Denny's POV Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tunog ng ambulansya at ang paghihila ng mga nurse at staff ng stretcher para doon ihiga si Cindy. Bawat sandali ay sadyang nakakakaba para sa akin pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Hindi maaari na manonood lang ako sa kanya habang nakikipaglaban siya sa kanyang buhay. May isang nurse ang lumapit at naglapat ng air pump sa bunganga ni Cindy para matulungan itong makahinga. Mabilis na itinulak namin ang kanyang stretcher papunta sa ER. Naroon si Ms. Tesa at ibinigay sa akin ang damit ko. Hinarangan ako ng iba nang makapasok na sila nang tuluyan sa loob. Nakalimutan ko na nakasibilyan pa akong damit kung kaya't hindi ako maaaring pumasok. Ibinigay sa akin ni Ms. Tesa ang scrub uniform ko. "Bilisan mo na, Doktora. Ito na

