Kinagabihan
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng sunod sunod na kalampag sa labas ng pinto, tiningnan ko ang maliit na orasan sa aking gilid alas onse kinse na pala, agad akong bumangon sa kama at nagmamadaling tinungo Ang pinto,
Sino Yan,? Tanong ko Mula sa loob ng bahay Bakas sa aking boses ang takot at pangamba,
Reana please open the door, boses iyon ng aking amo, dali dali kong tinungo Ang pinto para buksan iyon, pagkabukas ng pinto agad bumungad sa akin Ang malamig na simo'y ng hanging sa panggabi, at Ang alak na inimom nito, lasing ba siya, Saad ko sa aking sarili,
rumihistro Ang madilim nitong mukha, nakakunot Ang noo nito, muli akong nakaramdam ng takot, sa paraan ng tingin Niya sa akin, halos gusto na nitong lamunin Ako ng buo,
Diyos ko, huwag niyo naman po sanang ipahintulot Ang Kinatatakutan ko, usal ko sa aking sarili habang nakapikit,
Sorry sa isturbo, malumanay nitong sabi, muli nakaramdam ulit ako ng kakaibang pakiramdam sa aking puso, ang malakas na t***k ng aking puso, Hindi sa takot at hindi Rin sa kaba, kundi Isang katuwaan Ang aking naramdaman sa aking puso,
Hmm pasinsiya naiwan ko kasi Ang susi sa kwarto ko, sa sobrang pagmamadali ko kanina, pasinsiya kana, nagising pa kita,
Wala sa sariling napatingin ako sa kanya, ng magtama Ang paningin namin, ay agad akong nagbawi ng tingin,
Hmm okay lang po Sir, Ang totoo po ay gising pa po ako, pagdadahilan ko,
May pagtataka niya akong tiningnan, kaya naman napaisip ulit Ako ng pwedi kong idahilan, hmm ano po kasi sir, ahm nanonood pa po kasi ako ng paborito kong palabas sa TV. Pautal utal kong sambit, kahit Ang totoo non ay busy ako sa kakatext kina Olivia at Alisha,
Napansin ko Ang pagtango niya, kaya niluwagan ko na Ang pinto para makapasok na siya sa loob ng bahay,
Ang inaakala kong susunod niyang gawin ay dederitso na siya sa kwarto niya sa Taas para magpahinga, pero Ang ginawa Niya ay umupo sa Isang malaking couch at doon humiga,
Dahan dahan akong lumapit sa couch kung saan siya nakahiga, at sinusubokan siyang gisingin para makalipat sa kwarto nito,
Ngunit bigo akong gawin iyon sa halip ay dinig ko na Ang paghilik nito, dahilan na talagang mahimbing na ang tulog niya,
Tinungo ko ang kusina at kumuha ng maliit na palanggana at binuhusan iyon ng maligamgam na tubig, bumalik ako sa kinaroroonan niya, nilapag ko ang palanggana sa mini table na naroon, bahagya Kong binasa Ang bimpo sa tubig na nasa palanggana, nag iisip pa ako kung ano Ang gagawin ko, dahil natatakot akong hawakan siya sa katawan niya baka ikagalit pa nito ang gagawin kong pagpunas sa kanya,
Hayyyts.... Bahala na nga, basta ginawa ko lang kung ano ang dapat,
Akma ko na sana siyang punasan ng umangat sa Eri ang aking kamay, sinundan ko ng tingin ang kamay ko na napako sa hangin at Ganon na lang Ang gulat ko ng makitang hawak nito Ang kamay ko,
Teka, gising pa pala siya akala ko ba tulog na siya, nagtataka kong tanong sa aking sarili,
What are you doing? Malamig niyang Sabi, at nakakunot Ang noo niyang tiningnan Ako ng masama, kasabay ng pagbangon niya sa kinahihigaang couch,
Ahhm... Sir pasinsiya na po kayo, gusto ko lang po sanang punasan kayo ng maligamgam na tubig, pa...passss..sinsiya na po Sir hindi na po mauulit ito, pautal utal kong Ani,
Habang nakayuko, Saka palang nito binitiwan ang kamay Ko na hawak nito kanina,
Look at me,, maautoridad niyang Sabi na siyang ikinagulat ko at kinatingin sa kanya na may pagtataka,
Ba....bakit po Sir? May kaylangan pa po ba kayo, Hinawakan Niya Ang kamay ko at pinaupo Ako sa tabi nito, sa sobrang gulat ko ay nanlaki Ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa ginawa niya, at sa halos magkadikit na ang aming katawan
at Amoy na amoy ko ang mabango nitong panglalaking pabango, napapikit ako para lasapin ang mabango nitong amoy,
I said look at me, maautoridad at malamig Ang tuno ng boses nitong sambit,
Sa sobrang takot ko sa kanya ay Wala sa sariling napatingin Ako sa kanya,
Sa kauna unahang pagkakataon ngayon ko lamang siya natingnan at natitigan ng diretso, Malamlam Ang mga matang tumingin sa akin, nakikita ko doon Ang lungkot at sakit, gumuhit Ang sakit at lungkot sa puso ko ng makita ko iyon sa kanya,, hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kanya,
Sir ano pong problema, bakit po kayo malungkot? Kung hindi po kayo naiilang sa akin pwedi niyo naman pong sabihin o ikwento sa akin Ang problema niyo, handa po akong makinig,
Tsst.... Ano bang alam mo sa problema ko,? Lalo pa't sa Isang tulad ko,
Sir lahat naman po ng tao ay may problema, lahat ng tao dumadaan sa matinding pagsubok, mayaman ka man o mahirap, lahat tayo ay may kanya kanyang problema, O pagsubok na pinagdadaanan,
Ikaw!....?
Po.... Gulat kong tanong sa kanya,
No.... I mean, Ikaw anong pinoproblema mo,?
Ako po!?, Naku Sir, Ang Dami po, sa sobrang Dami ie hindi ko na nga mabilang, siguro po umabot na ito sa langit sa sobrang dami,
Napangisi siya sa sinabi ko, hindi ko alam pero may kung ano akong nararamdamang kilig sa puso ng makita ko siyang ngumiti, Ngayon ko lang kasi siya nakitang ngumiti ng ganito, sobrang gwapo niya, natulala Ako dahil sa simpeng ngiti niya,
hindi ko akalain na mapagbiro ka Rin pala, Ang buong akala ko tahimik ka lang at mahinhin, pero iba ka rin pala,
Nakaka amaze Ang ugali mo,kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko,
Hindi naman po Ako tahimik at madaldal na tao, sakto lang po, tahimik ako kapag hindi ko masyadong kilala Ang tao, kapag kilala ko Ang tao, doon mo pa lang makikita at madidiskobre Ang totoong pag uugali ko,
Kung Ganon pwedi ko bang sabihin sayo Ang problema ko?, lumambot Ang tuno ng kanyang boses ng banggitin Ang tungkol sa problema Niya,
Abay, Oo naman po handa po akong makinig at kahit abutin pa tayo Dito ng umaga, Ani ko na nakataas pa Ang dalawang kamay,
Tumayo siya, at sinundan ko siya ng tingin ng humarap siya sa akin, ay nag simula ulit Ang pag kabog ng puso ko,
Ang pagbilis ng t***k ng puso ay siyang nagpagulo sa sestema ko, pakiramdam ko ay narinig na nito ang pagtibok ng puso kasi nakita ko siyang nakakunot Ang noo ng tumingin siya sa akin,
naranasan mo na bang mag mahal o mahalin ng isang lalaki? napalunok ako ng sarili Kong laway ng marinig ko Ang sinabi niya,
Oo naman po Sir, maikling sagot ko,
When and who? Tanong nito, nagtataka ako sa tanong niya, akala ko ba problema niya ang ikekwento niya sa akin, bakit napunta na ito sa akin,
Sa pagtataka ko ay sinagot ko parin Ang tanong niya, para wala siyang masabi,
Dalawang beses po akong nagmahal, yong una nagkagusto ako sa kanya at minahal ko na rin, hindi niya alam Ang nararamdaman ko para kanya,
Fuck!!!!.. damn it, this is it, rinig kong Ani niya sa mahinang tinig, pero ipinagsawalang bahala Kona lamang ang sinabi niya,
How about the second time,? Tanong niya ulit,
Yong pangalawa iyon Ang nagmahal ako sa maling tao inakala ko dati na totoo Ang pinapakita niya sa akin, pero Ang totoo pala non ay kasinungalingan, pinagkaisahan Niya kami ng Best friend ko,
That's all?, Ani niya
Hmmm, tumango Ako, Bago yumuko, dahil sa hiya,
Paano pag nakita mo siya ulit, ganon pa rin ba Ang mararamdaman mo para sa kanya?
Tiningala ko siya, ng may pagtataka, hindi ko maintindihan kung bakit ko ba ito sinasabi sa kanya, gayong alam kong hindi naman siya interesado sa buhay ko, lalo na sa buhay ko pag ibig,
Para hindi siya magalit sa akin, dahil nakikita ko na naman Ang aura nitong masungit, ay sinagot ko ulit ang tanong niya,
Hindi ko po alam, pero pweding Oo at pwedi Rin namang hindi, kunot noo niya akong tiningnan,
Pinagpatuloy ko pa Ang sasabihin ko, dahil baka hindi nito naintindihan Ang ibig kong sabihin,
Ang ibig ko pong sabihin ie,,, Oo, iyon kong single pa siya, Ani ko pa, pero kung hindi na, wala naman pong problema sa akin, kung may Asawa na siya, o kasintahan, ibig sabihin hahayaan ko na siya, sino ba naman Ako para pansinin niya, hamak na mahirap lamang Ako, at namamasukan Dito sa maynila bilang katulong, dugtong ko pa sa sinabi ko,
Ie Teka nga po pala sir, di ho ba't kayo itong may problema, bakit po Ako Ang pinagkweto niyo, dapat po kayo Ang nag kukwento sa akin,
Hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanya.
Don't worry, I'm okay now, solve na Ang problema ko , thank you sa sinabi mo, Anya, sabay ngiti at umupo ulit sa tabi ko,
Ayan na naman Ang nakakamatay niyang ngiti, dyos ko kung palagi siyang ganito sa harap ko aatakihin Ako sa puso sa sobrang kilig,