Chapter 10
Laboratory
Pilit kong kinalma ang sarili habang naglalakad kami sa parking lot. Bago pa man kami makarating doon ay nakita ko sila Lisa na may mga kausap. Saglit kong tiningnan ang kasama at lumingon naman siya sa akin.
"Magpapaalam lang ako sa kanila," I uttered slowly.
Hindi naman siya sumagot kaya unti unti kong tinanggal ang pagkakahawak niya pero mas lalo naman niyang hinigpitan iyon at tinaasan ako ng kilay. He didn't let go of my hand, instead, he walks towards where my friends are.
Nagulat ako at medyo kinabahan din. Kaya ako nag paalam para hindi na nila makita na magkasama kami! Hindi ko din talaga maintindihan ang isang ito. Ngayon, pagnagtanong sila Lisa, mahihirapan pa akong sumagot!
Bago pa ako makapagprotesta ay nakalapit na kami.
Napalingon naman agad sa amin sila Jennie. Bahagya pang nanlaki ang mata nila ng makita si Damian. Nang malingunan naman ako ay tinaasan nila ako ng kilay.
"Uh... mauuna na akong umuwi. Ayos lang ba?" hindi sigurado kong tanong.
Nakita ko ang pagbaba ng tingin nila sa aking kamay. Oh right. We're holding hands. I pursed my lips and waited for their answer. They're prolonging this embarrassing moment!
Nakita ko ang pagpipigil nila ng ngiti at dahan dahang pagtango.
"Walang problema Aisa!" agad na sagot ni Jennie.
Sa paraan ng tingin niya sa akin, halatang hindi niya palalampasin ito.
"Ingat kayo!" sabi naman ni Lisa. Agad akong tumango at nahihiyang nagiwas ng tingin.
Hindi naman nagsasalita si Damian sa tabi ko. Nang nagangat ako ng tingin sa kaniya ay tumango lang siya sa kausap ko at hinila na ako para makaalis doon.
Nang makarating sa parking ay agad kong nakita ang kotse niya. Bago pa makasakay ay inilahad ko sa kaniya ang isa kong kamay. Inangat ko pa muna iyon paitaas para makita ang kamay ko. Ang laki kasi ng jacket niya.
"What?" he asked.
Napairap ako, "I'll drive." Sagot ko.
Agad naman na nangunot ang noo niya.
"I can drive," mahina niyang sabi kahit halos wala na siyang lakas.
I gave him my annoyed face. "You're sick. Come on, don't be stubborn." Madiim kong sabi.
I saw amusement plastered on his face. Like he's seeing something new. I rolled my eyes at him and he chuckled. May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sa akin. I smiled at him like I won something and happily walk on the driver's side.
Umikot naman siya sa passenger seat at mabilis lang na naupo doon. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. I tilted my head.
"Pinapagod mo ang sarili mo. Are you from work? You should've stayed in Manila." Sabi ko habang nakatingin sa daan.
"Good thing I went here." Magaspang niyang sabi na parang may naalala. I rasped, he isn't done with that yet?
Umiling ako at hindi na nagsalita. Natahimik kami pagkatapos noon. I tried to take a look at him and found him leaning on the window with his eyes closed. Napanguso ako nang makita na naka halukipkip siya.
Agad kong pinatay ang aircon dahil mukha siyang nilalamig. Dapat kasi, hindi na niya binigay itong jacket. Napakakulit.
Nang makarating kami sa bahay niya ay hininto ko ang kotse. Agad naman siyang nagmulat ng mata at lumingon sa akin.
"Sorry..." bungad niya, "I slept."
"It's fine!" medyo pagalit kong sabi. Halatang pagod siya at may sakit na nga pero kung anu ano pa ang unang iniisip. Agad akong bumaba ng kotse at sumunod sa kaniya.
Napatingin siya sa akin ng mapansin na sa tapat ng bahay niya ako huminto. Umirap ako.
"I'll walk you to your door," I mockingly said to him. Ginagaya ang salita niya noon.
Napailing naman siya at hindi umayon.
"Huwag ka nang makulit!" sabi ko pa at hinila na siya.
I really don't know what to do. Alam kong wala siyang kasama sa bahay and he's sick. Is it okay to leave him alone? May gamot kaya siya diyan? Can he take care of himself? I'm seriously worried!
Kakaisip ay nakarating na kami sa tapat ng bahay niya. Nakasimangot siya at parang galit kahit halatang wala na siyang lakas. I am contemplating on what to do and what to say. Is he going to be okay?
"I'm okay here..." sabi niya habang pinagmamasdan ako.
He probably saw my frustration. I sighed and slowly let go of his hand. Nanatili ang tingin ko doon.
"Okay..." wala sa sarili kong sagot.
Humakbang siya patalikod at nanatili ang tingin ko doon. I sighed and closed my eyes. Bago pa siya makatalikod ay agad kong hinawakan ang braso niya. Nahihirapan akong tumingin sa kaniya at siya naman ay nakataas lang ang kilay sa akin.
"I'll... cook something for you. You probably don't have food, right? And did you even take medicine?" my tone was soft and worried. Not sure what word should go first.
Nakita ko naman ang magliwanag ng mukha niya habang tinititigan ako. He slightly smiled and held my hand. Tinitigan niya ako at naiinis ako sa bagal niyang sumagot.
"What? It's cold here. You'll get cold!" sabi ko nang hindi na nakapaghintay.
He chuckled and pulled me lightly.
"Take care of me, then."
Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok na kami doon. The familiar sight of his house filled my eyes. Agad kaming dumiretso sa kitchen. The glass wall separating the courtyard and kitchen is closed. Umupo siya sa silya sa may countertop.
I'm not good at cooking but I can still cook porridge. Sana lang tumama iyong lasa. Kung magkakalasa nga. Bahala na!
Hindi ako nagsalita at nagmadali lang sa gagawin. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya ng tingin sa bawat kilos ko. Na c'conscious ako pero mas importante ang ginawa ko ngayon.
Hindi ko alam na may ibibilis pala ako sa pagluluto sa totoo lang. Habang may ginagawa ay tumingin ako sa kaniya. Hindi maalis ang ngisi niya sa mukha kaya inirapan ko nalang.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ang tigas ng ulo mo. Masyado kang nagpapagod." Naiirita kong sabi nang hindi tumitingin sa kaniya. "Noong nakaraan ka pa ganyan."
I can imagine him smiling more.
"Are you concern about me?" he uttered in a deep and slow voice.
"Slight lang!" agad kong sagot sa kaniya. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang tawa niya.
Saglit ko siyang tiningnan at binalik nalang din sa niluluto ng mapansin na titig na titig siya sa akin. Syempre concern ako? Hello? Friends nga kami! Kahit na parang may bumubulong sa akin na, 'friends lang Aisa?' I groaned silently.
Nang natapos sa niluluto ay nilingon ko siya. "Do you have medicine here?" I asked slowly while watching him.
He looks so tired and sleepy and handsome! Bakit ganoon? Tumango siya at may pinuntahan sa isang room sa tabi ng kitchen. Pagbalik ay dala na niya iyong isang box. Bibuklat niya iyon at siya na ang naghanap ng gamot.
Sakto naman at tapos na ako sa paghahain. Naglagay din ako ng sakin syempre, luto ko ito kailangan kong tikman.
Tinabihan ko siya sa counter at sinabayang kumain. Halos nakatitig ako sa kaniya habang sumusubo siya.
"It's good." Sabi niya kaya napairap ako.
"Nambola pa!" sabi ko at kumain na rin. Hindi naman masama ang lasa kaya hinayaan ko na siya.
"I told you, I can cook so you don't have to worry." Sabi na naman niya kaya nilingon ko siya na may naiinis na mukha.
Hindi ko talaga maintindihan ang pinapahiwatig niya. Oh naiintindihan ko naman ayaw ko lang i'acknowledge!
"Tigilan mo nga ako!" putol ko sa kaniya.
"What? It's true..." sabi niya nang nakatingin sa akin ng seryoso ang mata pero may multo ng ngiti sa labi.
"Hindi kita ma gets!" sabi ko pa ulit.
"Ipaliwanag ko?" seryoso niyang tanong.
"Joke lang!" agad agad kong sabi at lumapit naman siya sa akin at nagsalita.
Tinakpan ko agad ang tenga ko dahil nagsimula siyang magpaliwanag. Naiinis na akong umiwas at nagsalita nang kung anu ano para hindi siya marinig. Agad naman niyang hinatak ang inuupuan ko at hinarap sa kaniya.
Binaba ko ang kamay ko ng tumigil siya. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi naman nagbabago ang maganda niyang mood. Our knees touch and his hand found a way to my wrist, down to my hands.
I bit my lip while watching his hand on mine. I sighed and decided to clean the plates. Tumayo ako sa kinauupuan at hindi naman niya ako binitawan.
"Where are you going?" he whispered to me.
"I'll clean up," agad kong sagot. "You should rest."
Tinagilid naman niya ang ulo para mas matingnan ako ng mabuti.
"Just leave it there. I'll take care of it."
Nanunuya ko naman siyang hinarap at sinamaan ng tingin.
"You can't even take care of yourself!" medyo naiinis kong sabi. "Go to bed! I'll clean up and go home."
Hindi naman niya sineseryoso ang mga sinasabi ko kaya nanatili ang malambot niyang tingin sa akin. Napaismid ako at umiwas ng tingin.
"Doon kana sa living room kung ayaw mong matulog! Magaayos nga ako dito." Pilit ko pa. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi tinigilan hanggang hindi siya tumayo at naglakad papunta sala.
Isa isa ko namang inayos ang ginamit ko at niligpit at hinugasan. Binalik ko iyon kung saan nakalagay saka ako nagpunas ng kamay pagkatapos.
Naglakad ako sa sala para puntahan siya at nakita ko na siyang natutulog doon. Ang kulit pa at ayaw pumanhik eh hatalang pagod na pagod niya. Lumapit ako sa kaniya para gisingin at papuntahin sa kwarto niya.
"Damian..." I whispered. Nakakunot lang ang noo niya habang nakapikit at nakahalukipkip.
"Dame," I called more but he didn't even move.
Napabuntong hininga nalang ako napayuko. Nilapat ko ang aking kamay sa noo niya at nagulat nang parang mas lumala iyong lagnat niya. I hurriedly went back to the kitchen to get a basin and a towel.
Nilagyan ko iyon ng tubig at dali daling bumalik sa sala. Para siyang nahihirapan habang natutulog kaya lalo akong nainis. Ang kulit niya kasi!
Umupo ako sa tabi niya at dahan dahan siyang pinunasan. I removed his jacket on me and put it on the other chair. Binalikan ko siya at inilagay ang towel sa kaniyang noo.
Pagkatapos ay pinagmasdan ko siya. Pumunta naman ako sa room sa tabi ng kitchen para maghanap ng kumot doon. Kung wala dito, aakyatin ko talaga iyong kwarto niya! Pero buti nalang mayroon.
Bumalik ako sa sala at binalot siya ng kumot. Ni hindi siya nagising sa kahit anong ginawa ko. He seems really tired. Napailing nalang ako. Saglit pa akong nanatili doon dahil hindi ko siya magawang iwan.
In the end I wrote a note and place it at the center table for him to see when he wakes up. Dahan dahan ang naglakad palabas at sinara ko ang pinto. Sobrang dilim na dahil mga hating gabi na siguro.
The moon is shining brightly so I was able to see the ocean. Malakas din na umiihip ang hangin at buti nalang ay nakatali ang aking buhok. Dahan dahan akong naglakad at wala akong makitang tao nang lumingon ako para tingnan ang gawi nila Manang Tess.
Nang makarating naman sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan at naligo. Nagpalit ako ng pantulog at humiga sa kama. Matagal pa ako bago inantok dahil sa kakaisip ko sa nangyari ngayon araw.
Hindi ko alam ang iisipin at hindi ako makapaniwala. Is he jealous earlier? I don't know if he's serious but if he is... matutulog na nga ako!
I woke up late the next day. Mataas na ang sikat ng araw at tumatama iyon sa mukha ko dahil hindi ko nasara ng maayos iyong kurtina. I stretch my body and reach for my phone. Halos napatayo ako ng may makitang text doon galing kay Damian.
Ngayon niya lang ako kinontak ulit mula noong umalis ako ng hindi nagpapaalam. I gulped and opened it.
From: Damian
I'm sorry I slept on you. Thank you for taking care of me. I was about to tell you this personally but I guess you're still sleeping. I'll go back to Manila but I'll be back soon. Take care.
Hindi ko alam ang mararamdaman sa text niya. Right! My heart is beating like crazy again but! Wait, go back to Manila? Is he better now? Tiningnan ko ang text at kanina pa iyong alas sais. Alas diyes na ngayon. Ang aga niya?
Hindi ko talaga alam kung pinapatay niya ang sarili niya o ano.
I replied after some thoughts.
Ako:
Don't come back here 'till you're very well!
I tap the send button and got up. Hindi pa ako nakakaalis ng kama ay tumunog na ulit iyong cellphone ko. Agad ko iyong tiningnan.
From: Damian
Goodmorning too. I'll be there immediately after I'm done here. I don't want you to miss me.
Gusto kong takpan ng unan ang mukha ko. Bakit ako nangiti doon? Miss him? As if! Oh my gosh isn't he so conceited?
Ako:
Dream on!
Iyon lang ang nilagay ko at sinend na. Hindi ko na tiningnan pa ang reply niya at naghilamos na ako. Pumunta na rin akong kitchen para sa almusal. Habang kumakain ay tumawag naman sa akin si Maeve.
"Maeve! How are you?" I asked.
"I'm fine. Ikaw? Hmm. I guess you're very fine." Makahulugan niyang sabi at hindi ko nalang pinansin. "Anyway, I'll be free tomorrow. Should we go to Bacolor?"
"Really?" agad kong sagot. "Tomorrow is fine but... are you sure you want to come?"
"Yes! Hindi naman kita mapipigilan at hindi namna kita hahayaan na magisa!"
Matagal pa kaming nagkwentuhan bago binaba ang tawag. Tinanong niya kung nakapaglaba na ako at masaya kong sinabi na oo. She didn't ask about Damian. Buti nalang.
Damian didn't contact me the whole day, ako din naman. Kinabukasan ay naghanda na ako para sa pupuntahan namin ni Maeve. Doon nalang kami magkikita para mas madali. I wore a black jeans and black shirt. Dinala ko iyong cap ko at backpack.
Nakarating akong Bacolor magaalas sais ng gabi. Nandoon na si Maeve sa may munisipyo kaya agad ko siyang pinuntahan at sumakay sa sasakyan niya.
"Six pm ang palitan nila ng shift, right?" pagkumpirma niya habang nagaayos kami.
Tumango naman ako, "Iyon ang sabi nung mga nakausap ko na taga rito."
Nagbihis ako ng uniform na pang nurse. I research about this ampunan kung naka register and naka pangalan kay Mr. Ramirez and it is. Sa lahat ng properties na nakuha ni Maeve sa mga kaibigan ni Daddy, ito lang ang may actual business. And it's suspicious because all of the other properties are hospitals, land, and houses.
At iyong sinabi nila Manong na nakausap ko noon na wala naman silang nakikitang mga bata dyan? That's odd for an ampunan. Orphanage without orphans?
"Where did you get this?" takang tanong ko kay Maeve nang may inabot siya sa aking earpiece.
She shrugged at me and pursed her lips. Natatawa akong umirap.
"I thought you're not in contact anymore?" nanghuhusga kong tanong. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"I pay him for this! It's business, I am a professional." Maarte niyang sabi at natawa nalang ako.
Nang nakapagpalit na ako ay inayos ko iyong earpiece. Maeve will stay outside to look out and I'll go inside. Mayroon pa akong fake ID na kay Maeve din galing. Napabuntong hininga ako nang nag drive siya at huminto malapit sa bahay.
"Are you sure about this?" kinakabahan niyang tanong sa akin.
Saglit naman akong tumingin sa labas.
"I don't have a choice."
Narinig ko ang mura niya at frustration. Napatap pa siya sa manibela. Tingin siya ng tingin sa labas.
"Ang delikado talaga nito! Wala tayong back up! Ni hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa lalaking iyon dahil hindi naman pwedeng malaman niya ito." Sabi ni Maeve na parang kinakausap ang sarili.
Napangiti ako. It's a big effort that she asked her guy for a help kahit labag sa loob niya iyon. I appreciate that a lot. Kung may mangyari man, ang inaalala ko nalang, hindi nila ako sasaktan. Sabihin ko lang na anak ako ni Daddy I'm sure Mr. Ramirez will know me.
They won't hurt me but my Daddy will surely do and that's the end of my escapade. Fail.
"Ayos lang Maeve. If anything goes wrong and I tell you to leave, just leave okay?" mabagal kong sabi na parang pinapaintindi pa sa kaniya.
Hindi naman siya makapaniwalang naka tingin sa akin.
"Aisa! I won't do that!" naiinis niyang sabi.
"I'll be fine even if I get caught. They won't kill me. But I'm not sure what will they do to you if you get caught too..."
Napabuntong hininga siya at hirap na hirap na tumango. I held her hands and smile brightly at her.
"I'll be fine! Okay?"
Matapos ang usapan namin ay agad namin nakita ang paglabas ng ilang empleyado. Mayroon ding mga dumating kaya bumaba na ako at naglakad palapit. My heart is pounding so hard that it hurts.
I am clenching my fist so hard that I think my nails will dig in my palms. Kabang kaba ako lalo na nang makalapit. Isa isang nakatayo ang nurses doon at nakapila habang chinecheck nang guard iyong ID nila.
Napahawak ako ng mahigpit sa ID. I remained my eyes on the ground so that no one will have to talk to me. Nanatili akong mukhang kalmado kahit na halos manginig ang buong katawan ko.
Nang ako na ang nasa harap ng guard halos pati labi ko nanginginig. I pursed them and sighed slowly when the guard didn't suspect me. Napabuga ako ng hangin pagkatapos noon. Ni hindi ko magawang tumingin sa buong lugar, takot na baka may makahalata sa akin.
Sinundan ko lang iyong ibang nurses doon. Malaki talaga itong property and it really looks like an orphanage.
"Ikaw ba yung kasama ko sa information room ngayon?" tanong sa akin noong isang nurse na babae. Halos bumara sa lalamunan iyong puso ko.
Nakapasok kami sa loob pero wala akong makitang mga orphans dito! Lalong kumabog ang dibdib ko. Mas marami pang nurse iyong nasa loob at wala akong nakitang mga room na pwedeng tulugan ng bata.
What I'm seeing are laboratories. What the hell? Am I really seeing this?
"A-Ano?" tanong ko ulit.
"Ikaw yung isa sa mga bago diba? Kasama mo ako sa na magaayos ngayon sa information room. Na briefing ka na diba?" medyo masungit niyang sabi.
Bahagya naman akong tumango at ngumiti ng pilit. May bagong empleyado? Kapag iyon ay lumitaw dito, huli na ako!
"Ah oo. P-Pasensya na hindi pa ko masyadong maalam..." sagot ko sa mahinang boses. Hindi naman siya nagsalita kaya sumunod lang ako sa kaniya.
Pumasok siya sa isang room doon. I saw a lot of computers and files. Napalinga agad ako ng tingin. So lahat ng information ay nandito? Damn! Buti ay hindi ako sa laboratory napunta. Kung hindi, buking agad ako.
So this is really a d**g laboratory. And they are not nurses! Bakit nila ito ginagawa at bakit ganito ang trabaho nila? Napapikit ako.
"Hindi ka ba uupo?" naiiritang tanong noong kasama ko.
Agad naman akong tumingin sa kaniya at dali daling tumabi sa harap ng computer sa tabi niya.
"This is the amount we make this month and the deliveries. Kung gaano kadami at kung kanino." Sabi niya at agad nanlaki iyong mata ko. All the information is here?
"Sort that out and compute the difference from the previous months." Sabi niya pa at nanginginig kong hinawakan iyong mouse. Hindi mapakali ang mata ko. Ang daming pangalan doon at hindi ko naman alam kung kasali ba ang Daddy.
"After you get the profit sale, divide them to transfer equally to the names there." Turo niya sa isang folder. "Huwag kang magkakamali."
He surely doesn't get deliveries! Kasama siya sa nagpapatakbo nito!
"Uh... sorry, hindi pa ako pamilyar, can I ask a question?" hindi sigurado kong sabi.
Kahit parang naiirita ay tumango siya sa akin.
"Sinong may ari nito?" hindi sigurado kong tanong.
Kinabahan ako lalo nang nangunot ang noo niya. Parang hindi niya alam ang sasabihin. Did I ask the wrong question? Mali ba iyon? Dapat ba walang alam ang mga empleyado sa totoong may ari? Because it can surely affect them, right?
Umiwas siya ng tingin. "You're here in the information so I guess they trust you. Ang pagaayos mo ng lahat ng sale at ang paghahatian mo ng pera, lahat ng pangalan na nandoon. Sila ang nagpapatakbo nito."
Halos nanlaki ang mata ko pero hindi ko pinahalata at tumango nalang. Unti unti ko namang ginawa ang sinabi niya. I don't know this but, I can surely take my time. Para lang itong pagbabalance ng statements sa accounting, right?
Mabagal ako kaya sinisilip niya. Hindi naman siya nagsasalita dahil siguro, iniisip niya na bago lang ako. Maya maya ay tumayo siya at nagpaalam na mag b'break. Napabuga ako ng hangin at hindi ko alam kung ilang oras na ako dito.
"Aisa? Ano na ang nangyayari?" rinig kong sabi ni Maeve sa earpiece.
"We are right Maeve. Halos tumayo balahibo ko dito! Puro laboratories!" mahina kong bulong.
Saglit akong tumingin sa paligid at agad kinuha sa bulsa ko ang isang flashdrive. Sinaksak ko iyon sa computer and I copy all the files. I can feel every second that is passing. Ang dami noong files kaya ang bagal!
"I am copying the files. I am so nervous Maeve." Bulong ko pa.
"I am going crazy Aisa!" Maeve said out loud. Halos mapapikit ako.
Nakarinig ako ng ingay sa labas at narinig ko iyong boses ng kasamahan ko. Lalo akong kinabahan. Lumingon ako sa computer. Eighty percent! Oh gosh why is it so slow?!
"Ikaw iyong bago?" narinig kong sabi noong kasama ko.
Oh damn! Lagot na ako!
"Ah opo. Naligaw po ako kakahanap nitong information room." Rinig kong sagot noong kausap niya. My heart is literally going to jump out!
"Sino iyong kasama ko sa loob kung ganoon? Madami ba kayo?" puno na nang pagkakataka iyong boses.
Napapikit ako at agad hinablot ang flashdrive nang matapos.
"Hindi po ako sigurado e."
Agad akong yumuko at naglakad sa kabilang pinto. Saktong bukas nila noong kabila ay lumabas na ako. Hinihingal ako kahit hindi pa naman ako tumatakbo!
"Maeve! I am busted! What should I do? I supposed to stay hidden until tomorrow for another shift!" bulong ko na halos maiyak na.
Sobra iyong kaba ko at halos hindi na ako makahinga!
Narinig ko ang ilang mura ni Maeve.
"I'll distract the guard. Okay? Get out as soon as possible! Please don't get caught!" nagmamadali niyang sabi at naramdaman ko din ang takot doon.
Wala naman nakapansin sa akin habang naglalakad ako. I am praising myself right now! Kung paanong hindi pa ako nahihimatay ngayon!
Nakalabas ako sa garden at may nakita akong mga nurse. Agad akong nagtago ng dumaan sila malapit sa akin. Nakatingin ako sa gate at nakita ang guard na naghihikab.
Maya maya ay may kumatok na doon at agad tumayo iyong guard. Nakita ko ang kalahati ng mukha ni Maeve. Matagal pa niyang kinausap iyong guard, sinasabi na na flat ang gulong niya at hindi siya marunongmagpalit. Hindi naman nagtagal ay lumabas iyong guard at sumunod kay Maeve.
I didn't hesitate when I run and get out. My heart is going to pop! Nang nakalabas ako ay nakita ko si Maeve na may tinuturo sa kotse niya doon sa guard. Nagtagpo ang tingin namin.
"Get to the other side. I'll meet you there." Bulong niya sa akin. Agad akong tumango at tumakbo na sa kabila.
Habol habol ang hininga ay napahawak ako sa poste. Naglakad nalang ako ng medyo malayo na. Napaupo ako sa pavement nang matanaw na ang university doon. Maya maya ay pumarada na ang sasakyan ni Maeve sa harap ko.
Nanghihina akong pumasok doon at nagkatinginan kami. I saw how shock and nervous she is. Takot na takot naman ako. I did this in my entire life!