Denny's POV Nababaliw na ba ako? Iyon nga talaga siguro ang nangyayari sa akin. Pero simula nang makita ko siya magmula pa kanina ay iyon na ang nararamdaman ko. Even if he's not putting an effort to make me feel such things, I would still feel this with him. I've been wanting to do this with him. Iyon ang totoo. At kahit ano ang gawin ko ay hindi ko na mababawi ang nasabi ko na. Come on, Denny! You want this. Kaninang kanina mo pa gusto 'to. You don't have the right to refute what you just said, kumbinsi pa sa akin ng isang bahagi ng isipan ko. Napalunok ako nang makita kong napalipat ang tingin ni Mhieco sa labi ko. I saw how his eyes showed his desire. That made my heart throb in an abnormal way. Idagdag pa na tila lalagnatin na ako sa sobrang init ng katawan ko. Hindi naman mainit

