Nang makaalis si Keirby ay mistulang naging hungkag ang pakiramdam ni Sheena. Bakit ganun ang nararamdaman niya nung yakapin siya nito kanina. Para bang gustong gusto niya ang ganoong pakiramdam na ito lamang ang nagparamdam sa kanya. The feeling of comfort and protection that she felt when he hugged her. She couldn't explain why but she liked that. Huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob ng kanilang bahay. ***** After how many days ay naging busy na sila sa pag aasikaso ng kanilang kasal. Keirby and Sheena needs to attend seminars for couples na ikakasal sa simbahan kaya palagi silang magkasama. Paglabas niya ng office nila sa hapon ay naroon na ito at naghihintay and then tutungo sila sa iba't ibang establishment para makipag coordinate sa mga kakailanganin nila para sa

