Chapter 9
Mad
Last night ended pretty well. Hinintay lang akong kumain ni Damian at umalis na din siya. Hindi ko alam ang mararamdaman doon kaya pinagsawalang bahala ko nalang.
Kung magtatanong kasi ako, mababaliw ako kapag hindi ako nakahanap ng sagot. Bakit siya ganoon? Bakit niya ginagawa iyon? Ganoon ba siya sa friends niya? See? Saan ako kukuha ng sagot? Huwag ko nalang isipin!
The next day ay fiesta na doon. Nang maghapon ay nagsimula na akong mag ayos para pumunta. I took long-time bathing and picking what to wear.
I wore a slim fit ditsy black, floral dress. It's a tube-type but has a very thin strap. Umabot iyon hanggang kalahati ng hita ko. I looked at the mirror and saw how the dress hugs my body tightly. Buti nalang ay hindi naman lumaki ang tyan ko dahil sa taba. Wala kasi akong ginawa dito kundi kumain at matulog so nag w'worry talaga ako.
I should exercise.
I dried my hair and curl its tips a little more saka ko iyon sinakop at pinusod. I looked so neat and clean. Naglagay lang ako ng tint at inayos na iyong purse ko. I wore my white sneakers para hindi ako masyadong pormal na tingnan. It looks cute though.
Medyo madilim na kaya nagdesisyon akong lumbas na at pumunta kila Jennie. Hindi ko maiwasang isipin kung pupunta ba doon si Damian dahil hindi naman niya nabanggit kagabi. Mukhang wala rin siya sa bahay niya.
"Hindi talaga papatalo ang isang ito! Ang sexy!" bungad sa akin ni Lisa.
Inirapan ko naman siya dahil doon. Hindi ko alam kung inuuto ba ako nito o ano.
"You're not so bad yourself," I sarcastically said that made her laugh.
Nakasoot din siya ng dress. Kulay navy blue, flounce cold shoulder dress. It looks good on her actually. Ngayon ko nga lang siya nakitang magdress.
"Gusto mo bang manalo ng face of the night?" singit ni Jennie pagkalabas ng bahay.
She's wearing a fitted black cropped top and a white fitted skirt. Umiling naman ako sa kaniya at kunwari ay naiinis na.
"Face of the what? I don't even know na may ganyan." Sabi ko nalang.
"Whatever Aisa. I'm sure ikaw ang pagtitinginan doon. I hope hindi na naman bida bida si Sarah." She said in her mataray tone.
Nagsimula na kaming maglakad at nagsisimula naring magrant itong dalawang ito.
"Taon taon ata grabe effort noon sa fiesta para manalo. Kakainis!" Lisa hissed.
Hindi ko talaga alam kung bakit galit na galit sila doon. Sarah has actually a nice face. Ah, oo nga pala medyo friendly siya lalo na sa gwapo dahil naalala ko noon na gusto niyang makipagkaibigan kay Damian.
"Ang hilig magpapansin!" Gatong naman ni Jennie.
I can't help but smile and giggle at their rants.
"She's a bit friendly. Nilapitan noon si Damian noong nasa school tayo..." sabi ko para lang makasali sa usapan nila.
Sabay naman silang lumingon na parang bigla nilang naalala iyon.
"Tama! Grabe! Gigil ako noon ha." Nanlalaki pa ang mata ni Jennie.
"Buti nalang sa isa lang nakatingin si Damian!" sabi ni Lisa kaya napanguso ako.
Nangaasar ba siya o ano? Napansin kong pinagmamasdan nila ang reaksyon ko pero wala akong sinabi. Nagtagal pa ang tingin nila kaya umikot na ang mata ko. Parehas silang natawa.
"Oo nga pala! May picture ako noong scene na iyon!" biglang sabi ni Jennie. Nagtataka akong tumingin sa kaniya?
"Nang ano?" tanong ko ulit.
Tumawa naman si Lisa na parang alam kung ano iyon. Nilabas ni Jennie ang cellphone niya at may kinalikot saglit. Pagkatapos ay iniharap niya iyon sa akin. Halos nanlaki ang mata ko sa gulat at hiya na rin.
"Bakit mayroon ka niyan?" halos mautal kong tanong.
Natawa na naman siya, "Ang cute niyo kasi. Duh." Sagot ni Lisa.
It was a picture of me and Damian that day. Noong may ginagawa kami sa school. Ang picture ay iyong inaayos niya ang panyo niya sa buhok ko. He looks so serious in it and I looked so innocent looking in front and sitting up straight!
It's actually a cute picture pero... nakakahiya!
Gusto kong takpan ang mukha ko sa hiya. "Ipapasa ko sa'yo dali!" sabi ni Jennie.
Sasabihin ko sanang ayaw ko pero ang cute naman kasi noong picture. Hindi naman niya ako hinintay sumagot at tinaas na iyong purse ko. Wala akong nagawa kundi ang kunin ang phone at ibigay sa kaniya.
Mamaya ko na iyan titingnan ng mabuti!
Madilim na nang makarating kami doon. Maraming tao at buti nalang nakita namin sila James. Tinawag nila kami at pinaupo sa lamesang inaakupa nila. I saw some people looks towards us and nang mapansin sila Jennie ay hindi nagtagal iyon.
Yung iba ay lumilipat ang tingin sa akin dahil siguro hindi ako pamilyar. Nahihiya akong yumuko at umupo na.
"Kanina pa nagstart iyang dance contest. Ang tagal niyo, natapos na iyong singing." Bulong ni James, na as usual, inirapan lang ni Lisa.
"Atleast dumating." Sabi niya pa.
Nilinga ko nalang ang tingin. Maraming tao pero hindi sobra. They looked so happy and it seems like they are all friends. Nagsisimula na nga iyong dance competition.
Kanina iniisip ko kung ano bang gagawin ko dito pero nakakalibang naman pala. The dancers were all good! Napapapalakpak pa nga ako. Nagk'kwentuhan din kami ni Lisa habang nanonood.
"Kailan babalik dito iyong friend mo Aisa?" tanong ni Jennie. Probably talking about Maeve.
Sinabi ko na iyon sa kanila na sayang at hindi nila na meet si Maeve and also Leonel.
"Maeve? I'm not sure." Sagot ko.
Tumango naman siya at nakakalokong ngumiti. "Doon talaga ako curious sa Leonel. Sabi ni Nanay Tess, pogi daw." Buolong na naman niya sa akin.
Natawa naman ako at nilingon siya. "Totoo. Pogi nga iyon." Sagot ko naman.
Natawa naman siya na parang kinikilig. "Ireto mo naman ako!" sabi niya pa.
Hindi ko alam kung seryoso siya doon. Ang bilis din nito mag ka crush at mag uncrush e. Sana ako din.
Medyo matagal din iyong contest pero hindi naman ako nabored. Masaya siya actually. Sandali nag break at nagpatugtog. Tapos ay bumalik iyong mga MC para daw iannounce ang face of the night.
Iyon iyong sinabi ni Jennie kanina.
Parehas silang tumingin sa akin pero umiling lang ako at tumingin sa harap. And imagine my friends' horror nang pangalan ni Sarah ang banggitin para sa mga babae.
"What? I'm sure nag bayad iyan!" hindi na napigilan ni Jennie ang bibig.
"I can't believe this!" Lisa hissed too.
I looked in front and saw Sarah walking there. As I said, she's pretty. Morena at medyo matangkad. Mahaba din ang straight na straight niyang buhok. Naka soot siya ng fitted v-neck dream dress. Nakalabas na nga ang cleavage niya doon.
"Maganda naman siya ah?" rinig kong bulong ni Dom.
Napatingin ako sa kaniya at pinagtikom niya ang bibig nang tumingin ng masama itong dalawang babae sa kaniya.
I saw Lucas staring at me so I gave him a warm smile. Ngumiti naman siya pabalik.
Nang tawagin ang pamilyar na pangalan para sa lalaking face of the night ay nagulat ako. Agad akong naglibot ng tingin at nakita ang isang lamesa na tumatawa ang mga nakaupo. I saw Damian smiling slightly while shaking his head.
Siya iyong tinawag para sa face of the night! What? Partner sila ni Sarah? Biglang parang uminit ang pisngi ko at gusto kong tumayo sa kinauupuan. Ni hindi ko alam na nandito siya?
"Hindi ko na talaga ito kaya!" sigaw na naman ni Jennie habang nakatingin sa akin na hindi maipinta ang mukha. "Ikaw dapat iyon!"
I shut my eyes and breathe slowly. Wala lang naman iyan Aisa so pakialam mo?
Binaling ko ulit ang tingin kila Damian at nakita na halos matatandang lalaki iyong kasama niya sa table. Umiling si Damian at nakita ko naman ang bahagyang pagtulak sa kaniya ng mga ito.
Sandaling lumapit ang MC doon at nakita kong kinausap niya iyon. Napanguso ako. I saw Sarah smiling widely and I almost rolled my eyes. Maya maya ay bumalik ang MC sa gitna.
"Seems like Mr. Silvestro is not in the shape to participate. Ibigay nalang din daw ito sa mga taga rito talaga. That's thoughtful and a little sad too." Sabi nang MC at hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag.
Sasayaw kasi sila pagkatapos kaya buti nalang! At bakit buti nalang Aisa? I groaned.
Nakita ko ang pagsimangot ni Sarah at unti unting pagkainis.
"Way to go girl! Akala ata makaka score." Masayang halakhak ni Lisa. Hindi ko rin maiwasang mangiti.
"Uy! Nakahinga ng maluwag!" pagaasar sa akin ni Jennie?
Kinunot ko naman ang noo ko, "What?" I asked innocently.
Natawa siya. "Kunwari walang pakialam eh halos tumayo kana sa upuan mo kanina!" malakas siyang sabi na pati itong mga lalaki sa table naming ay lumingon sa akin.
Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan.
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo!" depensa ko.
They just laughed at me and continued teasing me. Hindi ko nalang pinansin. Nilingon ko ang gawi ni Damian at halos mabilaukan ako nang makitang nakatingin siya dito at parang kanina pa nagmamasid.
Napakurap ako at simpleng umiwas ng tingin. I blew a sigh and calm myself a little. Nakasuot siya ng white shirt na pinatungan ng faded demin jacket at maong pants. Malamig ba? Pero ang gwapo niya parin sa soot niya!
Hindi na ako naging komportable sa pagupo dahil iniisip ko na nakatingin siya. Pinaglaruan ko nalang din iyong daliri ko at nanatili ang tingin sa harap. Nagtawag nang ibang nanalo at hindi ko kilala iyong lalaki.
Pagkatapos noon ay nagsayaw silang dalawa at hindi naman maalis sa mukha ni Sarah ang pagkadismaya.
Pagkatapos noon ay nagpatugtog ng slow songs para sa slow dance. Inanyanyahan lahat doon pero hindi naman ako gumalaw sa upuan ko. Agad tumayo iyong dalawa kong kaibigan pero umiling lang ako.
Hindi ko alam saan sila pupunta at saan sila hahanap ng partner pero nagpaiwan nalang ako doon.
I was just watching everyone when suddenly someone stands before me.
"Gusto mong sumayaw?" nahihiyang tanong ni Lucas kaya napangiti ako ng bahagya.
Nagisip pa ako pero kaibigan ko naman ito at kakilala kaya okay lang siguro. Dahan dahan akong tumayo at ginaya naman niya ako sa dancefloor.
He holds my tight rand with his left and I can feel the uneasiness when he held my waist. Ngumiti naman ako sa kaniya para ipakitang ayos lang.
"Nasaan sila Lisa?" I asked, striking for a conversation.
He shrugged, "Madaming kakilala iyong mga 'yon. Nandiyan lang din 'yon."
Tumango naman ako habang nagingiti. Totoo nga naman.
"Akala ko sasabay ka na paalis sa mga kaibigan mo." Sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
I smiled wearily, "Hindi pa naman ako na bobored dito." Sagot ko nalang kaya natawa siya.
Mabagal kaming umiikot at halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang matagpuan ko ang mata ni Damian. He's watching us and he's not even bother by what he's doing. Nakatingin siya ng mariin at kahit halatang halata ay wala siyang pakialam.
He has his serious face and his jaw are moving a bit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Iniwas ko ang tingin at bigla ay parang gusto ko nalang maupo!
Ngayon ko lang narealize na ang tagal ng isang kanta!
Nang matapos iyon ay hinatid ako ni Lucas sa upuan at agad kong ininom ang tubig na nandoon. I sighed heavily and titled my head. Nasaan na ba iyong mga kasama ko? Magisa nalang ako dito!
Bago pa ako makaalis para hanapin sila ay may umupo na sa tabi ko. I looked at Damian and my heart immediately pounds harder inside my chest. He look very offended right now. I became uneasy and I can't even find a word to say!
He looked at me and I looked away. I heard him gave a mocking smile and I gulped nervously.
"H-Hindi ko alam na pupunta ka dito..." ako parin ang nagsalita dahil mukha siyang walang balak.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Hindi parin nawawala ang pagkaseryoso sa mukha niya na parang galit. Hindi ko naman alam ang gagawin ko.
"Galing ka bang trabaho?" subok ko pa ulit pero hindi niya talaga ako pinapansin!
Bakit pa siya tumabi sa akin kung ganoon? Hindi ko rin talaga ito maintindihan. Nagiwas ako ng tingin at hindi na alam ang gagawin. I saw some people looking at us, mga kabataang babae at umiwas naman sila nang tingin nang magtama ang mga mata namin.
"Aalis na ako kung wala ka namang sasabihin." Mabagal kong salita nang hindi nakatingin sa kaniya.
Hindi padin siya kumibo kaya nainis na ako. May problema ba siya sa akin? Napairap ako sa kawalan. I was about to get up when he held my wrist causing me to slam back to my sit. Naiinis ko siyang tiningnan.
Ano ngayon?
Para naman akong basing sisiw nang tumingin siya sa akin gamit iyong mata niyang ganyan! Nakanguso akong umiwas ng tingin.
"I was trying to calm myself down." He huskily whispered.
What? Bakit nakipagaway ba siya? Galit?
Nalilito akong tumingin sa kaniya ulit kahit na ang hirap hirap niyang tingnan sa mata.
"A-Ano?" naguguluhan kong tanong.
He sighed and moved closer to me. Nagtama ang tuhod namin at hindi ko alam kung bakit parang bolta boltaheng kuryente and naramdaman ko doon. Umusog pa siya ng hindi ata nakuntento sa distansya naming dalawa.
My heart is beating loudly that I can almost hear it. Kapag lumapit pa siya, baka marinig na niya rin!
Ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko ay bumaba sa aking kamay. I was literally stiff. Damn damn damn! Bakit ganito? Hindi pwedeng ganito ako ka apektado sa kaniya! His scent is lingering under my nose as I breathe heavily.
"I declined their award so I won't have to dance with another woman and then I saw you dancing with another man." His hot breath is almost hitting my cheeks when he leaned closer for a whisper. His tone is deadly serious and angry.
Feeling ko tuloy isang kasalanan ang sayaw!
And wait? He what? Decline? So, he won't have to dance? Napakurap ako at hindi ko mapigilan ang ngiti kaya kinailangan ko pang kagatin ang dila ko.
Inangat ko ang tingin sa kaniya kahit alam kong sobrang lapit niya. Nanatili naman ang iritado niyang mukha.
"Weh?" I asked, and immediately regret when his furrowed eyebrows doubled!
Napatigil din naman ako ng dahan dahan niyang pinaglaruan ang palad ko. Drawing circles and anything he wants. I am seriously going to faint right now! Ang init ng kamay niya ay dumadaloy sa akin.
"He's a friend..." segunda ko dahil parang hindi nagbabago ang mood niya.
He sighed and moved closer to me, almost leaning! Hindi ko na kaya ito! Mababaliw na ako! Wala ba sa batas na dapat hindi ka pinapaasa ng ganito ng crush mo? This is illegal! And my heart is also betraying me!
His chin is almost beside my temple. Hindi ko na makita ang nangyayari sa paligid dahil ni hindi ko makaya ang nangyayari ngayon sa inuupuan ko.
Ang kamay niya ay nanatili sa akin at mainit. Inangat ko ang tingin nang mukhang wala siyang balak magsalita. I saw how he slowly blinked. Napanguso ako. Pagod na naman ata ito?
"Do you want to dance?"
"Are you okay?"
Nagkatinginan kami nang sabay na magsalita. Nakita ko ang pamumungay nang mata niya at mas mahinahon na ang mukha niya ngayon. He looks tired actually and not okay. His touch is hot on my hands at agad akong nagbaba ng tingin doon.
Hindi talaga ako makapaniwala na kaya niya akong hawakan ng ganoon at hawak niya nga ako ngayon! I put my other hand on top of his and it really is hot. Nagangat ako ng tingin sa kaniya at nakatingin na siya sa akin ngayon na puno ng amusement ang mukha.
Parang kanina lang mukha siyang mangangain!
Humigpit ang hawak niya sa akin at kung hindi ko talaga titinuan ang isip ko ay bibigay ako dito at kikiligin nalang ng lubusan!
"You're hot," I said slowly. I saw his side lips rose.
I groaned when I think he understands it in another way.
"I know," he said.
Inirapan ko naman siya at inilipat ang kamay ko sa mukha niya. He seems shocked at my touch pero napakunot lang ang noo ko. Inilipat ko ang kamay ko sa noo niya at agad ko iyong tinulak ng makumpirma ko na mainit talaga siya.
"You're sick!" I hissed and he just chuckled at me. Hinuli niya ang kamay ko at hinawakan na ngayon iyon pareho.
Ayoko na atang umalis sa pwestong ito?
"I'm fine..."
"You're not!" I hissed angrily.
Inilipat niya ang kaliwang kamay niya sa likod ko at nanatili ang isa sa aking mga kamay. Hinila ako pausog pa kahit wala na kaming ilalapit pa sa pwesto na ito! Mababaliw na ako! Sa kaniya! Hindi ko na kinakaya ito.
"When did the tables turn? I was mad at you..." sabi niya habang ang bibig ay nakadikit na sa gilid ng ulo ko. I can feel him sniffing a little while his nose is touching my temple.
Walang friends na ganito! Hindi ba? Hindi ko papayagan ang friend kong lalaki na ganito sa akin? Anong nangyayari sa atin Aisa?
"Tss..." wala akong masabi. "Y-You're too close..." banggit ko na halos nautal pa.
"Am I?" sagot niya sa akin na ikinayuko ko nalang.
"A-Ano ba ang ginagawa mo?" I cannot seem to calm down damn it!
Napalingon ako sa paligid at agad natagpuan ng mata ko ang pwesto nila Sarah na halos manlisik ang mata sa akin. Tinangka kong umayos ng pwesto pero hindi niya ako pinakawalan.
"I am mad," sabi na naman niya na parang ginagawang dahilan iyon kaya niya ito ginagawa.
So ganito sya kapag galit? I should make him angry more!
Napapikit ako sa iniisip ako nilingon nalang siya.
"Ang daming tao. Ang lapit lapit mo." Sabi ko sa kaniya na parang naiinis kahit hindi naman talaga. "Bakit ka ba galit dyan? Sabihin mo, wala akong clue."
I heard him chuckled a bit. See? Galit siya sa lagay na iyan? Niyugyog ko ang balikat para ipakita sa kaniya na seryoso ako.
"I think I'm jealous." He said without hesitation. Napakurap ako at bahagyang natigilan.
Ngayon, sigurado akong mas malakas na sa tugtog ang t***k ng puso ko. What? Jealous? Bakit? Gusto niya ba ako? Just the thought of it makes me tremble!
"Sinasabi mo diyan!" iwas ko, "Bitawan mo na ako." I said half-heartedly.
"I'm still mad though."
I groaned in frustration.
"That's just an excuse!" sabi ko na parang nagt'tantrums. Kapag talaga ito hindi niya tinigilan, mahuhulog ako!
I heard his laugh, "You're right." Proud pa niyang sabi at wala na akong nagawa.
Lalo akong umirap nang humigpit ang yakap niya. Kulang nalang ay kandungin niya ako para mahawakan ng maayos. That thought made me blush so I instantly shoo that thought.
"Umuwi ka na nga." I said.
"Hmm? Why?" he asked slowly.
"May sakit ka nga!"
"Mas gusto ko dito." I almost got goosebumps at that. Seryoso ang tono niya at hindi ko alam kung saan pa ibabaling ang tingin ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay namin. Ano bang nangyayari? Isang hila pa sa akin, hindi na ako makakabangon. Sigurado iyon.
"Mahahawa mo ako." Pabiro kong sabi. Sumusuko na sa pagpapalayo sa kaniya.
I felt him stiff. Dinungaw niya ako na may multo ng ngiti sa aking labi. Bumalik naman siya sa pagkaseryoso at dahan dahang lumayo sa akin.
"Right." Madiin niyang sabi. "Why didn't I think of that?" dugtong niya na parang sinasabi iyon sa sarili.
Natawa naman ako nang panoorin ang mabagal niyang pagkilos. Nawalan ng buhay ang hawak niya sa likod ko at dahan dahan iyong bumaba. Ang kamay niya naman sa akin ay unti unti niyang iniiwas. Parang hirap pang gawin iyon.
"I'm just kidding!" sabi ko na. Umiling naman siya.
"You're right. You'll get sick..."
Natawa na ako sa kaniya. Parang nahihirapan na naman siya at nagagalit. I smiled at him widely and he stares at me for seconds. He touched my fingertip before solely withdrawing. Napanguso ako. Bigla nakaramdam ako ng lamig.
Mukhang wala naman siyang balak umalis dito. Nanatili lang sa tabi ko pero umayos ng upo.
This time, I reach for his hand. If this move tells that I have feelings for him, so be it. Because I really do.
"Let's go home..." mahina kong sabi habang nakatingin sa mata niya.
I saw how it softens and how he observes me before nodding slowly. I smiled at him at nauna nang tumayo. Hawak ko ang kamay niya at nakatingala siya sa akin. Saglit pa niyang tinantya ang reaksyon ko bago tumayo at hinubad ang jacket niya.
Nagtataka ko siyang pinanood. He moved swiftly and put the jacket on my shoulders. Nagulat ako doon.
"You'll get cold!" paalala ko dahil nga may sakit siya. Ayos lang naman ako?
Tiningnan naman niya ako na parang wala siyang narinig. Sinimangutan ko siya at pinakitang hindi ako sang ayon.
"Your arms." He uttered firmly. Wala na akong nagawa kundi isuot iyong braso ko sa sleeves. Nakasimangot ako habang inaayos niya iyon. "All men here are staring and I can't really blame them because you came here looking beautiful but I am bothered."
I pursed my lips and look away at what he said. This is too much for tonight! Binalik ko ang tingin sa kaniya na parang naasar sa sinabi niya.
"Ang daldal mo ngayon." Sagot ko sa kaniya na nakapagpataas ng kilay niya.
He smiled after. Hindi ko naman alam kung bakit nagingiti rin ako.
"It's because I like the one I'm talking to."
I promptly turn my back at him and groaned loudly. I can't take this anymore! I heard his laugh before he walked to me. He holds my hand and filled the distance of my fingers with his.
Hindi ko na alam ang una kong iisipin! Bakit napunta sa ganito?
Crush ata ako ng crush ko?