Denny's POV Pinigilan ko ang braso ni Mhieco nang magtangka siyang umalis. Kahit ako ay nagulat din sa inasal ko. Wala akong ibang naramdaman nang mga oras na iyon kundi takot at pagkalito. Halos dagundungin na ang dibdib ko ng malakas na t***k ng puso ko. Ang alam ko lang ay masakit makita ang ekspresyon na nakita ko sa kanyang mukha. Natakot ako nang husto dahil hindi ko alam kung ano ang sinabi ko sa kanya kagabi para malungkot siya nang husto. "S-Sabihin mo sa akin kung ano 'yung sinabi ko sa'yo... please..." desperado kong sabi sa kanya. Saglit siyang napatigil at hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Narinig ko siyang napabuntonghininga bago ako hinarap. Doon lang ako napanganga nang makita ang malawak niyang ngiti at pagpipigil ng kanyang pagtawa. He burst into laughter while

