*Brrzz* *Brrzz* *Brrzz* "Tsk" singhal ni Erica dahil mahimbing ang tulog niya pero may istorbong nagdo-doorbell. *Brrzz* *Brrzz* "Ano ba! Aga aga 'e!!" sigaw niya habang nakapikit pa. Bumangon siya at nag inat, kinusot niya rin ang mata niya. *Brrzz* Napairap siya sa kawalan. Hindi naman kasi maririnig ang ingay niya sa labas dahil nasa loob siya ng kwarto niya. Irita siyang lumabas ng kwarto. *Brrzz* "Teka! Excited!?" inis niyang sigaw, bad mood siya ngayon. Binuksan niya ang pinto at literal na nanlaki ang mata niya't naestatwa dahil sa taong nakita niya. Isang lalaking naka polo ng puti at unbuttoned ang dalawang unang butones ng polo niya, naka tuck-in at mukhang mamahalin ang belt nito. Higit sa lahat ay may dala itong bouquet na maraming red roses. "Good mor—" Padabog n

