Pagkatapos nga nilang maligo ay hapon na nang makauwi. Pinaghanda n rin kasi sila ng pagkain ng kasama nilang guide kaninang tanghalian. Kahit papaano ay naibsan naman ang bigat ng dinadala niya. Hindi nga lang sila nagpapansinan ni Paula. Wala rin naman siyang balak na pansinin ito dahil maiinis lang siya sa kaplastikan. Pag-uwi nila ay kaagad na nilapitan siya ni Rogue at may dala itong tuwalya. “Rogue,” saad ni Paula. Deri-deritso lang din si Mia sa paglalakad at wala siyang pakialam. Kahit na kalmado na siya ay ramdam pa rin niya ang inis para sa asawa. Hindi niya rin ito pinansin kahit pa akmang ibibigay nito sa kaniya ang tuwalya. Isip-bata na kung isip-bata waaa siyang pakialam. Hindi siya sanay na basta-basta na lang na hindi kinakausap na hindi niya alam kung ano ang kasalanan

