After two months
dalawang buwan na akong nagtatrabaho dito bilang personal maid at sa awa ng diyos ay umabot din ako ng dalawang buwan, ipinagdarasal ko na sana tumagal pa ako dito, sa loob ng dalawang buwan kung pagiging
katulong dito kahit papaano ay napagtyatyagaan ko Ang suplado Kong amo, Minsan nabubulyawan Ako dahil marahil siguro ay mayroon siyang nakikitang Mali Kong ginagawa, kaya kahit papaano din ay nagtitiis parin Ako, kahit pa Minsan ay Wala naman akong ginagawang Mali, Hindi ko lang maintindihan kung bakit Ang init ng dugo Niya sa akin, minsan kung tingnan Ako ay parang Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, hinayaan ko na lang siyang Gawin iyon sa akin, kesa naman mawalan Ako ng trabaho,
katulad na lamang ngayon nasa harapan niya ako at titig na titig sa akin, hindi ko alam kung ano nanaman Ang ginawa kong Mali, Basta Niya na lang akong tinawag kahit na alam naman nitong may ginagawa pa ako sa kusina,
hindi ko naman siya magawang tingnan dahil natatakot akong magalit ulit siya sa akin tulad ng dati, na ginantihan ko siya ng tingin, abay nagalit pa sakin samantalang siya naman itong nauna, kaya Ang mga sumunod na Araw ay napapayuko na lang ako, tulad na lamang ngayon,
okay you back to your work, napaangat Ang ulo ko sa sinabi niya, at hindi makapaniwalang titingnan lang Ako nito pagkatapos ay tapos na,
kunot noo niya akong tiningnan bago nagsalita,
why? suplado nitong sambit na siyang dahilan ng pagmamadali kong umalis sa office niya dito sa bahay niya,
may saltik talaga,, sambit ko sa aking sarili, habang palabas ng office niya,
bumalik Ako sa trabaho ko dito sa kusina, nakakinis Kasi sana kanina ko pa tapos ito, maglalaba pa naman Ako ng mga kumot at bedsheet niya, kung hindi niya sana Ako tinawag at pinapunta sa opesina Niya, di sana nakapag simula akong maglaba Ngayon, bweset talaga siya, pagmamaktol ko na tila badtrip na badtrip Ang Araw ko, magpasalamat siya mahal Ang sweldo ko kung Hindi matagal na akong umalis Dito, Tama nga si tita Maris, napakasuplado niya, walang Araw na Hindi siya magpapakita ng bad attitude Niya, hayytss,,,,, mabuti nalang poge siya iyon talaga Ang napakalaking puntos niya sa akin, kinikilig pa ako habang sinasabi ko iyon sa isip ko, nasa ganoong pag iisip Ako ng makarinig ako ng pag doorbell sa labas ng gate,
nagmamadali kong tinungo Ang pinto, at laking gulat na naroon na pala Ang amo ko, Ang bilis naman Niya yatang bumaba, kunsabagay Ikaw ba naman na magkaroon ng mahabang biyas,
what? suplado niyang sambit, tinikom ko Ang bibig ko baka Kasi magkamali na naman Ako ng salita malilintikan na talaga Ako sa kanya,
go back to your work, and don't show yourself to those people, you understand? sambit niya pa,
yes Sir, Dito lang po Ako sa kusina, sagot ko.
no!, go to your room first, and don't come out until I say so,
po!,, gulat na Sabi ko,
why is there a problem, suplado parin itong nakikipag usap sa akin,
opo Sir, tawagin niyo na lamang po Ako kapag may kaylangan po kayo,
kunot noo niya akong nilingon, ng magbubukas na sana ito ng pinto, naiirita Niya akong tiningnan,
Hindi ka ba talaga marunong makinig sa sinasabi ko, I said go to your room now, napasigaw na siya sa sobrang pagkairita sa akin, kaya nagulat ako at kumaripas na ng takbo patungo sa maids room,.
habol Ang hininga ng makapasok Ako sa kwarto ko, habang sapo Ang aking dibdib sa sobrang kaba,
ayyy.... grabi kinabahan Ako doon ah, para tuloy akong hinahabol ng sampong kabayo, Ikaw ba naman na sigawan ng malakas Hindi ka kaya nenerbiyusin, grabi siya, pasalamat talaga siya amo ko siya, kung Hindi lang,,, naku,,,,, naku,,,,,, lang talaga baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka mapiktusan ko siya,
Tok....tok....tok... napalingon Ako sa may pintuan ng may kumatok, Hindi Ako nagsalita at tumayo at tinungo ang pinto ng kwarto ko,
Sir,,,, kayo po pala, may ipag uutos po ba kayo, tanong ko habang nakangiti at siya ay walang tigil sa katitingin sa akin, bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtingin niyang iyon, pakiramdam ko Kasi satwing ganito Niya Ako tingnan ay nakagawa na naman Ako ng mali, bakit ba kasi palagi niya akong tinitingnan ng ganyan, natatakot na tuloy ako sa kanya,
Napayuko ako bigla para itago Ang takot na nararamdaman ko,
I'm leaving now, and please make sure you have locked all windows and doors, before you sleep, ikaw na ang bahala dito,
Napatango nalang Ako, pero Ang totoo sumasakit Ang ulo kapag kausap ko siya, dahil minsan Wala akong maintindihan sa sinasabi Niya, bihira lang siya magsalita ng tagalog,
Aalis na sana siya ng bigla Niya akong lingonin, at ayan na naman Ang kaba ko, hayytss.... Ewan ko ba nenenerbiyos ako pag tumatama Ang paningin naming dalawa, para na namang lalabas Ang puso ko sa sobrang kaba,
Sir..... Pabulol Kong sambit, ayy bwesit na kaba na ito nagpahalata pa talagang kinakabahan,
Bakit po Sir may nakalimutan pa po ba kayong sabihin,
Hinarap niya ako Saka nagsalita, Don't tell my Mom where I am, sambit niya Saka siya tumalikod at lumakad , as if naman na alam Ko kung saan siya pupunta, at kahit pa magsumbong Ako sa mommy Niya, hindi ko naman alam kung saan Ang punta niya,
Nagulat ako at napabalikwas ng bangon ng makarinig ako ng pagkalabog ng pinto sa labas ng bahay, nilingon ko Ang maliit na orasan na nakapatong sa mini table na nasa gilid lang ng aking kama,
Diyos ko, mag aala una palang, katamtaman ng kasarapan ng pagtulog ng tao, hindi kaya pinapasok na kami ng magnanakaw, diyos ko diyos ko... Tawag ko sa puong maykapal ano po Ang gagawin ko, tulungan niyo po ako, diyos ko huwag niyo po akong pababayaan, gabayan niyo po ako sa gabing ito, hindi ko pa naman alam kung nakauwi na Ang amo ko, unti-unti akong tumayo at lumakad papunta sa may pinto, nakikiramdam kong may tao sa labas, napatakip Ako sa bibig ko ng marinig Kong may mga yabag akong naririnig patungo sa kwarto ko, agad akong naghanap ng bagay na pweding magamit para maipagtanggol Ang sarili, nahagip ng mata ko Ang gunting na ginamit ko kanina lang, kinuha ko ito at bumalik sa likod ng pinto,
Subukan mong pumasok dito, hindi ako mangingiming itarak itong gunting na ito sa liig mo kapag pumasok ka, sambit ko sa aking sarili,
Nakita Kong gumalaw Ang seradura ibig sabihin niyon na pilit nitong binuksan ang pinto, nang magbukas ang pinto ay agad kong iniumang sa kanya ang hawak kong gunting, pero Ganoon na lang ang gulat ko ng maagap nitong hinawakan Ang kamay Kong may hawak na gunting,
would you kill me with that scissors, paos Ang boses nitong Sabi,
Si.....sir..... Agad kong binitiwan Ang hawak kong gunting na dapat ay itatarak sa liig ng taong mapangahas na gustong pumasok sa aking silid,
Inisip ko na baka nagkamali ng kwartong pinasok si sir dahil sa nakainom siya, kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang,
Reana Can we talk please,? Malumanay nitong sambit, Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko, sa kauna unahang pagkakataon sa tagal ko na Dito bilang maid niya ay ngayon niya lang nabanggit Ang pangalan ko, kadalasan kasi Ang tawag niya sa akin ay maid o di kaya ay heey, at ngayon niya lang din Ako kausapin sa malumanay na tinig, naguguluhan akong tumingin sa kanya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi pinangunahan ako ng kaba, kinakabahan pero hindi natatakot, Ang weird ng nararamdaman ko kasi, pag kinakabahan ako, kasunod nun ay takot, pero ngayon kinakabahan ako dahil naeexcite ako, hindi ko alam kung anong pakiramdam ng ganito,
Po.... ei sir..pero lasing po kayo sir, pwedi naman niyo po akong kausapin bukas, kinakabahan Kong sambit,
Tara na po ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo po, sambit ko at hahawakan ko na sana siya ng bigla niya akong kabigin pasandal sa likod ng pintuan,
Madilim Ang mga matang nakatitig sa akin, binalot ng kaba at takot Ang puso ko,kung kanina ay naeexcite ako Ngayon may Kasama ng takot ang nararamdaman ko, kasi ganito niya ako tingnan kapag galit siya,
I said we can talk, And do not deny me, when I said, I said, Singhal niya,
Tiim bagang siyang napatingin sa taas, at kasabay din ng pagtaas baba ng kanyang Adams apple, napako Ang paningin ko sa view ng maganda niyang mukha, pinagsawaan ko itong tingnan, habang nakatingala siya, napaka perfect kasi ng pakakahugis ng mukha Niya, sobrang gwapo niya,
Nang mapansin kong bababa na Ang tingin nito, ay agad kong niyuko Ang ulo ko, natatakot ako baka mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya magagalit na naman siya sa akin,
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan Ang baba ko, at walang salitang napatingala ako,
Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin,
I can't stop my feeling, I'm crazy because of this, please help me lose it, because I don't know what to do,
Sir.... Ano po iyon? wala sa sariling tanong ko sa kanya,
dahil ang totoo ay wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya, bukod kasi English Ang salita niya ay
nakakadagdag gulo pa sa isip ko, idagdag pa din itong pusong walang tigil sa kakahorumintado,
Ahhm... Sir pwedi niyo po bang tagalogin ang sinabi niyo, nahihiyang sambit,
Alam naman nitong hirap na hirap akong umintindi ng English ie, nakapag aral naman Ako ng high school, pero palagi akong absent dahil sa walang katuwang sa paghahanap buhay Ang tatay ko, kaya Ang nangyayari once a week or twice a week lang ako nakakapasok ng school,
Kaya parang hindi rin ako nakapag aral ng high school,
Minsan iniisip ko na baka sinasadya na lamang ni sir ang magsalita ng English dahil Wala akong maintindihan
Naiirita niya akong tiningnan, I don't know how I like you, even knowing if you're stupid,
si Sir talaga,,,
Lasing Kasi siya kaya hindi Tama na kausapin niya ako na ganito siya,