sa kaniya! Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi naman mapawi sa mukha niya ang pagkatuwa kahit pinapakita ko ang galit ko. "Stop it! I don't want to know!" depensa ko pa. "It's my turn to ask then?" mapaglaro parin niyang sabi. "I am unemployed and on vacation. No favorite color or anything so stop!" I said hurriedly. That's not a lie though. Hindi naman maalis ang ngisi niya sa mukha kaya sinimangutan ko siya. Hinila niya lang naman ako sa mas malalim na parte. Halos higitin ko ang hininga ko ng sinama niya ako sa paglangoy. Wala akong nagawa kundi sumunod dahil hawak niya ang kamay ko. I can't protest underwater! Higit ang hininga ay mabilis na tumambol ang puso ko sa kaba. I can't even open my eyes! Wala akong naririnig sa ilalim kundi iyong puso ko na sumisigaw sa kaba. Bago pa ako maubusan ng hinga ay ay hinila na niya ako pataas. Noon lang ako dumilat at naghabol ng hininga. My fear worsens when my feet couldn't touch anything. I literally panicked and pulled him to me. Nakita ko ang gulat sa kaniya. I grip tightly on his shirt at halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niya. I closed my eyes and prayed that somebody put that damn sand below my feet! I need to feel the ground! "Why?" agap na tanong ni Damian. Hindi ako makapagsalita at ang hawak ko sa kaniya ang siyang nagpapakita na natatakot ako! Sumilip ako kung gaano kami kalayo sa pampang at halos himatayin ako. Hindi ko na mahabol ang hinga ko sa bilis ng t***k ng puso ko. "Aisa what's happening? Are you hurt?" nagaalala niyang tanong at pilit na hinaharap sa kaniya ang mukha ko. I couldn't even utter a word! I can feel my hot tears and my hands tremble at the thought that I'm in the middle of the sea. Kinuha niya ang kamay ko at feeling ko ay nasasaktan ko siya nang hawakan ko siya sa kamay ng napaka higpit. "Damn! What's wrong?" nagmamadali niyang tanong at parang natataranta. Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw at lalo akong nanginig. He holds my waist and pulled me closer to him as if we're not close enough. Kung hindi ganito ang sitwasyon, kikiligin na ako! I heard him utter some curses and move more, I think to the shore. Hindi talaga nawawala ang kapit ko sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa akin na parang isang maling galaw ay may mangyayari. I am catching my breath and it worsens when I start to sob. I really need to fix this damn phobia! Ikamamatay ko talaga ito! Nang maramdaman ang buhangin sa baba ay hindi parin ako napanatag. Nang nakayanan lumakad ay binuhat na ako ni Damian at dinala sa dalampasigan. Inupo niya ako doon at pareho kaming naghahabol ng hininga. He's kneeling in front of me and I probably looked like a mess! I catch my breath while he holds my face and wanting me to look at him. "Damn. Why are you trembling?" matigas niyang sabi at bumaba sa balikat ko ang kamay niya na parang sinuruti ako. He holds my knee softly, checking for something but he didn't find any. "Calm down, please..." parang nahihirapan niyang sabi. Hinawi niya ang buhok ko. He cursed more as I feel my breathing getting steady. "Aisa look at me." I clench my fist while I looked at him still dazed. "I... I uh," I breathe. Napapikit siya at napabuntong hinga. "It's okay," he said softly. Kabaliktaran ng nakikita ko sa mata niya. "I'm s-sorry..." nauutal kong sabi. That was supposed to be a nice swim! Napaka wala ko sa timing! I saw his clench moved while watching me. His eyes turn dark before looking down and back at me again. "Don't say sorry." Madiin niyang sabi. "What the hell happened?" Umiling iling ako. "S-Sorry. I just, I... c-can't go..." hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi. "I don't k-know how to swim and," I gasped. "I have a phobia..." diretso ko nang sabi. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "What?" he harshly said na para bang dapat ay alam niya iyon. Umiling iling ako hindi alam para saan, "I tremble when my feet couldn't touch the ground anymore. I'll start to catch my breath-" "Damn!" he hissed and I heard more curses. "I'm sorry..." he whispered. "Ayos lang..." agad kong sagot. Hindi niya alam kaya wala siyang kasalanan. Dapat talaga ay sinabi ko na iyon sa una palang. His eyes turn dark and his face hardened. Hindi nagustuhan ang sagot ko. Ayos lang naman talaga. Hindi siya nagsalita at nagulat ako nang binuhat niya ako at naglakad patungo sa bahay. Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita at hinayaan siya sa gagawin. Binaba niya ako sa sofa at mariing tumingin sa akin. "Clean yourself first. You might catch a clod." Agad akong tumango at kinagat ang labi. I feel like I ruined this day! Hindi na ako nagsalita at pumasok sa kwarto. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Umalis na kaya siya? He's wet too! Dapat ay maligo na din siya. Napapikit ako ng damhin ang nararamdaman. Ayokong seryosohin ito kaya nagpatuloy ako sa paliligo at binura ang lahat ng nasa isip. Ayokong isipin dahil kung saan saan dadako ang imahinasyon ko. Hindi ko napansin na nagtagal ako sa paliligo kaya nang lumabas ako sa sala ay halos mapaatras ako sa gulat. I saw Damian standing in the kitchen. He looked at me when he feels my presence. Pinagmasdan ko siya at nakapagpalit na siya ng damit at basa padin ang buhok. "I took a shower at home and came back here." He stated. "Are you okay now?" I nodded slowly. "Yes, I'm okay..." napansin ko na may niluluto siya doon. "I'll make your food," I sat on the chair on the countertop and looked at what he's doing. "Marunong ka?" I curiously asked. Nilingon naman niya ako naparang tinitimbang ang emosyon ko. He nodded slowly. "You don't know how to cook?" he asked after. Napanguso ako at napaiwas ng tingin, "Uh, well, yeah, I don't know how to cook. But I can learn!" mabilis kong sabi. Nakita ko naman ang pagngisi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako na hindi ako marunong magluto. It was fine for me before pero bakit ngayon? Kaya ko naman magluto ng breakfast basta puro fried lang! Oh kaya pwede naman mag research. "It's fine." He said like it wasn't a big deal. It's fine??? Like??? It's fine with it and he's not disappointed, fine??? I shook my head. Ano naman kung disappointed siya o hindi? I live my life the way I want! But that would really hurt my ego if he's disappointed. Dapat kasi nagpapa impress ka sa crush diba? Binababa ko lang ang sarili ko lalo e. But that okay, though? Ma turn off siya para hindi gaanong mahirap ang pagiwas ko sa nararamdaman diba? "I can cook anyway." Sabi niya pa na halos ika kanta ko na ng kapag tuminok ang puso. I bit my tongue, clench my fist, and curled my toes to stop anything that would make me smile! He has a way with his words and it's really shaking my world! That's unfair! Anong ibig sabihin na naman niya sa 'I can cook, anyway' niya? Mababaliw ako dito! "Why aren't you saying anything?" his tone has evidence of amusement. I pursed my lips and shook my head lightly. "Wala naman akong sasabihin." "Next time you tell those kinds of things. I have no idea and for the first time in my life I don't know what to do." Seryoso niyang sabi habang naka lean sa counter at nakatingin sa akin. Parang may malambot naman na dumaloy sa puso ko. It makes my heart warm and I can't help but to smile. My heart feels calm though it's beating loud and crazy. Napanguso ako pinipigilan ang ngiti dahil nakikitang seryoso siya at hindi nagbibiro. "You don't really need to know those kinds of things..." mabagal kong sabi. "It'll just burden you," I saw him get offended by my words. That's the truth. And also, that's me drawing the line. This good feeling that I feel is going to distract me if I don't help myself. This feeling won't stop if I don't stop myself. If I acknowledge this and name this more than a crush... then I'll be doomed. "I need to know," he said in a low and hard voice, stopping himself from getting angry. "I want to know." I guess I'll be... doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD