Denny's POV "H-ha?!" Hindi ko maiwasan ang mapalakas ang pagkakatanong ko matapos marinig ang huling sinabi sa akin ni Mhieco. Teka... bakit nga ba ako nakakaramdan ng ganito? Wala naman akong karapatang magalit. Wala akong karapatang magselos. Wait. Magselos? Are you seriously jealous right now, Denny? Sa sarili mong pasyente? At teka... bakit ka nga ba nakakaramdam ng selos? Ano mo ba si Mhieco? Sa pagkakaalam ko ay pasyente mo rin siya na nakainom lang naman ng gayuma na ibinigay ni Suzy sa'yo. So, bakit ka magseselos? tanong naman sa akin ng isang bahagi ng isipan ko. Narinig ko bigla ang pagtawa ni Mhieco sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. Mas lalo lang iyong nakadagdag sa inis ko kaya padabog akong umayos ng upo at mas pinili na tumingin na lang sa may bintana kaysa ang makita ang m

