SIENNA'S POV "Jusko po panginoon mahabagin!" Sambit ko sa isipan ko ng makita ang pag-atake na naman ng kumbulsyon sa kapatid.Para akong natuklaw ng sawa at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan kahit na nga nung bumalik ang nurse na may dalang kung ano ay hindi man lang ako natinag. Pakiramdam ko rin ay papanawan ako ng ulirat ano mang oras.Mas lalo lang ako napatanga lalo na ng tumigil ang kapatid pero tumunog naman ang isang machine bago may nilapat ang doctor sa may bandang dibdib ng kapatid. "Clear" Narinig ko pa saad ng Doktor bago may nilapat sa dibdib ng kapatid kaya naman habang nakatunghay ako sa mga ito—sa ginagawa ng mga ito ay nawalan ako ng balanse at muntik ng matumba kung hindi lang ako naagapan alalayan ni Mae matapos nitong daluhan agad ako. "Ate Sienna…" Nangangatal a

