bc

The Ruthless

book_age18+
11.5K
FOLLOW
46.6K
READ
family
arranged marriage
playboy
dominant
confident
drama
comedy
bxg
humorous
like
intro-logo
Blurb

"I'ts plain and simple Miss Gomez you have to choose wether to be my wife or I will put your brother in jail?"

Halderson Keirby Dawnson told her while smirking like demon.

He's rude actually the most evil man she'd ever met, he had no mercy lalo sa katulad nilang mahirap.

He was ruthless and she hated him for ruining her brother's life.

But she doesn't have any other choice but to marry him kahit labag na labag sa loob niya,.

And the reason why he's forcing her to marry him is because of his political ambitions, bakit siya? Ang tanong ni Sheena sa sarili.

Well isa lang naman siya sa pinakamagandang dilag sa kanilang nayon, so why not?

Plus she's also smart and can talk to any kinds of people, including animals actually(char)

Will they be able to work their marriage or it will just be one hell of a full battle between the ruthless and the distress?..

Dahil sa ugali ng lalaking nakaka stress.

Find out....

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Tao po! Tao po! Sheenaa!!!" Malakas na tawag ng kaibigan niyang si Gracia sa labas ng kubo nila. Napatakbo tuloy siya sa may bintana nilang yari sa pawid at kawayan, sinilip niya si Gracia. Yari lamang kasi sa pawid at kawayan ang bahay nila. Kasama niya doon ang lolo at lola niya at tsaka yung bunso at kaisa isa niyang kapatid na lalaki na si Ricky. Isang magsasaka ang kanyang pinakamamahal na lolo at ang lola naman niyang ubod ng strikto ay tindera ng mga gulay sa palengke. Isa lamang silang maralitang pamilya subalit masaya at kontento siya sa kasimplehan ng kanilang buhay. "Oh Gracia bakit ba? Parang kang nasunugan kung makasigaw ah." Bungad niyang natatawa pa sa kaibigan. Si Gracia ay isa sa matalik niyang kaibigan, kababaryo din niya ito at kaklase niya ito noong high school, may isa pa silang kaibigang bakla si Kulas na ang screen name sa gabi ay Kulasa o Sassy. "Hay naku, beshie may good news ako sayo. Dali halika." Excited ang mukhang napapadyak pang saad ng kaibigan. Bigla tuloy nagliwanag ang mukha niya at naisip na baka may magandang raket itong ibibigay. Agad siyang lumabas at pinuntahan ito. "Ano ba yun? Siguraduhin mong magandang balita yan ha kundi ay sasabunutan ko iyang bulbol mo!" Natatawang biro niya pa kay Gracia. "Gaga! Sigurado akong matutuwa ka. Pero teka di mo ba ako bibigyan ng miryenda bisita ako dito ah." Biro nitong tawang tawa. "Ay ganun, naghahanap ka ng miryenda, bakit kaya hindi ka nagdala ng baon." Ganti din niyang saad dito tsaka sila nagtawanan. "Oh ano ba kasi talagang ipinunta mo dito?" Kunot noong tanong niya kapagdaka. "Eh kasi besh malapit na ang pista at napag alaman kong may gaganaping beauty contest para sa lahat ng magagandang dilag sa bayan natin." Saad nito na ikinamilog ng mga mata niya dahil sa excitement. Mahilig talaga kasi siyang sumali sa mga beauty contest at sa kung ano anong contest basta may kaakibat na cash prize ang usapan. "Magkano ang premyo?" Tanong niyang may halo ng tuwa sa tinig. Sana malaki ang cash price para maibili na nila ng mga gamit ang kapatid niyang magka- collage na. "Eto naman premyo agad." Tugon nitong tumirik pa ang mata. "Eh siyempre kelangan kong malaman para makapaghanda ako ng bonggang bongga." Sagot niya kay Gracia. "Malaki ang premyo girl dahil ang sponsor ay ang pamilya lang naman ng mga Dawnson. At eto pa ha kasali sa magiging hurado yung anak mismo ni Gov. Dawnson, yung galing sa America." Namimilog ang mga matang saad pa ng kaibigan. Ang pamilyang Dawnson ang isa sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa kanilang lalawigan. May mga malalawak silang lupain at mga sakahan. Sila din ang may-ari ng haciendang nasa ibayong bayan at marami din silang negosyo sa ibat ibang lugar. "Oh talaga, bakit umuwi na ba yun? Di ba doon yun nagta-trabaho sa America?" Kunot noong pakiki tsismis pa niya dito. "Ay oo girl at balita ko tatakbo din siya sa susunod na halalan at besh ang bali balita pa ay single na single pa ang gwapong epitome ni Brad Pitt na lalaking yun." Dagdag pa ni Gracia na halatang kinikilig habang binabanggit ang anak ng kanilang gobernador. Hindi pa naman niya nakikilala ang lalaking binabanggit nito pero maraming nagsasabing ubod nga daw ito ng gwapo. Napaismid siya ng marinig ang mga sinabi nito. Siguradong babaero din yun., Sa isip isip niya. "Makapag kwento ka diyan kala mo naman babahagian ka nun ng komisyon sa mga papuri mo." Nakangising turan ni Sheena kay Gracia. "Hmp wag kang bitter diyan. Ah basta kapag nakita ko ang gwapong yun naku besh gagawin ko ang lahat para malapitan siya." Kinikilig pa nitong tugon na parang kinikiliti ang singit. Sheena just rolled her eyes at hinayaan na lamang niya ito sa pagpapantasya sa lalaking ni hindi pa niya nasisilayan. "Oo na nga bahala ka. --Nga pala kelan ba yang beauty contest na yan at saan gaganapin?" Pag iiba niya sa usapan. "Sa bayan ng Agustin gaganapin besh at simula na bukas ang registration pero wag ka ng mag alala dahil nauna na sa pila si Sassy at naipalista ka na niya." Tuwang saad nito na ang tinutukoy na Sassy ay si Kulasa, mas bet daw kasi nito na tawaging Sassy kaysa Kulasa dahil ang pangit daw pakinggan. Walanghiya talaga 'tong mga kaibigan niya at di pa siya pumapayag ay naipalista na agad ang pangalan niya.' Himutok ng isip niyang iiling iling na lamang. "Ayos din kayong dalawa eh ano, di pa ako pumapayag, ipinalista nyo na agad ang pangalan ko." Di makapaniwalang saad niyang pinandilatan ito ng mata. "Eh yaan mo besh dun din naman ang punta. Tsaka alam mo malaki ang premyo dun kaya sigurado akong di ka magsisi." Pangungumbinsi pa ni Gracia sa kanya. Saglit pa silang nagkwentuhan nito bago nagpaalam na uuwi na ang kaibigan. Nang makaalis si Gracia ay ipinagpatuloy na niya ang naudlot na ginagawang pagluluto ng kanilang hapunan. Wala ang mga lolo at lola niya ng mga sandaling iyon, ang lolo niyang si lolo Tasyo ay kasalukuyang nasa bukid at nililinisan ang maliit na sakahan nito, nasa 68 years old na din ang lolo nya pero malakas pa ang pangangatawan. Samantalang ang lola Lydia naman niya ay naroon sa kanyang maliit na pwesto sa palengke para magtinda ng gulay. Si Sheena Gomez ay isang bente kwarto anyos na dalaga, isa na siya ngayung sekretarya ng isang private Lawyer sa kanilang bayan at dahil sabado ng araw na yun ay nakatoka siyang maglinis, magluto at maglaba. Kahit na busy na siya during weekdays sa pagtatrabaho ay naisisingit pa rin niya ang mga gawaing bahay dahil isa siyang certified O.C o yung tinatawag na masinop sa bahay at sa lahat ng gamit. Ang pagsali sali niya sa mga contest ay lingid sa kaalaman ng mga abuelo niya dahil sa konserbatibong pananaw ng mga ito sa buhay lalong lalo na ang kanyang lolo. Ang tanging may alam sa mga kalokohan niya ang nag iisa niyang kapatid na si Ricky. Si Ricky ay isa nang 17 anyos na binatilyo, at siya ang tumutustos sa pag aaral nito simula nang sila ay maulila sa kanilang magulang. Sampung taong gulang pa lamang nun si Ricky nang mamatay sa isang malagim na aksidente ang nanay at tatay nila kaya magmula noon ay kinupkop at inalagaan na sila ng mga magulang ng kanilang ama. Mabait at mapagmahal ang mga ito at wala siyang masabi dahil kahit napakahirap ng buhay ay talagang sinikap ng dalawang matanda na pag aralin siya ng kursong secretarial course. Dalawang taon lamang ang kursong iyon kaya nung matapos siya ay agad na siyang nag hanap ng trabaho. At dahil sadyang smarte at palakaibigan ay madali din siyang nakahanap ng mapapasukan, inirekomenda pa nga siya ng isa nilang professor sa kaibigan nitong abogado na nang mga sandaling iyon ay naghahanap din ng sekretarya. At doon siya nagta-trabaho. Kaya sa halos dalawang taong pagta-trabaho niya sa Law firm ni atty. Maracas ay nakapag ipon na siya kahit paano ng pang enroll ng kapatid niyang papasok na rin sa kolehiyo sa susunod na taon. ***** Pagsapit ng lunes ay balik trabaho na si Sheena, nakapamalit na siya ng pang opisina. Isang puting polo na may butones at paldang pencil cut ang pagkakatabas na lagpas tuhod ang suot niya ng umagang iyon. Plinantsa pa niya iyon ng bongga at talaga nga namang walang kagusot gusot. "Oh apo, bihis ka na pala. Kumain ka muna ng almusal bago ka pumasok." Bungad ng lola niyang nasalubong niya sa may maliit nilang sala. "Good morning my beautiful lola, ano maganda ba ako la?" Ngiting ngiting tanong niya dito habang umikot pa sa harapan nito. "Abah naman pagkaganda ganda mo apo. Pero teka bakit naglagay ka ng pintura diyan sa mukha mo?" Bigla ay napansin nito ang make up na nilagay niya. Usually kasi hindi siya naglalagay nun lalo pag nakikita ng mga abuelo niya, kaso dahil nga sa sasalihan niyang contest ay naglagay na siya para after ng trabaho ay didiretso na siya sa kung saan idadaos ang beauty contest na sasalihan niya kasama ang dalawa niyang kaibigan. Nag apuhap siya ng idadahilan sa kanyang lola. "Ah-eh lola ka-kasi po s-sabi ni attorney kailangan daw mag ayos kasi may pupuntahan daw po kaming pag titipon a-at isasama daw po niya ako." Halos pagpawisan ang singit niya sa pagsisinungaling. "Ay ganun ba, eh bakit isasama ka pa niya?" Tanong pa ulit nito. At naisip niyang yun na din ang irarason niya dito sa pag uwi niya ng late mamayang gabi. "Eh kasi la, kliyente po namin yun at kaibigan rin ni Attorney kaya ho isasama niya ako dahil may kinalaman din po sa trabaho. --kaya la, gagabihin po ako ng uwi mamayang gabi ha. Pero wag po kayong mag alala dahil nangako naman po si Attorney na isasabay ako pag uwi." Pagpapaalam pa niya kay lola Lydia. "Kow eh---ikaw na bata ka ha, wag na wag kang gagawa ng kalokohan pag ika'y nasa labas. Malaki ang tiwala ko sa iyo Sheena." Paalala ng lola niya, ibig sabihin nun ay pinapayagan na siyang lumabas. Napangiti siya ng lihim at tsaka humalik na sa pisngi nito tsaka nagtungo ng kusina para mag agahan. Excited na siya sa gaganaping Pre-pageant mamayang gabi at talagang nag praktis pa siyang umawra at lumakad with poise ayun sa turo ng bakla niyang kaibigang si Sassy. Nadatnan niya sa kanilang maliit na kusina ang kapatid niyang si Ricky, bihis na din ito at naka uniporme na. "Good morning ate." Bati nito pagkakita sa kanya. Ngumiti agad siya dito ng matamis tsaka hinalikan sa pisngi. Mahal na mahal niya ang bunso at nag iisa niyang kapatid na si Ricky, ito ang dahilan kung bakit siya kumakayod ng todo at sumasali sa kahit na anong patimpalak para matustusan ang pag aaral nito. "Good morning bunso. Ano kumusta ang pag hahanap mo ng school?" Masiglang tanong pa niya at ginulo ang buhok nito. "Ate naman, wag mong guluhin yang buhok ko, inayos ko na yan eh." Reklamo ni Ricky na biglang sumimangot. "Ay sus, siguro may pinopormahan ka na ano?" Panunukso pa niya dito na natatawa. Ganun sila ka-close ni Ricky dahil nga bata pa ito ng maulila sila ay siya ang nag alaga dito noon, siya ang nagluluto ng pagkain nito, nag aayos sa mga gamit at lahat ng pwede niyang gawin para sa kapatid ay ginagawa niya. "Wala ate, ayaw ko pa ng ganyan." Maikling sagot nito tsaka nagpaalam nang mauuna nang umalis para pumasok. Iiling iling na lamang siya habang nakasunod ang tingin dito. *note: slow updates po... thanks for reading. ❤ The only constant in this world is change

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Greek Professor

read
99.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
60.3K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
721.7K
bc

Worth The Wait

read
203.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
90.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Just Another Bitch in Love

read
41.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook