Denny's POV Gumising ako at napangiwi sa sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto. Sa kwarto ni Mhieco. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa alaalang iyon. At nang mapansin ko na ako na lang mag-isa sa kwarto niya ay napabangon ako. Nasaan na kaya siya? Nilibot-libot ko ang paningin ko hanggang sa napagpasyahan kong tumayo at magbihis. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng kwarto. May naririnig akong kalansing sa kusina na ipinagtaka ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo doon at nakita ang malapad na likod ni Mhieco. Nagluluto siya. Naghatid iyon ng mainit na sensasyon sa loob ko. It warmed my heart. Napangiti ako. "Nagluluto ka? Ano 'yan?" tanong ko saka naglakad papalapit sa kanyang tabi. Doon ay naputol ang kanyang konsentrasyon at napatigil sa kanyang ginagawa. Napab

