Chapter 31

4910 Words

Nakatingin lamang si Mia sa cellphone niya at nakatitig sa litrato ni Rogue. Huminga siya nang malalim at napasinghot. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis nitong pumayag. “Anak?” Mabilis na pinunasan niya ang kaniyang mukha at nilingon ang ina. “Pumasok ka na at mahamog na,” saad ng kaniyang ina. Tumango naman siya. “Opo, ‘my,” sagot niya at isinilid na sa bulsa niya ang selpon. “Kumusta naman kayo ni, Rogue? Ilang araw ko na ring napapansin na nag-uusap naman kayo. Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga maibabalik sa dati?” usisa ng kaniyang ina. Huminga naman siya nang malalim at tiningnan ito. “Divorced na kami, ‘my,” sagot niya rito. “What?” untag nito. “Binigay niya na sa ‘kin ang lagi kong request sa kaniya. Dapat nga masaya ako ngayon, pero iba ang nararamdaman ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD