"Ako na diyan" presinta ni Nathan at kinuha niya ang dala ni Erica na stand ng Camera. "Kaya ko naman 'e" sagot naman ni Erica. "Alam kong kaya mo, gusto lang kitang tulungan." nakangiting sambit ni Nathan. Napangiti naman si Erica dahil nababaitan siya kay Nathan "May Jowa ka ba?" out of nowhere na tanong ni Erica at napahinto naman si Nathan sa ginagawa niya. "Huh?" bahagya itong natawa. "May Jowa ka ba?" pag uulit ni Erica. Umiling si Nathan, "Wala." Napanganga si Erica "Bakit? sa gwapo mong yan?" nabigla niyang tanong. Bigla namang nahiya si Nathan at natawa "Wala pang dumarating 'e." Napaisip si Erica habang tulala sa mukha ni Nathan "Ang kinis ng mukha mo 'no, ang cute mo," pinisil ng bahagya ni Erica ang pisngi ni Nathan. Natigilan naman si Nathan dahil na wierd-duhan siya

