Denny's POV Buong araw akong nakatunganga. Hindi ko rin alam kung anong susunod kong gagawin. Simula umaga ay bakante ang schedule ko. Napabuga ako ng hangin nang marahas at napasandal sa swivel chair kung saan ako nakaupo. Nakailang palakad-lakad din ako sa loob at patuloy sa pagkagat sa kamao ko. Naiinip talaga ako sa loob. Nang hindi ko na makayanan ay nagpasya na akong tumayo at hubarin ang white uniform ko at lumabas mula sa clinic. Pinuntahan ko si Ms. Tesa. Pagkakita ko ay nakatunghay lang din ang secretary ko sa monitor ng computer. Hindi talaga kami sanay na ganito ang nangyayari. Mas madalas ay abala kami tuwing araw ng Biyernes. Pero ngayon ay wala pa rin ni isa ang pumapasok sa clinic na ito. "Wala pa rin bang nagpa-set ng appointment, Ms. Tesa?" tanong ko. Matamlay na n

