“Ano ang ginagawa mo rito?” matigas na wika ng ina ni Mia habang nakatingin kay Rogue. “I need to talk to her, ‘my,” saad nito. “Bumalik ka na lang bukas, Rogue,” matabang niyang sagot. “Please, ‘my,” giit nito. “Alam mo, talagang gusto kita para sa anak ko. Alam kong kapag ikaw ang nakatuluyan ng anak ko ay hindi siya maghihirap. Mukhang pera na kung mukhang pera. Bilang ina, gusto ko lang masigurado na bago ako mawala ay nasa mabuting kalagayan ang nag-iisa kong anak. Ang laki ng utang na loob namin sa ’yo, pero hindi ibig sabihin nu’n na puwede mo ng saktan ang anak ko. Handa akong maghirap para sa anak ko. Titiisin kong magdildil ng asin para sa kaniya. Umasa ako na baka ito na talaga ang para sa kaniya dahil may anak kayo. Kilala ko ang anak ko, mapagtiis siya at hindi nagpapaapi.

