SIENNA'S POV DAHIL SA MGA INAASIKASO ay hindi ko na masyado nabigyan ng oras si Onyx lalo na at magkalayo pa kami ngayon.Nasa out of the town pa ang nobyo at bihira ko lang din maisipan na sulyapan o bisitahin ang selpon ko.Masyado kasi akong nakapokus para sa kapatid lalo na nitong mga nagdaan ay dumadalas ang paglala ng sakit nito. Natakot ako ng minsang ubuhin ang kapatid at may dugong iniluwa at isama pa ang pagdugo ng ilong nito. Abot-abot ang kaba ko palagi at pag-iisip ng mga negatibong bagay.Malimit rin ako na hindi makapasok sa trabaho nitong mga nakaraan.Buti na lang nga at napa pagtakpan ako ng mga kaibigan sa Boss namin.Nadalaw rin dito ang mga kaibigan tulad na lang ngayon na nandito silang lahat para makibalita at syempre para kamustahin na rin ako. "Girl nakain ka pa ba n

