Habang lumalalim ang gabi ay napapansin niyang napaparami na ng inom si Keirby kasama ang mga kaibigan at ilang bisita nila. After kasi ng kainan ay nag kanyahang table na ang mga bisita at kanya kanyang labas ng alak. Kasama niya sa isang table sila Sassy at mga baklang kaibigan nito na enjoy na enjoy pa sa pagvi-videoke. "Uyy besh okay ka lang ba? Tignan mo yung asawa mo oh kanina pa tawa ng tawa parang natamaan na--- naku naman paano na ang unang gabi nyo girl kung parang di na yan makakatayo sa kalasingan." Nakangising turan ni Sassy habang nakatingin din sa gawi nila Keirby. Napaismid siya dahil sa inis sa lalaki dahil imbes na asikasuhin ang mga bisita ay ito pa talaga ang naunang malasing. Ano bang problema nitong unggoy na 'to,!, Maktol ng isip niya patungkol sa lalaki. "Hay

