Maaga pa lang ay kinuha na ni Mia ang anak niya. Mabuti na lamang at gising na ito. “Shh,” aniya. Tumango naman ito. Kinarga niya ito at maingat na bumaba. Kita niya ang dalawang guards sa harap kaya umikot sila ng anak niya papunta sa back gate. Pagkalabas nila ay t’saka niya nakita ang asawa na nakatayo sa terasa at gulat nang nakita siya. “Mia!” he shouted. Nginisihan lamang ito ni Mia at pinakyuhan. Patakbong umalis na siya at wala na ring nagawa pa si Rogue. -------------------------------------------- “Paula sinabihan na kita ‘di ba? Tigilan mo na ‘to,” wika ng ina nito. “Tigilan ang ano, Ma? Kayo ang dahilan kaya nasira ang buhay ko. Dahil sa kalupitan niyo kaya nahihirapan akong mapasaakin ngayon si Rogue,” sagot niya rito. “Paula, huwag mong guluhin ang buhay nila. Ano pa

