Araw ng pamamanhikan ng mga magulang ni Keirby at nasa bahay lang si Sheena para maglinis ng bongga dahil nakakahiya namang madatnan ng mga magulang nitong magulo ang munti nilang tahanan, kahit naman kasi maliit lang ang bahay kung maayos at malinis ay masarap pa ring tirhan. Aligaga siya sa pagkukus-kus ng sahig ng dumating ang dalawa niyang kaibigan, nagprisinta kasi ang mga itong tumulong at super excited pa nga ang mga ito sa pamamanhikan nila Keirby. "Besh, we're here na---- ano na ang gagawin ng aming mga beauty?" Ngiting bungad ni Sassy nasa tabi nito si Gracia at ang dalawa niyang kaibigan ay todo outfit pa eh maglilinis lang naman sila. "Ay mabuti naman at nandito na kayo, may mga walis diyan sa labas umpisahan na ninyong walisan ang mga dahong naglaglagan at mamaya aayusin na

