"Hello Sassy palabas na ako andiyan na ba kayo?" Bungad na tanong ni Sheena sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Oo girl bilisin mo na diyan!." Sagot ni Sassy halatang excited na.
Nagpaalam na siya dito at sinabing papunta na siya sa meeting place nila tsaka niya ibinaba ang telepono.
May usapan kasi silang magkikita na lang sa sakayan ng jeep papunta sa bayan ng Agustin kung saan gaganapin ang pre-pageant ng sasalihan niyang beauty contest.
Naghahanda na siyang lumabas ng opisina ni Atty. Maracas dahil alas singko na ng hapon.
"Oh Sheena bakit di ka pa umuuwi?" Tanong ni Atty. dahil nalabasan pa siya nito sa kanyang table. Bitbit na nito ang atache case na lagi nitong dala pag pasok mukhang ready to go home na din ito.
"Palabas na ako sir, tinapos ko lang yung ini-encode kong Authorization letter nung client natin." Nakangiting saad niya at dinampot na ang bag.
"Ah ganun ba. Oh siya sige mauuna na ako, ikaw na lang ang mag lock nitong office ha." Tugon nito na tinanguan naman niya at nauna na itong lumabas ng office.
Paglabas ng gusali kung saan nandun ang kanilang maliit na Law office ay pumara na siya ng tricycle para magpahatid sa sakayan ng jeep papuntang Agustin at kikitain niya doon ang dalawang kaibigan.
Pagbaba pa lamang niya sa tricycle ay namataan na niya ang dalawa.
"Ayan na ang diyosa! Dalii!!" Nakangiting bungad na tili ni Sassy pagkakita sa kanya.
Si Sassy o Kulas sa totoong buhay ay isang parlorista meron itong maliit na parlor sa kanilang bayan at ito mismo ang beautician, manikurista at taga gupit sa mga customer nito, may dalawa naman itong kasamang mga bakla din at madalas sa ganitong raket nila si Sassy ang beautician at manager niya.
"Hay naku pasensya na mga bakla kung medyo natagalan ako, paano ba naman kaninang umaga nasira na ang araw ko gawa ng isang walang modong tao." Saad niyang nakatirik pa ang mata, dahil hanggang sa mga oras na yun ay bad trip pa siya sa lalaking nakaaway niya kaninang umaga.
Naku wag lang sanang magkrus ulit ang landas nila ng hinayupak na yun., Sa isip isip niya.
"Ano ka ba besh wag mo ngang stressin yang beauty mo baka mamaya sa pag rampa mo dala dala mo pa yang pagka beast mode mo diyan. Hinga ka ng malalim at iutot mo yang toxic na yan." Natatawang saad ni Sassy tsaka sila nag apir ni Gracia na panay din ang tawa.
Iba talaga pag si Sassy na ang humirit talagang matatawa ka.
"Sira ka talaga, tara na nga magkalat pa tayo dito ng bad vibes." Yakag niya sa dalawa at sumakay na sila ng jeep.
Alas nuebe pa daw ang simula ng pre-pageant ayon sa mga kaibigan kaya may oras pa silang mag practice.
Nasa venue na sila ng gaganapan ng pre-pageant at namataan na nilang nandoon na rin ang ibang kandidata.
Pumasok sila sa dressing area at hinanap ang event organizer na kilala ni Sassy.
"Dito tayo girls ayan na mukhang start na ng briefing, dali na Sheena umawra ka ha." Malanding tugon ni Sassy na iginiya siya papasok sa dressing room.
"Oh yung mga kandidata na kasali diyan dito kayo sa side na to." Pag aanunsyo ng event organizer.
"Uy bakla! Kumusta?, ang taray ang dami mong raket ah." Tili ng kaibigan niyang si Sassy patungkol sa event organizer na nakilala niyang si Rica, bakla din ito at ayon kay Sassy tropa daw nito ang huli at siya nga ang nag invite sa kanila para sumali.
"Eto stress na stress sa mga babaeng ito hmp ang papasaway." Saad naman nitong nakatikwas ang mga daliri habang napatampal pa sa sariling noo.
"Ay siya nga pala bakla, eto pala yung friend ko na pinalista kong kasali sa pageant, si Sheena." Pakilala ni Sassy sa kanya kay Rica.
"Oh wow ang tarush bakla, napakagandang babae.--- Puri nito sa tsaka siya tinignan mulo ulo hanggang paa and then he smirked.
"Teka may dala ba kayong bikini?" Tanong pa ni Rica na bumaling sa kaibigan niyang si Sassy.
"Anong bikini?" Kunot noong singit na tanong niya sa mga ito.
Ang pagkakaalam niya kasi ay pre-pageant pa lang at wala pang swimsuit competition kaya nagtaka siya kung bakit kelangang mag bikini agad.
"Oh bakit parang nagulat ka girl? Eh bikini open 'toh!." Nakamulagat na tugon pa ng baklang hitad.
Nanlaki ang mata ni Sheena at agad binalingan ng nagtatanong na tingin ang dalawa niyang magaling na kaibigan.
Hindi niya akalaing bikini open pala ang sasalihan niya. At bakit hindi nila iyon sinabi?
Hindi naman sa masyado siyang conserbatibo dahil kung ilang beses na din naman siyang nagsuot ng two piece bikini during pageants pero never pa talaga siyang nag all out na bikini lang ang tanging suot.
"Ano to Sassy, Gracia? Bakit di nyu sinasabi na bikini open pala ang sasalihan ko?" Nakataas kilay niyang tanong sa mga ito at ngali ngali na niyang pag untugin ang dalawa.
Nagtinginan naman ang dalawa habang nakahalukipkip si Rica na nakatingin sa kaibigan nitong si Sassy.
"Eh kasi pag sinabi namin sayo kaagad sasama ka ba?--- Pilosopong tanong ni Sassy.
"Girl kaya ka namin gustong sumali dito dahil malaki ang premyo., di ba sabi mo kailangan mo ng datung para sa enrollment ng kapatid mo? tapos eto pa beshie may chance ka pang maging isang underwear model pag ikaw ang nanalo. Oh di ba ang bongga.!?." Paliwanag ni Sassy na nakangiti pa at talagang nange-engganyo.
"Tama si Sassy besh, gusto ka lang naming tulungan kasi alam naman namin ang sitwasyon mo, lalo at sabi mo nga nakikita mong hirap na sa pagta-trabaho ang lolo at lola mo. Kaya keri na yan besh isang gabi lang naman.." Dagdag pa ni Gracia at umabrisyete pa sa kanya.
Bigla siyang natigilan at bahagyang nag isip. Kung titignan kasi wala namang masama sa pag rampa na bikini lang ang suot tutal naman it's for competition sake ika nga at hindi naman ibig sabihin na kapag sumali ka sa bikini open ay mababang uri ka na ng babae. Naisip niya.
Tama ang mga kaibigan niya kailangan nga niya ng pera para sa pag aaral ng kapatid niyang si Ricky, ayaw na niyang bigyan ng suliranin ang mga abuelo niya. Kaya kahit sa anong paraan pag aaralin niya ang kapatid. Saad niya sa sarili.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang kaibigan tsaka siya bumuntong hininga.
"Magkano ba ang premyo?" Tanong niyang biglang lumambot ang anyo.
"Well pag ikaw ang nanalo girl iuuwi mo ang 50k." Sagot ni Rica na nakataas pa ang noo.
Namilog bigla ang mga mata niya upon hearing that amount. Ang laki nun, limang buwang sahod na nya yun kung tuusin. Sa isip niya.
Bigla siyang nabuhayan ng dugo.
"Kayong dalawa ha-- etong pagsali ko dito ay atin atin lang, alam nyo naman ang ugali ng lolo ko. Baka mahabol tayo ng itak nun pag nagkataong malaman niyang sumasali ako sa ganitong contest." Nanakot na tugon niya sa dalawang kaibigan.
"Oo naman besh atin lang to, takot lang namin kay lolo Tasyo." Natatawa pang saad ng dalawa.
"Oh siya ano na mga bakla. Ready ka na ba Sheena kung oo magbihis ka na at magsisimula na tayo!" Biglang tili ni Rica na parang nataranta.
"Halika na Sheena, andito yung isusuot mong bikini binili ko pa yan sa online shop para sayo ha." Turan ni Sassy sabay hila sa kanya sa loob ng dressing room, habang si Gracia ay naghanap na ng mapupwestuhan.
Paglabas niya ng dressing cubicle ay nakabikini na siya.

"Wow! Sheena ang sexy mo girl!." Bungad na tugon ni Sassy na namimilog pa ang mga matang nakatunghay sa kanya.
"Hindi ba malaswang tignan besh?" Naiilang na tanong niya.
She wore a striped bikini na parang sa balat ng tigre ang print. Nang makita niya ang sariling repleksyon sa salamin kanina ay para siyang namangha dahil sa nasilayang sariling alindog.
She couldn't believe that she possesses that kind of curvy body. Never naman kasi siyang naging body conscious. Kahit pa laman siya ng mga beauty pageant hindi siya yung tipong iaangat ang sariling kagandahan dahil on the first place kaya lang naman siya sumasali sa ganung patimpalak ay dahil sa cash prize. In short she used her beauty to gain more money.
"Sigurado ka bang okay lang at hindi malaswang tignan?" Alanganin tanong pa ulit niya sa kaibigan.
"Gaga ang sexy mo nga eh, naku besh Im sure maraming lalaking maglalaway sa alindog mo." Maluwang ang ngiting tugon pa ni Sassy sa kanya.
Napabuntong hininga siya at nag ipon ng sapat na lakas ng loob bago lumabas para puntahan ang iba pang kasali sa bikini open.
❤❤❤
*to be continued*