Mhieco's POV "Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, anak?" tanong sa akin ni Tito Darrel nang bisitahin ko siya sa ospital. Seryoso akong tumingin sa isang tasa ng kape na nasa mesa. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko at ipinatong ang baba ko doon. "Kailangan ko nang gawin ang plano ko, Tito. Masyado nang mahaba ang panahon ng paghihintay ko. Hindi ako makakapayag na nasa laya ang hayop na pumatay sa papa ko habang ako ay nananatiling ulila nang dahil sa kanya..." sambit ko habang walang emosyon. "Paano kung magkamali ka habang ginagawa mo ang plano mo? Paano kung mahulog ka nang tuluyan kay Denny?" iyon ang tanong niya sa akin na binigyan ko ng madilim na ekspresyon. I smirked. "I don't know how to love someone, Tito. Dahil hindi ako marunong no'n," I confessed. "And isn't it a goo

