Mhieco's POV Nakaupo si Denny sa harapan ko at patuloy pa rin sa panginginig ng katawan niya. Nakaupo siya sa sofa matapos kong buksan ang ilaw. Napahinga akong malalim at matipid siyang nginitian. "Dito ka lang muna. Kukuha lang ako ng tubig," pagpapaalam ko at akmang tatayo mula sa aking kinauupuan nang bigla kong maramdaman ang mainit na kamay na pumigil sa aking braso. Pagkalingon ay nakita ko ang nagmamakaawa at natatakot na mukha ni Denny. May kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakagano'n pero kailangan kong umarte na may pakialam ako. Dahil sa puntong ito ay wala akong nararamdaman kundi kalituhan. Bakit niya ako pinipigilan? Ah. Alam ko na. Isa ito sa mga napapanood kong palabas sa TV. Kinakailangan kong manood ng napak

