Chapter 67

2062 Words

Denny's POV Nagising ako nang maaga kinaumagahan. Ako ang nagluto. Alas singko pa lang ay nakapaghanda na ako. Mas nauna pa akong magising kay Manang. Nang makita niya ako sa kusina ay kaagad niya akong tinulungan. "M-ma'am Denny! Naku naman! Bakit hindi n'yo po ako ginising? Ako na sana nito, e. Ako pa naman ang inutusan ni Papa mo na maghanda ng mga ito," nag-aalalang sabi niya habang naghuhugas ng ibang gulay na inilagay ko sa may sink. Ginawaran ko na lang siya ng isang ngiti. "Mas mabuti na iyong tutulungan mo ako. Ayoko na wala akong ginagawa kaya guguluhin ko na lang itong kusina..." nakangiting sambit ko naman habang isinasalang sa rice cooker ang sinaing. Nakasuot pa ako ng apron at pot holder gloves sa kamay. Gusto ko na lang matawa sa sarili ko pero mas pinili ko ang ganito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD