SIENNA'S POV MALAMIG NA SIMOY ng hangin ang dumampi sa aking balat at halos liparin ang mahaba kong buhok kaya napapikit ako sandali.Mga alon na kay sarap pakinggan sa tenga.Napamulat lang ako ng mga mata ko ng hawakan ni Lena ang braso ko at iginiya sa mga security.Matapos i-check ang dala namin ay ibang direksyon ang tinahak namin hanggang sa makarating kami sa isang magarang building na naman.Sumakay kami sa elevator at huminto lang sa isang floor at pumasok sa isang kwarto. Muli na naman ako namangha sa nasa loob ng kwartong pinasukan namin.Pero napalis rin agad ang pagkamangha ko ng makita ang mga sexy na damit na nakahanger ng maayos sa isang lagayan.May mga maskara rin magara na nakahanay ng maayos. Kombinasyon ng pula at itim ang kulay nito na may glitters. "Siennapot upo ka don

