Binabasa ni Erica ang listahang ginawa niya dahil kailangan niya nang mag grocery. Napailing pa ito dahil naparami ata siya ng nai-lista, iniisip niya tuloy kung alin ang iko-cross out niya pero mukhang kailangan naman niya lahat ang naka lista dito kaya ibinalik na lang niya sa sling bag niya ang kanyang ballpen na dala. "Sh*t" mahinang sabi niya nang makitang wala sa sling bag niya ang kanyang cellphone at maalalang nakalimutan niya ito sa tapat ng Computer niya. Pag baba niya ng bus ay mag lalakad pa siya nang kaunti para makarating ng mall. "Init" reklamo niya habang pinapay-payan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Alas kwatro na siya umalis ng bahay dahil iniiwasan niyang mainitan pero naiinitan pa rin siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makapasok na siya ng mall dahil malamig

