Halos umiikot na ang paningin ni Sheena dahil sa dalawang bote ng beer na nainom niya at nagiging maingay na din siya habang panay pa rin ang tingin niya sa gawi nila Keirby. "Ano na mga besh order pa tayo ng isang bucket ako naman ang magbabayad." Nakangising turan niya habang namumungay na ang mga mata tanda ng tinamaan na siya. "Besh tama na yan, uwi na tayo. Hayaan mo na lang si Keirby at bukas mo na lang kausapin." Awat sa kanya ni Gracia habang pinipilit kunin ang isang bote na namang hawak niya. "H-hindi pa tayo uuwi! Mag-eenjoy muna tayo Gracia. Ngayon lang to oh---- tsaka hayaan mo yang lalaking yan sa gusto niyang gawin dahil wala akong pakialam at ganun din siya sa akin!!" Madiing turan niya sabay tungga ng beer. "Kita mo na Sassy dapat kasi hindi mo na sinabi ang nakita mo

