SIENNA'S POV MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN… Tulalang nakatingin ako sa kapatid na nakaratay pa rin.May mga aparato na itong nakasuporta.Hinihintay na lang namin ang petsa ng operasyon nito.Tuluyan na rin ako tumigil sa dating pinagtatrabahuhan kung saan may koneksyon sa dating nobyo. Umalis na rin kami sa bahay namin at ang mga kapatid na iba ay nasa probinsya nila Jeremi.Sa magulang ng kaibigan nakatira ang mga kapatid pansamantala na taos puso naman tinanggap ng magulang ng kaibigan. Maayos ang kalagayan ng mga ito doon at syempre sa kinikita ko na malaki sa pagsasayaw kasama sila Jayvee ay napapadalhan ko ng sustento ang mga kapatid na nasa malayo.Buong puso kong niyakap ang bagong trabaho ngayon na para sa ibang tao na may madudumi at makitid na utak ay nakakadiri at ituturing ka na pok

