Denny's POV Nakarinig ako ng malakas na sigaw at pagbagsak ng isang nabasag na bagay sa sahig. Kaagad akong napatakbo sa kwarto kung saan nanggaling ang naturang ingay. Paghawak ko sa doorknob ay hindi iyon bumukas. Napalingon ako kay Daniella habang natitilihan. Katulad ko ay natitilihin din ang ginang. Nanginig ang kanyang mga kamay na kinuha ang susi mula sa kanyang bulsa. Nang mabuksan niya ang kwarto ay kaagad ko iyong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Doon tumambad sa akin ang mga bubog na nagkalat sa sahig. May tubig at pagkain na nagkalat doon. Sa harap ng kama ay isang nakauniporme na katulong ang naroon at humihikbi. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sugat-sugat ang kanyang braso at noo. Napatingin naman ako sa may kama at nakita naman ang tao na sadya ko sa bahay na

