"NAY!" "Nay!" Mahina naman akong napatawa sa dalawang batang lalaki na patakbong lumapit sa akin. "Careful," mahinang saad ko rito. Agad naman nakalambitin ang isa sa aking hita. Ang isa naman panay ang talon. "Ang kulit nila!" bungad sa akin ni Nix na nakakarga naman ang isa sa kan'yang balikat. Yes. I gave birth to triplets. Knox, Gage, at Ezra. Tatlong batang lalaking super cute. Kuhang-kuha nila ang mga mata ng kanilang ama. Ibinaba naman ni Nix si Ezra. Nakasimangot naman ang anak ko. "Suplado talaga ni baby Ezra," aniya ni Nix na pinanggigilan pa ang bata. "No, Dada!" aniya naman ni Ezra na namumula na ito. Napapailing na iniwan ko ang mga ito. Pumasok muna ako sa aking silid at mabilisang naligo. Maya maya kasi kakain na kami ng hapunan. Napatingin naman ako sa salamin

