Nakatanga lamang si Mia habang nakaupo sa kama. Kanina pa nakaalis si Tin. Napatingin siya sa wall clock at pagabi na. Kanina pa siyang tanghali na naghihintay kay Rogue. Mabigat ang pakiramdam niya at hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kung sakaling makabalik na ito. “Ma’am, kakain na po,” saad ng kasambahay sa kaniya. Napatingin siya rito at napabuntong-hininga. “Hindi pa po ako nagugutom. Bababa lang po ako mamaya, sasabayan ko si Rogue,” sagot niya rito. Ilang sandali pa ay bumukas na naman ang pinto. “Mamaya na ako kakain,” aniya at ipinikit ang kaniyang mata. Wala siyang narinig na sagot at tanging pagsara lamang ng pinto. Napabangon siya at mabilis na napatingin. “Rogue,” aniya. Tahimik na nakatingin lamang ito sa kaniya. Nginitian ito ni Mia at tumayo t’saka nilap

