Sea Sa paglipas ng ilang sandali na ginagabayan ako ni Azul sa paghinga ay unti-unti rin akong kumalma. Tahimik akong lumuluha habang pinapanood siyang minamasahe ang palad ko gamit ang maliliit niyang kamay. "Can you already feel this, Mama?" tanong niya saka marahan na diniinan ang pagpisil. Pagod akong tumango. Nanatili siyang seryoso habang patuloy sa ginagawa. Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Poseidon na may handang ngiti ang pumasok ngunit unti-unti 'yon na napawi. Napatayo si Azul, nanatili na hawak ang kamay ko ngunit ang atensyon niya ay nasa bagong dating. "Papa, Mama is not okay. I found her crying uncontrollably. She can't move, too and her body turned hard," pagsusumbong niya. Malalaki ang hakbang na lumapit si Poseidon. Iniabot ni Azul ang ka

