Denny's POV "Ano bang ginagawa n'yo pa rito?" mataray na tanong ni Cindy sa amin ni Mhieco. Napataas ang kilay ko dahil doon. "H-ha?" She sarcastically smiled at me. "Anong akala n'yo sa akin? Tanga? Alam ko kung anong ginagawa ninyo. Inutusan ba kayo ni Daniella na gawin 'to? Siya ba ang nagsabi sa inyo na gawin sa akin 'to?!" pasigaw niyang sabi sa akin. Kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata habang nangingilid ang kanyang luha. I balled my fist and looked at her in my gritted teeth. "Ano bang akala mo sa ginagawa namin? Laro?" Napaismid ako. "Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng oras ko? Hoy, Cindy... hindi lang ikaw ang pasyente ko. Kung sa tingin mo ay ikaw na ang pinaka importante na tao sa ospital namin, nagkakamali ka. Wala akong pakialam sa kung anong tumatakbo sa utak mo. An

