SIENNA'S POV LUMIPAS PA ANG ILANG ARAW at sa bawat pagdaan ng araw ay napapadalas ang nangyayari sa kapatid at napapansin ko rin na mas nagiging agresibo o lumala lalo ang sakit nito.Mainitin ang ulo ng kapatid kumbago nagiging bugnutin ito at halos pahirapan ako sa pagsusuyo dito para sa pagkain at inom ng gamot.Halos wala na masyado pahinga ang katawan ko sa pagpupuyat sa pagbabantay dito sa gabi at pag wala ako pasok sa trabaho. Pinakamatagal na oras na tulog ko ay two to three hours lang kaya naman malapit -lapit na akong maging zombie! "Hoy Siennapot ayos ka lang ba?Jusko ka girl ano ba yan nangingitim na yan ilalim ng mata mo at pansin ko lagi kang antok?Ano puyat na puyat lang?" Napalingon ako sa nagsalita na walang iba kundi si Jayvee na titig na titig sa akin habang nakapameywa

