Denny's POV Wala naman akong tinrabaho buong araw pero pakiramdam ko ay hapong-hapo ang katawan ko. Nakakapagod ang pagtunganga ko sa loob ng clinic. As usual, binawi na naman ni Director Hong ang mga pasyente ko at ibinigay sa ibang doktor. I couldn't help but frustratingly sigh at it. At dahil bagot ako ay nagpalit na lang ako ng damit at lumabas mula sa opisina ko. "Oh, Doktora, saan po kayo?" tanong ni Ms. Tesa sa akin. "Going somewhere na makakapagtanggal ng bagot ko," sagot ko naman saka siya tinapunan ng tingin na seryoso. "Tumayo ka na d'yan. Kasama ka..." Napatagil naman siya at itinuro ang sarili. "K-kasama po ako?" "Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko..." pag-aapura ko sa kanya. Hindi nagtagal ay napangiti na lang siya at kaagad na hinubad ang white coat niya at kinuh

