"BELLE?" Napalingon naman ako kay Nix. "How are you feeling?" aniya na umupo ito sa aking tabi. Pilit naman akong ngumiti rito. "Medyo nahihilo lang. At inaantok na rin lagi." Agad naman niya hinaplos ang aking mukha. "Alagaan mo ang iyong sarili. Masaya ako para sa'yo. Nandito lang ako, Belle." Hinawakan ko naman ang kamay ni Nix. "Salamat. Salamat sa lahat na naitulong mo," halos pabulong na saad ko. "Come here, ipagluluto kita. Ang payat mo na talaga!" galit-galitan na saad niya. Napatawa naman ako. Halos isang oras din na naghintay ako sa nilutong pagkain ni Nix. After namin kumain, agad naman ako nagpaalam na magpapahinga. Pagkagising ko, agad naman akong bumaba. Nadatnan ko si Nix na may kausap itong napakaganda babae. Nagulat pa ako na tinanong niya kung asawa daw ako n

