Kinabukasan ay umuwi na rin sila kaagad. Walang imikan at tila binibigyan din siya ng panahon ni Rogue. Gusto niya munang ikalma ang sarili niya para makagawa ng desisiyong alam niyang hindi niya pagsisisihan. Napatingin siya sa newly renovated house ng asawa niya at napangiti. Ang ganda at talagang naayon pa sa paborito niyang kulay. Mahilig siya sa neutral colors. Akmang aalalayan pa siya ni Rogue nang mabilis na bumaba siya at kinuha ang kaniyang bag t’saka pumasok sa loob. “Puwede bang malaman kung saan ang kuwarto ko?” tanong niya rito. Nakasuot siya ng shades dahil namamaga lang naman ang mata niya. “Our room, the master’s bedroom,” sagot nito. Hindi na nakipagtalo pa si Mia at umakyat na sa second floor. Sumunod naman sa kaniya ang asawa niya. Tila nakikiramdam sa kaniya. “Mia

